Sinag gamma

Ang mga silahis gamma, tinatawag ding sinag gamma, aninag gamma, banaag gamma, liwayway gamma, alinagnag gamma, bakas-rayang gamma, o rayos gamma (Ingles: gamma ray o γ-ray) ay mga alon o daluyong na elektromagnetiko na may pinakamaliit na liboyhaba sa ispektrong elektromagnetiko.[1] Natuklasan ito ni Paul Villard noong 1900, at pinangalanan ni Ernest Rutherford noong 1903.

Ang mga rayong gamma ay nagagawa ng ilang mga uri ng mga atomong radyoaktibo. Katulad ang mga ito ng mga rayos ekis. Kapwa mga poton ang rayos gamma at mga rayos ekis na may napakataas na mga enerhiya. Ang rayong gamma ay isa ring uri ng radyasyon. Nakapaglalakbay ang sinag gamma papasok sa makakapal na mga materyal.

Ang kobalt-60 at potasyo-40 ay dalawang mga isotopong naglalabas ng sinag gamma. Nalilikha ang kobalt-60 sa loob ng mga akselerador at ginagamit sa mga ospital. Likas ang pagkakaroon ng potasyo-40. Nasa lahat ng mga halaman at mga hayop ang maliliit na mga dami ng potasyo-40. Bawat isang mga sinag gamma mula sa potasyo-40 ay may enerhiyang 1460 libong boltaheng elektron (keV).

Ang mga sinag gamma at rayos ekis ay pangkasalukuyang napagkakaiba sa pamamagitan ng kanilang pinanggalingan: ang mga rayos eksi ay binubuga ng mga elektron sa labas ng nukleo, habang ang mga sinag gamma ay ibinubuga ng nukleo.[2]

Sinag gamma sa medisina

Ang mga sinag gamma ay nakapapasok rin sa balat upang pumatay ng mga selula, katulad ng mga selulang nakakakanser. Ang mga duktor ay nakagagamit ng mga makinang nakagagawa ng mga sinag gamma sa loob ng ospital upang gamutin ang mga tao na may ilang uri ng kanser. Ginagamit din ng mga manggagamot ang sinag gamma upang makahanap ng mga karamdaman. Sa mga ospital, nagbibigay ang mga duktor sa pasyente ng gamot na radyoaktibo na nagbubuga ng mga sinag gamma. Nakakahanap ang mga duktor ng ilang uri ng sakit sa pamamagitan ng pagsukat ng mga sinag gamma na lumalabas pagkaraan magmula sa isang pasyente. Ginagamit din ang sinag gamma upang linisin ang mga bagay o materyal sa ospital.bag

Other Languages
Afrikaans: Gammastraling
العربية: أشعة غاما
asturianu: Radiación gamma
azərbaycanca: Qamma şüalanma
žemaitėška: Gama spėndolē
беларуская (тарашкевіца)‎: Гама-выпраменьваньне
български: Гама-лъчи
bosanski: Gama zračenje
čeština: Záření gama
Ελληνικά: Ακτίνες γ
English: Gamma ray
Esperanto: Gama-radiado
español: Rayos gamma
euskara: Gamma izpi
فارسی: پرتو گاما
français: Rayon gamma
עברית: קרינת גמא
हिन्दी: गामा किरण
Fiji Hindi: Gamma ray
hrvatski: Gama-čestica
Kreyòl ayisyen: Reyon gama
interlingua: Radiation gamma
Bahasa Indonesia: Sinar gama
íslenska: Gammageisli
italiano: Raggi gamma
日本語: ガンマ線
한국어: 감마선
Limburgs: Gammastraoling
Ligure: Raggi gamma
lietuvių: Gama spinduliai
latviešu: Gamma stari
македонски: Гама-зрачење
മലയാളം: ഗാമാ കിരണം
मराठी: गॅमा किरण
Bahasa Melayu: Sinar gama
မြန်မာဘာသာ: ဂမ်မာရောင်ခြည်
Plattdüütsch: Gammastrahlen
Nederlands: Gammastraling
norsk nynorsk: Gammastråling
ਪੰਜਾਬੀ: ਗਾਮਾ ਕਿਰਨ
Piemontèis: Raj gama
پنجابی: گیما رے
português: Radiação gama
română: Radiație gama
Scots: Gamma ray
srpskohrvatski / српскохрватски: Gama-čestica
සිංහල: ගැමා කිරණ
Simple English: Gamma ray
slovenčina: Žiarenie gama
slovenščina: Žarek gama
српски / srpski: Гама зрачење
Basa Sunda: Sinar gamma
తెలుగు: గామా కిరణం
Türkçe: Gama ışını
татарча/tatarça: Гамма-нурланыш
українська: Гамма-промені
Tiếng Việt: Tia gamma
walon: Rais gama
Winaray: Rayos Gamma
吴语: 伽马射线
中文: 伽马射线
文言: 伽馬射線
Bân-lâm-gú: Gamma siā-sòaⁿ
粵語: 丙種射綫