Papa Silverio

Papa Silverio
Emblem of the Papacy SE.svg
PangalanSilverius
Nagsimula sa pagiging PapaHunyo 8, 536
Natapos sa pagiging PapaMarch 537
Nakaraang Papa bago siyaAgapetus I
SinundanVigilius
Ipinanganak???
Lugar ng kapanganakan???
Mga estilo ni
Pope Silverius
Emblem of the Papacy SE.svg
Estilo ng pagtukoyHis Holiness
Estilong pasalitaYour Holiness
Estilong panrelihiyonHoly Father
Estilo kapag patay naSaint

Si Santo Papa Silverio o Pope Saint Silverius [Ingles] ay nagsilbing papa at tagapamamahala ng Simbahang Katoliko. Bilang isang papa, naglingkol siya mula Hunyo 8, 536 hanggang Marso, 537). Lehitimong anak siya ni Papa Hormisdas, na ipinanganak bago man maging pari ang kaniyang ama. Pinaniniwalaang sumailalim siya sa pamamaraan ng konsekrasyon para maging santo noong Hunyo 8, 536.

Talambuhay

Tinanggihan niya ang pagbabalik (restorasyon) ni heretikong monopisito at dating patriarka ng Constantinople na si Anthimus, na tinanggal ni Agapetus, at ang pagtanggi niyang ito ang naging sanhi ng pagkasuklam sa kaniya ni Emperatris Theodora. Naging hangarin tuloy ni Theodora na maging papa si Vigilius. Sa kapanahunan ng pagiging papa ni Silverio, pinaniniwalaang binili niya ang kaniyang pagluklok sa upuan ni San Pedro (ibang katawagan sa pagka-Papa) mulapagka-papa mula sa see of St. Peter mula kay Haring Theodahad.

Noong Disyembre 9, 536, pumasok sa Roma ang heneral ng Byzantine na si Belisarius, na may basbas ni Papa Silverio. Bumuo ng isang hukbo ang kapalit ni Theodahad na si Witiges, at nilusob ang Roma sa loob ng maraming mga buwan, na naging sanhi ng karuhkaan at kagutuman sa lungsod. Sinasabi na sumulat si Papa Silverius kay Witiges na nag-aalok na ipagkakanulo niya ang lungsod. Dahil rito, tinanggal siya sa pagka-papa ni Belisarius noong Marso 537 sa paratang na pakikipag-ugnayang pataksil sa Roma at pagkampi niya sa mga Goth, na naging sanhi ng pagbaba ng kaniyang antas mula isang papa hanggang sa isang karaniwang monghe na lamang. Natungo siya sa Constantinople upang makipagkita kay Justinian I, na nagpaunlak naman sa reklamo ni Silverius. Pinabalik siya ni Justinian I sa Roma, subalit naipatapon naman ng lumaon ang kaniyang kalabang si Silverius sa Pandataria ( Ventotene), isang kulungang pulo, kung saan namuhay si Silverius sa kapanahunan ng kaniyang mga huling araw sa mundo at nakalimutan na ng iba. Walang nakaaalam sa petsa ng kaniyang kamatayan. Ngunit, ayon sa Liber Pontificalis (Aklat ng mga Papa), hindi sa Ventotene ipinatapon si Santo Papa Si Silverio, kundi ay sa Palmarola, kung saan namatay siya pagkaraan ng dalawang buwan, noong Hunyo 20, 537.

Other Languages
Afrikaans: Pous Silverius
العربية: سيلفريوس
asturianu: Silverio
беларуская (тарашкевіца)‎: Сыльвэрыюс (папа рымскі)
български: Силверий
brezhoneg: Silverius
català: Papa Silveri
Mìng-dĕ̤ng-ngṳ̄: Gáu-huòng Silverius
Cebuano: Silverio
čeština: Silverius
Deutsch: Silverius
Esperanto: Silverio
español: Silverio
eesti: Silverius
euskara: Silverio
فارسی: سیلوریوس
français: Silvère
客家語/Hak-kâ-ngî: Kau-fòng Silverius
עברית: סילבריוס
hrvatski: Silverije
Bahasa Indonesia: Paus Silverius
Ilokano: Papa Silverio
italiano: Papa Silverio
Basa Jawa: Paus Silverius
ქართული: სილვერიუსი
Latina: Silverius
latviešu: Silvērijs
македонски: Папа Силвериј
монгол: Сильвериус
مازِرونی: سیلوریوس
Plattdüütsch: Silverius
Nederlands: Paus Silverius
occitan: Silvèri
português: Papa Silvério
română: Papa Silveriu
sicilianu: Silveriu
srpskohrvatski / српскохрватски: Silverije
slovenčina: Silverius
slovenščina: Papež Silverij
српски / srpski: Папа Силвестер
svenska: Silverius
Kiswahili: Papa Silverio
Türkçe: Silverius
українська: Сільверій
Tiếng Việt: Giáo hoàng Silvêriô
Winaray: Papa Silverio
中文: 教宗维理
Bân-lâm-gú: Kàu-hông Silverius
粵語: 聖維理