Wikang Kastila

Espanyol, Kastila
Español, Castellano
Pagbigkas/espaˈɲol/, /kasteˈʎano/ - /kasteˈʝano/
RehiyonMga bansa at teritoryo na gumagamit ng Espanyol:
 Argentina,
 Bolivia,
 Chile,
 Colombia,
 Costa Rica,
 Cuba,
 Republikang Dominikano,
 Ecuador,
 El Salvador,
 Equatorial Guinea,
 Guatemala,
 Honduras,
 Mexico,
 Nicaragua,
 Panama,
 Paraguay,
 Peru,
 Puerto Rico,
 Espanya,
 Uruguay,
 Venezuela,
 Western Sahara
at may kapansin-pansing bilang ng populasyon sa
 Andorra,
 Belize,
 Gibraltar,
 Pilipinas,
at ng
 Estados Unidos.
Mga katutubong
tagapagsalita
Pangunahing wikaa: 450[1]– c. 400 million[2][3][4]
Kalahatan a: 400–500 milyion[5][6][7]
aLahat ng mga bilang ay humigit-kumulang lamang.  (nawawalang petsa)
Pamilyang wika
Indoeuropeo
  • Italiko
    • Romanse
      • Italo-Kanluran
        • Galoiberyo
          • Ibero-Romanse
            • Kanlurang Iberyano
              • Espanyol, Kastila
Sistema ng pagsulatLatin (Halaw sa Kastila)
Opisyal na katayuan
Opisyal na wika sa22 mga bansa, Nagkakaisang mga Bansa, Unyong Europeo, Organisasyon ng mga Amerikanong Estado, Unyong Latin
Pinangangasiwaan (regulado) ngAsosasyon ng Mga Akademya ng Wikang Kastila (Real Academia Española at ng iba pang 21 mga akademya ng pambansang wikang Espanyol)
Mga kodigong pangwika
ISO 639-1es
ISO 639-2spa
ISO 639-3spa

Ang Kastilà o Espanyól ay isang wikang Romanse na nagbuhat sa Espanya at ngayon ay ang pangunahing wika ng Amerikang Latino. Sa Espanya at ilang bahagi ng Latinoamerika, ito ay kilala din sa tawag na “Castellano” o "Kastelyano" na tumutukoy sa rehiyon (o lumang kaharian) ng Castilla (Kastilya) sa Espanya, kung saan ito nagmula upang linawin mula ibang mga wika ng Espanya (tulad ng Galisyano, Basco, at Katalan) at ng Latinoamerika (tulad ng Quechua at Guarani). Sa mga bansang gumagamit nito, Espanyol ang tawag ng ilang bansa ngunit sa iba naman mas madalas ang paggamit ng castellano. Castellano ang tawag rito sa Arhentina, Tsile, Peru at Urugway. Ilang pilologo ang tumatawag sa Kastilyano kapag bumabanggit sa wika sa Kastilya noong Gitnang Panahon at Kastila sa makabagong porma nito. Ang Kastelyano ay maaari ding subdiyalekto ng Kastila na sinasalita sa Kastilya sa panahong ito. Ito ay may serye ng pagkakaiba sa pagbigkas na naiibang Kastila halimbawa rito ang Andulusia o Aragon na kung saan sila'y nagsasalita ng ibang sub-diyalekto. Sa madaling salita, Castellano sa pambansang pananaw; Espanyol sa pandaigdigang pananaw.

Klasipikasyon

Ang wikang Kastila ay myembro ng sangay na Romanse ng Pamilya ng mga wikang Indoeuropeo at isa sa mga wikang nag-ugat sa Latin.

Ponolohiya

Madaling maiaangkop ang ponolohiya ng Tagalog sa Kastila. Gayumpaman, ang mga sumusunod ay ang ilan sa mga pinakamahalagang pagkakaiba:

(base sa Wastong Pambalitang Kastila ng Mehiko)

  • Ang eu ay binibigkas na /ew/ at hindi /e·u/ o /yu/: eucaristía /ew·ka·ris·tí·ya/.
  • Ang güe at güi ay binibigkas na /gwe/ at /gwi/: Argüelles /ar·gwé·lyes/, pingüino /ping·gwí·no/.
  • Hindi binibigkas ang h, maliban kung kasunod ng c: historia /is·tor·ya/, pero coche /kó·tse/.
  • Ang ng ay binibigkas na /ng·g/ at hindi /ng/: inglés /ing·glés/, tango /táng·go/, fritanga /fri·táng·ga/, singapur /sing·ga·pur/.
  • Magkasintulad ang bigkas ng v sa b at hindi ito binibigkas nang /v/: voluntario /bo·lun·tá·ryo/.
  • Ang w ay maaaring bigkasin na /v/ o /gw/: Walhala /val·á·la/, whisky /vís·ki/ o /gwís·ki/, wafle /vá·fle/ (karaniwan sa mga salitang-hiram lamang; hindi ito katutubong titik)
  • Ang z ay hindi binibigkas na /z/, kundi bílang /s/ (o /th/ sa hilagang Espanya).

Hindi likás sa wikang Kastila ang mga titik k at w.

Talasalitaan

EspanyolTagalogPagbigkas
mundomundo[mun-do]
canciónkanta[kan-syon]
teléfonotelepono[te-le-fono]
aguatubig[ag-wa]
fuegoapoy[fwe-go]
librolibro[li-bro]
lápizlapis[la-pis]
casabahay[ka-sa]
camakama[ka-ma]
vidabúhay[bi-da]
papelpapel[pa-pel]
cocinakusina[ko-si-na]
padreama[pa-dre]
madreina[ma-dre]
niñolaláki[nin-yo]
niñababae[nin-ya]
comidapagkain[ko-mi-da]
grandemalaki[gran-de]
pequeñomaliit[pe-ken-yo]
nochegabí[no-tse]
mañanaumaga[man-ya-na]
díaaraw[di-ya]
mesbuwan[mes]
EneroEnero[e-ne-ro]
FebreroPebrero[feb-re-ro]
MarzoMarso[mar-so]
AbrilAbril[ab-ril]
MayoMayo[ma-yo]
JunioHunyo[hun-yo]
JulioHulyo[hul-yo]
AgostoAgosto[a-gos-to]
SeptiembreSetyembre[sept-yem-bre]
OctubreOktubre[ok-tub-re]
NoviembreNobyembre[no-wiem-bre]
DiciembreDisyembre[di-syem-bre]
porquekasi[por-ke]
peropero[pe-ro]

Distribusyong heograpiko at mga diyalekto

Ang Kastila ay isa sa mga wikang opisyal ng United Nations, Unyong Europeo at Unyong Aprikano.

Ang Mehiko ang may pinakamaraming tagapagsalita nito na nasa bílang na 100 milyon. Ang sumunod ay ang mga bansang Kolombiya (44 milyon), Espanya (41 milyon), Arhentina (39 milyon) at Estados Unidos (30 milyon).

Kastila ang opisyal at pinakamahalagang wika sa 21 mga bansa: Arhentina, Bulibiya (koopisyal sa Aymara), Tsile, Kolombiya, Kosta Rika, Kuba, Ekwador, El Salvador, Espanya (koopisyal sa Katalan, Galisyano, at Basko), Guwatemala, Gineang Ekwatoriyal, Honduras, Mehiko, Nicaragua, Panama, Paraguay (koopisyal sa Guaraní), Kanluraning Sahara, Peru (koopisyal sa Quechua at Aymara), Puerto Rico, Republikang Dominikano, Urugway, at Beneswela.

Ito ay mahalaga at ginagamit, ngunit walang opisyal na status, sa Andorra at Belize.

Ito ay ginagamit ng karamihan sa mga taga-Hibraltar (na inaangkin ng Espanya), pero ang Inggles ang nananatiling tanging opisyal na wika ng kolonya.

Sa Estados Unidos—na walang kinikilalang tanging opisyal na wika—ang Kastila ay ginagamit ng ¾ ng populasyon nitong Latino. Ito rin ay pinag-aaralan at ginagamit ng maliit ngunit mabilis na lumalaking bahagi ng populasyong di-Latino nito bunga ng pag-usbong ng negosyo, komersyo, at politikang Latino.

Ang Kastila ay may mga tagapagsalita rin sa Netherlands Antilles, Aruba, Canada, Israel (kapwa Kastila at Ladino o Hudeokastila), Kanluraning Sahara, hilagang Morocco, Trinidad at Tobago, Turkiya (Ladino), at US Virgin Islands.

Sa Brasil, kung saan ang salita ay Portuges, ang wikang Kastila ay nagiging pangalawa o pangatlong wika sa mga kabataang estudyante at propesyonal. Ang popularidad nito sa bansa ay dahil na rin sa maraming pagkakahalintulad ang dalawang wika at pati na rin sa halos lahat ng karatig bansa ng Brasil ay Kastila ang gamit.

Sa Pilipinas, kung saan ang paggamit nito ay bumababa ng husto sa mga nakalipas na dekada, tinanggalan ng opisyal na status ang wikang Kastila noong 1973. Bagamat tadtad ng katutubong salita at Inggles ang mga wika sa Pilipinas, nanatili pa rin ang Kastila sa wika tulad ng sistema ng pagbibilang, pananalapi, pagsasabi ng oras, ng edad, atbp. Pati ang sistemang kalendaryo ng Pilipinas ay isang bersyon ng Kastila. Gayunpaman, ang natatanging kryolyong Kastila-Asyatiko, ang Wikang Zamboangueno o Chavacano ng Zamboanga at Wikang Caviteno o Chavacano ng Cavite, ay ginagamit ng 292 630 mga Pilipino (senso ng 1990) sa ilang rehyon sa isla ng Mindanao at sa isang rehyon sa kalapit-timog ng Maynila sa isla ng Luzon. Ang ibang mga wika sa Pilipinas ay naglalaman din ng maraming hiram na salitang Kastila.

Ang Mundong Hispano
Mga bansang may mga populasyon ng mga Hispaniko
Alphabetical OrderBílang ng mga tagagamit
  1. Alemanya (410,000)
  2. Andorra (40,000)
  3. Arhentina (41,248,000)
  4. Aruba (105,000)
  5. Australia (150,000)
  6. Austria (1,970)
  7. Bagong Selanda (26,100)
  8. Belize (130,000)
  9. Beneswela (26,021,000)
  10. Bulibiya (7,010,000)
  11. Bonaire (5,700)
  12. Brasil (19,700,000)
  13. Curaçao (112,450)
  14. El Salvador (6,859,000)
  15. Ekwador (10,946,000)
  16. Equatorial Guinea (447,000)
  17. Espanya (44,400,000)
  18. Estados Unidos ng Amerika (41,000,000)
  19. Guwatemala (8,163,000)
  20. Guyana (198,000)
  21. Guyana Pranses (13,000)
  22. Hayti (1,650,000)
  23. Hapon (500,000)
  24. Honduras (7,267,000)
  25. Israel (160,000)
  26. Italya (455,000)
  27. Canada (272,000)
  28. Kanluraning Sahara (341,000)
  29. Kuwait (1,700)
  30. Kolombiya (45,600,000)
  31. Kosta Rika (4,220,000)
  32. Kuba (11,285,000)
  33. Libano (2,300)
  34. Mehiko (106,255,000)
  35. Morocco (960,706)
  36. Nicaragua (5,503,000)
  37. Olanda (17,600)
  38. Panama (3,108,000)
  39. Paraguay (4,737,000)
  40. Peru (26,152,265)
  41. Pilipinas (2,900,000)
  42. Pinlandiya (17,200)
  43. Portugal (1,750,000)
  44. Portoriko (4,017,000)
  45. Pransiya (2,100,000)
  46. Republikang Dominikano (8,850,000)
  47. Rumaniya (7,000)
  48. Rusya (1,200,000)
  49. Suwesya (39,700)
  50. Swisa (172,000)
  51. Timog Korea (90,000)
  52. Trinidad at Tobago (32,200)
  53. Tsile (15,795,000)
  54. Tsina (250,000)
  55. Turkiya (29,500)
  56. United Kingdom (900,000)
  57. Urugway (3,442,000)
  58. US Virgin Islands (3,980)
  1. Mehiko (106,255,000)
  2. Kolombiya (45,600,000)
  3. Espanya (44,400,000)
  4. Arhentina (41,248,000)
  5. Estados Unidos ng Amerika (41,000,000)
  6. Peru (26,152,265)
  7. Beneswela (26,021,000)
  8. Brasil (19,700,000)
  9. Tsile (15,795,000)
  10. Kuba (11,285,000)
  11. Ekwador (10,946,000)
  12. Republikang Dominikano (8,850,000)
  13. Guwatemala (8,163,000)
  14. Honduras (7,267,000)
  15. Bulibiya (7,010,000)
  16. El Salvador (6,859,000)
  17. Nicaragua (5,503,000)
  18. Paraguay (4,737,000)
  19. Kosta Rika (4,220,000)
  20. Portoriko (4,017,000)
  21. Urugway (3,442,000)
  22. Panama (3,108,000)
  23. Pilipinas (2,900,000)
  24. Pransiya (2,100,000)
  25. Portugal (1,750,000)
  26. Hayti (1,650,000)
  27. Rusya (1,200,000)
  28. Morocco (960,706)
  29. United Kingdom (900,000)
  30. Hapon (500,000)
  31. Italya (455,000)
  32. Equatorial Guinea (447,000)
  33. Alemanya (410,000)
  34. Kanluraning Sahara (341,000)
  35. Canada (272,000)
  36. Tsina (250,000)
  37. Guyana (198,000)
  38. Swisa (172,000)
  39. Israel (160,000)
  40. Australia (150,000)
  41. Belize (130,000)
  42. Curaçao (112,450)
  43. Aruba (105,000)
  44. Timog Korea (90,000)
  45. Andorra (40,000)
  46. Suwesya (39,700)
  47. Trinidad at Tobago (32,200)
  48. Turkiya (29,500)
  49. Bagong Selanda (26,100)
  50. Olanda (17,600)
  51. Pinlandiya (17,200)
  52. Guyana Pranses (13,000)
  53. Rumaniya (7,000)
  54. Bonaire (5,700)
  55. US Virgin Islands (3,980)
  56. Libano (2,300)
  57. Austria (1,970)
  58. Kuwait (1,700)

Mga panghalip Tagalog sa Ingles at Kastila

syon -> tion/sion -> ción/sión

Kastilang TagalogInglesKastilaTagalog
aksiyonactionacciónkilos
aplikasyonapplicationaplicación
bersiyonversionversión
depinisyondefinitiondefiniciónkahulugan
deklarasyondeclarationdeclaraciónpanunumpâ
deliberasyondeliberationdeliberación
direksiyondirectiondirección
donasyondonationdonaciónkaloob, ambag
edukasyoneducationeducaciónpag-aaral
eleksiyonelectionelecciónhalalan
eksplorasyonexplorationexploraciónpaggalugad
impormasyoninformationinformaciónkabatiran
kalkulasyoncalculationcálculo
klasipikasyonclassificationclasificaciónpag-uuring
kumbensiyonconventionconvenciónkapulungan
kombersyonconversionconversiónpagbabagong-loob
komisyoncommissioncomisión
komunikasyoncommunicationcomunicaciónpahatiran
koneksiyonconnectionconexiónugnayan
kontribusyoncontributioncontribuciónambag
konstitusyonconstitutionconstituciónsaligang batas
korupsiyoncorruptioncorrupciónpangungurakot
kumpirmasyonconfirmationconfirmación
pinalisasyonfinalizationfinalización
polusyonpollutionpoluciónkarumihan
posisyonpositionposiciónkatungkulan
punsiyonfunctionfuncióntungkulin
reserbasyonreservationreservapasubali
rebolusyonrevolutionrevoluciónhimagsikan
seksiyonsectionsecciónpangkat
sitwasyonsituationsituaciónkalagayan
sirkulasyoncirculationcirculación

dad -> ty -> dad

Kastilang TagalogInglesKastilaTagalog
unibersidaduniversityuniversidadpamantasan
kalidadqualitycalidad
kantidadquantitycantidaddami
realidadrealityrealidadkatotohanan
aktuwalidadactualityactualidad

ismo -> ism -> ismo

Kastilang TagalogInglesKastilaTagalog
organismoorganismorganismotataghay/mayuhay
komunismocommunismcomunismokalamaan
sosyalismosocialismsocialismo
liberalismoliberalismliberalismo
kapitalismocapitalismcapitalismo

ista -> ist -> ista

Kastilang TagalogInglesKastilaTagalog
sosyalistasocialistsocialista
peryodistajournalistperiodistamamamahayag
piyanistapianistpianista

iko -> ic -> ico

Kastilang TagalogInglesKastilaTagalog
demograpikodemographicdemográfico
heograpikogeographicgeográfico
fotograpikophotographicfotográfico
diplomatikodiplomaticdiplomático
awtomatikoautomaticautomático
publikopublicpúblico

isasyon -> isation -> ización

Kastilang TagalogInglesKastilaTagalog
organisasyonorganisationorganizaciónkasapian
sosyalisasyonsocialisationsocializaciónpagsasapanlipunan

o -> cian -> o

Kastilang TagalogInglesKastilaTagalog
politikopoliticianpolítico

te -> t -> te

Kastilang TagalogInglesKastilaTagalog
bakantevacantvacante
independiyenteindependentindependientemalaya, nagsasarili
dependiyentedependentdependiente
konstanteconstantconstante
pasaportepassportpasaporte

yal -> ial -> ial

Kastilang TagalogInglesKastilaTagalog
industriyalindustrialindustrialpangkapamuhayan
materyalmaterialmaterial

wal -> ual -> ual

Kastilang TagalogInglesKastilaTagalog
indibidwalindividualindividualsarili
bilingguwalbilingualbilingüedalwikaang

ulo/ro -> le/re -> ulo/ro

Kastilang TagalogInglesKastilaTagalog
prinsipyoprincipleprincipiosimulain, alituntunin
artikuloarticleartículo
partikuloparticlepartícula
sirkulocirclecírculobilog
litrolitrelitro
metrometremetro
teatrotheatreteatrodulaan
miyembromembermiembrokasapi

ya -> y -> ia

Kastilang TagalogInglesKastilaTagalog
monarkiyamonarchymonarquíakarajahan
anarkiyaanarchyanarquía
ekonomiyaeconomyeconomía
pamilyafamilyfamiliaangkan
demokrasyademocracydemocraciamadlakasan
istoryahistoryhistoriakasaysayan
memoryamemorymemoriaalaala
impluwensiyainfluenceinfluencia
industryaindustryindustria
sekretaryasecretarysecretariakalihim
PinlandiyaFinlandFinlandia
TaylandiyaThailandTailandia
IslandiyaIcelandIslandia
demograpiyademographydemografía
heograpiyageographygeografía
fotograpiyaphotographyfotografía
biyolohiyabiologybiologíahaynayan
ponolohiyafonologyfonologíapalatunugan

titik + yo -> letter -> carta + io

Kastilang TagalogInglesKastilaTagalog
kalendaryocalendarcalendariotalaarawan
komentaryocommentarycomentario
boluntaryovoluntaryvoluntariokusang-loob

titik + a -> letter + e -> carta + a

Kastilang TagalogInglesKastilaTagalog
kulturacultureculturakalinangan
estrukturastructureestructura

titik + o -> letter -> carta + o

Kastilang TagalogInglesKastilaTagalog
konseptoconceptconcepto
diyalektodialectdialecto
símbolosymbolsímbolosagisag
prosesoprocessproceso
argonoargonargón
karbonocarboncarbono
kriptonocriptoncriptón
neononeonneón
atomoatomátomo
kongresocongresscongreso
kritikocriticcríticomanunuri

kataliwasan

Kastilang TagalogInglesKastilaTagalog
titik + a -> letter -> carta + a
musikamusicmúsicatugtugin
pulitika/politikapoliticpolítica
problemaproblemproblemasuliranin
programaprogrammeprograma
sistemasystemsistemapamamaraan
alarmaalarmalarmahudyat
prutasfruitfrutabunga
tabletatablettableta
matematikamathematicsmatemáticassipnayan
pisikaphysicfísicaliknayan
kimikachemistryquímicakapnayan
titik + o -> letter + e -> carta + o
teleponotelephoneteléfonohatinig
senadosenatesenado
lehislatibolegislativelegislativo
administratiboadministrativeadministrativo
unibersouniverseuniversosansinukob
imbersoinverseinversokabaligtaran

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. Encarta-Most spoken languages
  2. Ciberamerica-Castellano
  3. El Nuevo Diario
  4. Terra Noticias
  5. Universidad de México[di-maaasahang pinagmulan?]
  6. Instituto Cervantes ("El Mundo" news)
  7. Yahoo Press Room
  8. "Spanish". ethnologue.
  9. Pinakawiniwikang mga wika, Nations Online
  10. Pinakawiniwikang mga wika, Ask Men
  11. Mga wika ng Encarta na winiwika ng mahigit sa 10 milyong mga tao

Mga panlabas na link

Other Languages
адыгабзэ: Испаныбзэ
Afrikaans: Spaans
Akan: Spanish
Alemannisch: Spanische Sprache
አማርኛ: እስፓንኛ
Aymar aru: Kastilla aru
azərbaycanca: İspan dili
башҡортса: Испан теле
žemaitėška: Ispanu kalba
Bikol Central: Tataramon na Espanyol
беларуская: Іспанская мова
беларуская (тарашкевіца)‎: Гішпанская мова
български: Испански език
भोजपुरी: स्पेनिश भाषा
bamanankan: Espankan
བོད་ཡིག: སེ་པན་སྐད།
বিষ্ণুপ্রিয়া মণিপুরী: স্প্যানিশ ঠার
brezhoneg: Spagnoleg
bosanski: Španski jezik
ᨅᨔ ᨕᨘᨁᨗ: ᨅᨔ ᨔᨄᨎᨚᨒ
català: Castellà
Chavacano de Zamboanga: Lengua Español
Mìng-dĕ̤ng-ngṳ̄: Să̤-băng-ngà-ngṳ̄
Cebuano: Kinatsila
Chamoru: Españót
qırımtatarca: İspan tili
čeština: Španělština
kaszëbsczi: Szpańsczi jãzëk
словѣньскъ / ⰔⰎⰑⰂⰡⰐⰠⰔⰍⰟ: Їспанїискъ ѩꙁꙑкъ
Чӑвашла: Испан чĕлхи
Cymraeg: Sbaeneg
Zazaki: İspanyolki
dolnoserbski: Špańšćina
ދިވެހިބަސް: އިސްޕެނިޝް
eʋegbe: Spangbe
emiliàn e rumagnòl: Spagnôl
Esperanto: Hispana lingvo
español: Idioma español
euskara: Gaztelania
estremeñu: Luenga castellana
føroyskt: Spanskt mál
français: Espagnol
arpetan: Castilyan
Nordfriisk: Spoonsk spriak
Frysk: Spaansk
Gaeilge: An Spáinnis
Gagauz: İspan dili
贛語: 西班牙語
kriyòl gwiyannen: Èspangnòl
Gàidhlig: Spàinntis
Avañe'ẽ: Karaiñe'ẽ
ગુજરાતી: સ્પેનિશ ભાષા
Gaelg: Spaainish
客家語/Hak-kâ-ngî: Sî-pân-ngà-ngî
עברית: ספרדית
Fiji Hindi: Spanish bhasa
hornjoserbsce: Španišćina
Kreyòl ayisyen: Lang panyòl
հայերեն: Իսպաներեն
interlingua: Lingua espaniol
Bahasa Indonesia: Bahasa Spanyol
Interlingue: Hispan
ГӀалгӀай: ХIиспаной мотт
íslenska: Spænska
italiano: Lingua spagnola
ᐃᓄᒃᑎᑐᑦ/inuktitut: ᓯᐸᐃᓂᑎᑐᑦ
日本語: スペイン語
Patois: Panish
la .lojban.: sanbau
ქართული: ესპანური ენა
Qaraqalpaqsha: İspan tili
Адыгэбзэ: Эспаныбзэ
Kongo: Kispanya
қазақша: Испан тілі
kalaallisut: Spanskisut
ភាសាខ្មែរ: ភាសាអេស្ប៉ាញ
한국어: 스페인어
Перем Коми: Эспаннёл кыв
къарачай-малкъар: Испан тил
Ripoarisch: Schpanische Sproch
kernowek: Spaynek
Кыргызча: Испан тили
Lëtzebuergesch: Spuenesch
лакку: Спанс маз
лезги: Испан чIал
Lingua Franca Nova: Espaniol (lingua)
Limburgs: Castiliaans
lingála: Lispanyoli
لۊری شومالی: زڤون اْسپانیایی
lietuvių: Ispanų kalba
latviešu: Spāņu valoda
олык марий: Испан йылме
Māori: Reo Pāniora
Minangkabau: Bahaso Spanyol
македонски: Шпански јазик
монгол: Испани хэл
кырык мары: Испани йӹлмӹ
Bahasa Melayu: Bahasa Sepanyol
မြန်မာဘာသာ: စပိန်ဘာသာစကား
مازِرونی: ایسپانیولی
Dorerin Naoero: Dorerin Pain
Nāhuatl: Caxtillahtolli
Napulitano: Lengua spagnuola
Plattdüütsch: Spaansche Spraak
Nedersaksies: Spaans
नेपाल भाषा: स्पेनी भाषा
Nederlands: Spaans
norsk nynorsk: Spansk
norsk: Spansk
Novial: Spanum
Nouormand: Espangnô
Sesotho sa Leboa: Sespan
Diné bizaad: Naakaii bizaad
Chi-Chewa: Chispanezi
occitan: Espanhòu
Livvinkarjala: Ispanien kieli
Pangasinan: Salitan Espanyol
Kapampangan: Espanyol (amanu)
Papiamentu: Spaño
Picard: Éspaingnol
Deitsch: Schpaanisch
Norfuk / Pitkern: Spanish
Piemontèis: Lenga spagneula
پنجابی: ہسپانوی
português: Língua castelhana
Runa Simi: Kastilla simi
rumantsch: Lingua spagnola
română: Limba spaniolă
armãneashti: Limba ispańolâ
tarandíne: Lènga spagnole
русиньскый: Шпанєльскый язык
Kinyarwanda: Icyesipanyole
संस्कृतम्: स्पैनिश भाषा
саха тыла: Испаан тыла
sicilianu: Lingua spagnola
davvisámegiella: Spánskkagiella
Sängö: Espanyöl
srpskohrvatski / српскохрватски: Španski jezik
Simple English: Spanish language
slovenčina: Španielčina
slovenščina: Španščina
Gagana Samoa: Fa'asipaniolo
chiShona: ChiSpanish
Soomaaliga: Af-Isbaanish
српски / srpski: Шпански језик
Sranantongo: Spanyorotongo
SiSwati: Sipanishi
Sesotho: Sespain
Seeltersk: Spoanske Sproake
svenska: Spanska
Kiswahili: Kihispania
ትግርኛ: ስፓኒሽ
Türkmençe: Ispan dili
Setswana: Sespan
Tok Pisin: Tok Spen
Türkçe: İspanyolca
Xitsonga: Xipaniya
татарча/tatarça: Испан теле
Twi: Spanish
reo tahiti: Reo Paniora
тыва дыл: Испан дыл
удмурт: Испан кыл
ئۇيغۇرچە / Uyghurche: ئىسپان تىلى
українська: Іспанська мова
oʻzbekcha/ўзбекча: Ispan tili
Tshivenda: Spanish
vepsän kel’: Ispanijan kel'
Tiếng Việt: Tiếng Tây Ban Nha
West-Vlams: Spoans
Volapük: Spanyänapük
Winaray: Kinatsila
Wolof: Wu-ispaañ
吴语: 西班牙语
isiXhosa: IsiSpain
მარგალური: ესპანური ნინა
ייִדיש: שפאניש
Yorùbá: Èdè Spéìn
Vahcuengh: Vah Sihbanhyaz
Zeêuws: Spaons
中文: 西班牙语
文言: 西班牙語
Bân-lâm-gú: Se-pan-gâ-gí
粵語: 西班牙文
isiZulu: IsiSpeyini