Quasar

Isang pagsasalarawan ng ULAS J1120+0641, isang napakalayong quasar na pinalakas ng isang black hole na may masa na mas hihigit ng dalawang bilyong beses kaysa sa Araw.[1] Pinagmulan: ESO/M. Kornmesser

Ang mga Quasar ( /ˈkwzɑːr/) na pinaikli sa katawagang Ingles na quasi-stellar radio sources ay ang may pinakamalakas na enerhiya at malayong kasapi ng isang uri ng mga bagay na tinatawag na active galactic nuclei (AGN). Ang mga Quasar ay napakaliwanag at unang nakilala bilang pinagmulan na redshift ng malalakas na electromagnetic energy, kasama na dito ang mga radio wave at nakikitang ilaw, na nagdulot dito na maging katulad ng mga bituin kaysa sa mga mas pinalawig na mga pinagmulan katulad ng mga galaksiya. Ang kanilang mga spectrum ay may mga emission line, hindi magkatulad sa kahit anong mga nakilalang bituin, bagkus ang katawagang "quasi-stellar." Ang kanilang kaliwanagan ay mas malakas ng isangdaang beses kaysa sa Milky Way.[2] Karamihan sa mga quasar ay nabuo noong mga 12 bilyong taon sa nakaraan dulot ng pagbungo ng mga galaksiya at ang kanilang mga gitnang black hole upang magbuo ng napalaking black hole pagdating sa masa.[3]

Ngunit ang tunay na pinagmulan ng mga bagay na ito ay pinagtatalunan hanggang noong unang bahagi ng dekada 1980, nagkaroon ng scientific consensus o napagkasunduan na ang quasar ay isang pinagsiksik na rehiyon sa gitna ng malaking galaksiya pagdating sa masa na pinapalibutan ang isang supermassive na black hole.[4] Ang laki nito ay hihigit ng 10–10,000 beses kaysa sa Schwarzschild radius ng black hole. Ang enerhiya na binubuga ng quasar ay galing sa nahuhulog na masa sa accretion disc na nakapalibot sa black hole.

  • mga sanggunian

Mga sanggunian

  1. "Most Distant Quasar Found". ESO Science Release. http://www.eso.org/public/news/eso1122/. Hinango noong Hulyo 4, 2011. 
  2. "The Quasi-Stellar Radio Sources 3C 48 and 3C 273". The Astrophysics Journal. 1964ApJ...140....1G. 10.1086/147889. 
  3. "HubbleSite - NewsCenter - Hubble Sees the 'Teenage Years' of Quasars (06/18/2015) - Introduction". http://hubblesite.org/newscenter/archive/releases/2015/20/. Hinango noong Agosto 1, 2015. 
  4. Irion, Robert. "A Quasar in Every Galaxy?". Sky and Telescope. New Track Media. https://secure-site.ckmedia.com/content_downloads/SKY_ebook_BlackHoles.pdf. Hinango noong Pebrero 20, 2014. 
Other Languages
Afrikaans: Kwasar
العربية: نجم زائف
asturianu: Cuásar
azərbaycanca: Kvazar
беларуская: Квазар
беларуская (тарашкевіца)‎: Квазар
български: Квазар
বাংলা: কোয়েজার
brezhoneg: Kouazar
bosanski: Kvazar
català: Quàsar
čeština: Kvasar
Cymraeg: Cwaseren
dansk: Kvasar
Deutsch: Quasar
Ελληνικά: Κβάζαρ
English: Quasar
Esperanto: Kvazaro
español: Cuásar
eesti: Kvasar
euskara: Quasar
فارسی: اختروش
suomi: Kvasaari
français: Quasar
Gaeilge: Cuasár
galego: Quásar
Gaelg: Quasar
עברית: קוואזר
हिन्दी: क्वेसार
hrvatski: Kvazar
Kreyòl ayisyen: Kaza
magyar: Kvazár
հայերեն: Քվազար
Bahasa Indonesia: Kuasar
italiano: Quasar
日本語: クエーサー
ქართული: კვაზარი
қазақша: Квазарлар
ಕನ್ನಡ: ಕ್ವೇಸಾರ್
한국어: 퀘이사
Кыргызча: Квазар
Latina: Quasar
lietuvių: Kvazaras
latviešu: Kvazārs
македонски: Квазар
മലയാളം: ക്വാസാർ
मराठी: क्वेसार
Bahasa Melayu: Kuasar
မြန်မာဘာသာ: ကွေဆာ
Nederlands: Quasar
norsk nynorsk: Kvasar
norsk: Kvasar
occitan: Quasar
polski: Kwazar
پنجابی: کواسار
português: Quasar
română: Quasar
русский: Квазар
sicilianu: Quasar
Scots: Quasar
srpskohrvatski / српскохрватски: Kvazar
Simple English: Quasar
slovenčina: Kvazar
slovenščina: Kvazar
српски / srpski: Квазар
svenska: Kvasar
Türkçe: Kuasar
татарча/tatarça: Квазар
українська: Квазар
oʻzbekcha/ўзбекча: Kvazar
Tiếng Việt: Quasar
中文: 类星体
文言: 類星體
粵語: 類星體