Pontifex Maximus

Si Augustus bilang Pontifex Maximus
(Via Labicana Augustus)

Ang Pontifex Maximus (Latin, literal na "pinakadalikang pontipise") ang Dakilang Saserdote o Dakilang Pari ng Kolehiyo ng mga Pontipise (Collegium Pontificum) sa Sinaunang Roma. Ito ang pinakamahalagang posisyon sa Relihiyon sa Sinaunang Roma na bukas lamang sa mga patrisiyano hanggang 254 BCE nang ang isang plebeian ay umokupa ng posisyong ito. Ito ay isang natatanging opisinang pang-relihiyon sa ilalim ng maagang Republikang Romano at unti-unti nang politisado hanggang sa pagsisimula ni Augustus. Ito ay isinama sa Opisinang Imperyal. Ang huling paggamit nito sa reperensiya sa mga emperador ay sa mga inskripsiyon ni Gratian[1] (naghari noong 375 CE –38 CE3) na gayunpaman ay nagpasyang alisin ang mga salitang "pontifex maximus" sa kanyang pamagat.[2][3]

Ang salitang "pontifex" ay kalaunang naging isang termino na ginamit para sa mga obispong Kristiyano[4] kabilang ang Obispo ng Roma[5] at ang pamagat na "Pontifex Maximus" ay inilapat sa loob ng Simbahang Katoliko Romano sa papa bilang pangunahing obispo nito. Ito ay hindi kasama sa mga opisyal na pamagat ng papang Romano Katoliko[6] ngunit makikita sa mga gusali, monumento, at mga barya ng mga papang Katoliko Romano ng Renasimiyento at mga modernong panahon.

Other Languages
azərbaycanca: Böyük pontifik
беларуская: Вялікі пантыфік
беларуская (тарашкевіца)‎: Вялікі пантыфік
čeština: Pontifex maximus
Ελληνικά: Pontifex Maximus
Esperanto: Pontifex Maximus
français: Pontifex maximus
Bahasa Indonesia: Pontifex Maximus
íslenska: Pontifex Maximus
日本語: 最高神祇官
Basa Jawa: Pontifex Maximus
Bahasa Melayu: Pontifex Maximus
Nederlands: Pontifex maximus
português: Pontífice máximo
srpskohrvatski / српскохрватски: Pontifex Maximus
Simple English: Pontifex Maximus
slovenščina: Pontifex maximus
српски / srpski: Pontifex Maximus
українська: Pontifex Maximus