Papa Juan Pablo II

San Juan Pablo II
Pope John Paul II on 12 August 1993 in Denver, Colorado
Si Papa Juan Pablo II noong 1993
Nagsimula ang pagka-Papa16 Oktubre 1978
Nagtapos ang pagka-Papa2 Abril 2005
HinalinhanPapa Juan Pablo I
KahaliliPapa Benedicto XVI
Mga orden
Ordinasyon1 Nobyembre 1946
ni Adam Stefan Sapieha
Konsekrasyon28 Setyembre 1958
ni Eugeniusz Baziak
Naging Kardinal26 Hunyo 1967
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanKarol Józef Wojtyła
Kapanganakan18 Mayo 1920(1920-05-18)
Wadowice, Republika ng Poland
Kamatayan2 Abril 2005 (edad 84)
Palasyong Apostoliko, Lungsod ng Batikano
KabansaanPolish
Dating puwesto
  • Auxiliary Bishop of Kraków, Poland (1958–1964)
  • Titular Bishop of Ombi (1958–1964)
  • Archbishop of Kraków, Poland (1964–1978)
  • Cardinal-Priest of San Cesareo in Palatio (1967–1978)
MottoTotus Tuus meaning "lahat ng sa iyo"
Lagda
Kasantuhan
Kapistahan22 Oktubre
Beatipikasyon1 Mayo 2011
Plaza de San Pedro, Lungsod ng Batikano
ni Papa Papa Benedicto XVI
Kanonisasyon27 Abril 2014
Plaza de San Pedro, Lungsod ng Batikano
ni Papa Francisco
PamimintakasiWorld Youth Day (Co- Patron)
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Juan Pablo

Si Papa San Juan Pablo II (Latin: Ioannes Paulus II), ipinanganak bilang Karol Józef Wojtyła (Polish: ['kar?l 'juz?f v?j't?wa]; 18 Mayo 1920 - 2 Abril 2005), kilala din bilang San Juan Pablo Ang Dakila ang ika-264 na Papa ng Simbahang Romano Katoliko mula 16 Oktubre 1978 hanggang sa kaniyang pagpanaw noong 2 Abril 2005.[1][2] Siya ang may pangalawa sa pinakamahabang nanilbihang papa sa makabagong kasaysayan matapos kay Papa Pio IX, na nanilbihan ng 31 taon mula 1846 hanggang 1878. Pinanganak sa Polonya, si Papa San Juan Pablo II ang unang papa na hindi Italyano mula kay Papa Adrian VI na isang Olandes na nanilbihan mula 1522 hanggang 1523.

Kinilala ang panunungkulan ni Papa San Juan Pablo II sa pagtulong sa pagtatapos ng rehimeng komunismo sa kaniyang tinubuang Polonya at maging sa kabuuan ng Europa.[3] Ipinagbuti ni Juan Pablo II ang pakikipag-ugnayan ng Simbahang Katoliko sa mga Hudyo, Muslim, sa Silangang Simbahang Ortodoksia, at sa Simbahang Anglikano. Ipinagtibay niya ang katuruan ng Simbahan laban sa artipisyal na kontrasepsyon at sa pag-oordina sa mga kababaihan, sa pagsuporta sa Pangalawang Konseho ng Vatican at sa mga reporma nito.

Isa siya sa mga pinuno na pinakadalas na nakapaglakbay sa kasaysayan, na nakabisita sa 129 mga bansa sa kaniyang pagiging papa. Sa kaniyang espesyal na pagdidiin sa pangkalahatang kabanalan, naibeatipika niya ang 1,340 na katao at 483 ang naikanonisa niyang mga santo, tumalaga siya ng pinakamaraming mga obispo, at nakapag-ordina siya ng maraming mga kaparian..[4] Ang kaniyang layunin sa pagiging Papa ay ang pagbabago at pagpoposisyong muli ng Simbahang Katolika. Ang kaniyang kahilingan ay ang "paglalagay sa kaniyang Iglesia at ang bawat puso ng nga kaalyansa sa relihiyon na magbubuklod sa mga Hudyo, Muslim at Cristiano bilang isang dakilang hukbong relihiyon."[5][6]

Ang kampaniya upang ikanonisa si Juan Pablo II ay nag-umpisa noong 2005, ilang sandali pagpanaw niya, taliwas sa tradisyunal na limang taong palugit ng paghihintay. Noong 19 Disyembre 2009, ipinroklama si Juan Pablo II bilang Venerable ng kaniyang kahaliling si Papa Benedicto XVI at nabeatipika noong 1 Mayo 2011 matapos iparatang sa kaniya ng Kongregasyon ng mga Kadahilanan ng mga Santo ang isang himala: ang pagpapagaling ng isang madreng Pranses mula sa Karamdaman ni Parkinson. Ang pangalawang himala na ipinaratang sa yumaong papa ay ipinasa noong 2 Hulyo 2013 at pinagtibay ni Papa Francisco matapos ang dalawang araw. Kinanonisa si Juan Pablo II noong 27 Abril 2014, kasabay ni Papa Juan XXIII..[7] Tulad ni Juan XXIII, hindi pinagdiriwang ang araw ng kaniyang kapistahan sa petsa ng kaniyang kamatayan tulad ng kinaugalian; sa halip ito ay ginugunita sa anibersaryo ng kaniyang pagkakahirang bilang papa noong 22 Oktubre 1978.[8]

Other Languages
Alemannisch: Johannes Paul II.
aragonés: Chuan-Pavlo II
Aymar aru: Juan Pawlu II
azərbaycanca: II İohann Pavel
žemaitėška: Juons Paulios II
Bikol Central: Papa Juan Pablo II
беларуская (тарашкевіца)‎: Ян Павал II
български: Йоан Павел II
brezhoneg: Yann-Baol II
català: Joan Pau II
Mìng-dĕ̤ng-ngṳ̄: Gáu-huòng Ioannes Paulus 2-sié
Cebuano: Juan Pablo II
čeština: Jan Pavel II.
kaszëbsczi: Jan Paweł II
dolnoserbski: Jan Pawoł II.
español: Juan Pablo II
فارسی: ژان پل دوم
français: Jean-Paul II
Avañe'ẽ: Huã Páulo II
गोंयची कोंकणी / Gõychi Konknni: Pope John Paul II
客家語/Hak-kâ-ngî: Kau-fòng Ioannes Paulus 2-sṳ
hrvatski: Ivan Pavao II.
hornjoserbsce: Jan Pawoł II.
Bahasa Indonesia: Paus Yohanes Paulus II
Interlingue: Ioannes Paulus II
ქართული: იოანე პავლე II
Kabɩyɛ: Jean-Paul 2
Ripoarisch: Johannes Paul II.
Lëtzebuergesch: Jean-Paul II. (Poopst)
lumbaart: Giovann Paol II
lietuvių: Jonas Paulius II
Malagasy: Joany Paoly II
македонски: Јован Павле II
Bahasa Melayu: Paus John Paul II
مازِرونی: پاپ ژان پل دوم
Plattdüütsch: Johannes Paul II.
norsk nynorsk: Pave Johannes Paul II
Nouormand: Jean-Paoul II
occitan: Joan Pau II
Kapampangan: Papa Juan Pablo II
Piemontèis: Gioann Pàul II
Runa Simi: Huwan Pawlu II
armãneashti: Papa Ioannis Pavlu II
русский: Иоанн Павел II
саха тыла: Иоанн Павел II
srpskohrvatski / српскохрватски: Ivan Pavao II.
Simple English: Pope John Paul II
slovenčina: Ján Pavol II.
slovenščina: Papež Janez Pavel II.
српски / srpski: Папа Јован Павле II
ślůnski: Jůn Paul II
татарча/tatarça: Иоанн Павел II
українська: Іван Павло II
oʻzbekcha/ўзбекча: Ioann Pavel II