Susilo Bambang Yudhoyono

Susilo Bambang Yudhoyono
Susilo Bambang Yudhoyono


Panunungkulan
20 Oktubre 2004 – 20 Okturbre 2014
Pangalawang PanguloJusuf Kalla
Boediono
Sinundan siMegawati Sukarnoputri
Sinundan niJoko Widodo

Kapanganakan (1949-09-09) 9 Setyembre 1949 (edad 68)
Tremas, Pacitan, Indoneiya
Partidong politikalDemokratikong Partido
AsawaKristiani Herawati
Mga anakAgus Harimurti Yudhoyono
Edhie Baskoro Yudhoyono
TirahanPalasyo ng Malayang
Alma materMagelang Military Academy
United States Army Command and General Staff College
Pamantasang Webster
Bogor Agricultural Institute
HanapbuhaySundalo (Retirado)
RelihiyonIslam
LagdaLagda ni Susilo Bambang Yudhoyono
Websaytwww.presidensby.info
Paglilingkod sa Militar
KinaanibanIndonesian National Armed Forces
Service/branchIndonesian National Army
Taon sa serbisyo1973–2000
RanggoFour-star General
ParangalAdhi Makayasa (1973)

Si Susilo Bambang Yudhoyono (binibigkas [/suːsiːlɵ bɑːmbɑːŋ juːdɒjɵnɵ/] , ipinanganak 9 Setyembre 1949) ay isang retiradong heneral ng Hukbo ng Indonesia, at ang kasalukuyang Pangulo ng Indonesia. Nanalo si Yudhoyono sa halalan sa pagkapangulo ng Indonesia noong 2004 kung saan tinalo niya ang nakaupong Pangulo na si Megawati Sukarnoputri. Kilala sa Indonesia sa kanyang inisyal na "SBY", nanumpa siya sa tungkulin noong 20 Oktubre 2004, kasama si Jusuf Kalla Bilang Pangalawang Pangulo, at noong 20 Oktubre 2009, kasama si Boediono bilang Pangalawang Pangulo. Tumakbo siya noong halalan sa pagkapangulo noong 2009 kasama si Boediono, at nanalo sa pamamagitan ng pagkakuha ng mayorya sa unang yugto ng botohan.

Kabataan

Ipinanganak si Susilo Bambang Yudhoyono sa Tremas, isang nayon sa Arjosari, Pacitan Regency, Silangang Haba, sa isang mababa-gitnang klase ng pamilya at anak nina Raden Soekotjo at Siti Habibah.[1] Since he was a child, he wanted to join the army.[2] Nabuo ni Yudhoyono ang reputasyon bilang talentadong mag-aaral karagdagan sa pagiging matalino, sa pagsusulat ng mga tula, maikling kuwento, at pagganap sa mga laro. Talentado rin si Yudhoyono sa musika at palakasan, na naipakita niya nang itatag niya at ng mga kaibigan nya ang samahan ng volleyball na Klub Rajawali at ang bandang Gaya Teruna.[3]

Nang nasa ikalimang baitang siya nang bisitahin niya ang Indonesian Armed Forces Academy (AKABRI). Matapos makita ang pagsasanay ng mga sundalo at maaaring dala na rin ng inspirasyong dala ng trabaho ng kanyang ama, naging determinado si Yudhoyono na sumali sa Indonesian Armed Forces para maging sundalo. Nais sana ni Yudhoyono na makapasok sa AKABRI pagkatapos niya ng mataas na paaralan noong 1968, subalit hindi siya umabot dahil hindi siya nakapagpatala sa takdang oras.[2]

Naging mag-aarala muna si Yudhoyono sa Ikasampung Nobyembre ng Institusyong Teknolohiya bago pumasok sa Vocational Education Development Center sa Malang, East Java. Doon siya nakapaghanda para sa susunod na kabanata ng kanyang pag-aaral sa Akabri. Opisyal na nakapasok si Yudhoyono sa AKABRI noong 1970 matapos pumasa sa pagsusulit sa Bandung.[2]

Other Languages
беларуская (тарашкевіца)‎: Сусіла Бамбанг Юдхаёна
Bahasa Hulontalo: Susilo Bambang Yudhoyono
Bahasa Indonesia: Susilo Bambang Yudhoyono
Basa Banyumasan: Susilo Bambang Yudhoyono
Baso Minangkabau: Susilo Bambang Yudhoyono
srpskohrvatski / српскохрватски: Susilo Bambang Yudhoyono
Simple English: Susilo Bambang Yudhoyono
oʻzbekcha/ўзбекча: Susilo Bambang Yudhoyono
Tiếng Việt: Susilo Bambang Yudhoyono