Santa Ana

Santa Ana
Griyegong icon ni Santa Ana at Maria, ni Angelos Akotantos
Ina ng Mahal na Birhen, Mistika, Babae ng Amram
Kapanganakanc. ika-1 siglo B.C.
Pinipintuho saKristiyanismo
Islam
Kanonisasyonpre-kongregasyon
KapistahanHulyo 26 (Kanluraning kalendaryo)
Hulyo 25 (Silanganing kalendaryo)
Nobyembre 20 (Kalendaryong Coptic)
KatangianAklat, pinto, kasama ni Maria, Hesus o Joaquin
Patronatokarpintero; mga walang anak; equestrian; lolo't lola; may bahay; naglalaso; nawawalang gamit; Fasnia (Tenerife); Mainar; Detroit; minero; ina; lipat-bahay; nagnenegosyo ng lumang damit; kahirapan; pagbubuntis; sastre; bantay ng kuwadra; baog

Si Santa Ana (mula sa Ebreo: Hannah חַנָּה, ibig-sabihin "pabor" o "grasya") ng angkan ni David ay ang ina ng Birhen Maria at nuno ni Hesukristo, ayon sa tradisyong Kristiyano at Islam. Hindi pinangalanan ang ina ni Maria sa mga ebanghelyo o kaya'y sa Qur'an. Ang pangalan ni Ana at ng kaniyang kabiyak na si San Joaquin ay nanggaling lamang sa apokripo ng Bagong Tipan, na kung saan mukhang sa Protoebanghelyo ni Santiago (isinulat malamang noong 150) sila unang nabanggit.

Tradisyong Kristiyano

May pagkahalintulad sa kuwento ng kapanganakan ni Samuel, na ang ina'y si Hannah na hindi rin magkaanak. Bagaman di-gaanong binigyan ng pansin si Santa Ana sa Kanluraning simbahan bago ang huling bahagi ng ika-12 siglo,[1] ang mga pag-aalay sa kaniya sa Silanganing simbahan ay nagsimula na noong pang ika-6 na siglo.[2] Sa mga Simbahang Silanganing Ortodoksa at mga Silanganing Simbahang Katolika, siya ay pinipintuho bilang Hanna. Sa tradisyon ng Silanganing Ortodoksa, si Hanna ay tinutukoy na Nuno ng Diyos, at kapwang ipinagdiriwang ang kapanganakan ni Maria at paghahandog kay Maria sa Templo bilang dalawa sa Labindalawang Pinakadakilang Kapistahan. Ang paghimbing ni Hanna ay isang kapistahang menor sa Silanganing Simbahan. Sa tradisyong Protestante, sinasabi umano na pinili ni Martin Luther na pumasok sa buhay-relihiyoso bilang isang mongheng Agustino matapos managhoy kay Sta. Ana.[3][4]

Other Languages
Alemannisch: St. Anna
aragonés: Santa Ana
беларуская: Святая Ганна
беларуская (тарашкевіца)‎: Сьвятая Ганна
български: Анна (светица)
brezhoneg: Santez Anna
català: Santa Anna
čeština: Svatá Anna
dansk: Sankt Anna
Ελληνικά: Αγία Άννα
English: Saint Anne
Esperanto: Sankta Anna
eesti: Anna
suomi: Pyhä Anna
Gaeilge: Naomh Áine
hrvatski: Sveta Ana
magyar: Szent Anna
Bahasa Indonesia: Anna
Basa Jawa: Anna
ქართული: წმინდა ანა
Limburgs: Anna
lingála: Santu Anna
latviešu: Svētā Anna
Bahasa Melayu: Hana
Nederlands: Anna (heilige)
Nouormand: Âone
português: Ana, mãe de Maria
română: Sfânta Ana
русский: Святая Анна
sicilianu: Sant'Anna
Scots: Saunt Anne
srpskohrvatski / српскохрватски: Joakim i Ana
Simple English: Saint Anna
slovenčina: Anna (svätica)
slovenščina: Sveta Ana
српски / srpski: Света Ана
Kiswahili: Ana
українська: Свята Анна
中文: 聖安妮