Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008

Games of the XXIX Olympiad
2008 Palarong Olimpiko Beijing.png
同一个世界同一个梦想
Isang Daigdig, Isang Pangarap

Ang sagisag na "Sumasayaw na Beijing", naglalarawan ng Tsinong
tatak na natititikan ng panitik na "Jīng" (京, mula sa pangalan
ng nagpapasinayang bansa) sa hugis ng isang mananayaw.
MottoOne World, One Dream (Ingles)
Mga bansang kalahokmga 205 NOC (Tingnan sa ibaba)
Mga atletang kalahok11,028[1]
Officially opened byPangulong Hu Jintao
Athlete's OathZhang Yining
Judge's OathHuang Lipeng
Olympic TorchLi Ning
Paskil ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008

Ang Palarong Olimpiko 2008[2] o Palaro ng Ika-XXIX na Olimpiyada sa panahon ng tag-init ay isang pandaigdigang paligsahang palaro na kinasasangkapan ng iba't ibang mga laro, na isasagawa sa Beijing, Republikang Bayan ng Tsina mula 8–24 Agosto 2008, at susundan ng Palarong Paralimpiko 2008 (panahon ng tag-init) mula 6–17 Setyembre. Inaasahang lalahukan ito ng may mga 10,500 atleta na magsisipagtunggali sa mga 302 kaganapan sa 28 palaro, kung saan isang kaganapan ang naidagdag kung ihahambing sa orihinal na pagtatakda noong Palarong Olimpiko 2004[3] na ginanap sa Atenas, Gresya.

Iginawad sa Beijing ang pagganap ng Palarong Olimpiko makaraan ang nakahahapong botohan ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko (IOC) noong 13 Hulyo 2001. Naglalaman ang opisyal na logo ng mga palaro, na pinamagatang "Sumasayaw na Beijing", ng isang ma-estilong kaligrapikong panitik na jīng (京, nangangahulugang kabisera), bilang pagtukoy sa nagpupunung-abalang lungsod. Ang limang Fuwa ay mga maskot ng Beijing 2008, kumakatawan ang bawat isa kapwa sa isang kulay ng mga Singsing ng Olimpiko at bilang isang sagisag ng kalinangang Tsino. Tinatawag ng sawikaing pang-Olimpiko, ang Isang Daigidig, Isang Pangarap, ang sandaigdigan upang magkaisa sa kaluluwa ng Olimpiko. Maraming ilang Pambansang Lupon ng Olimpiko (NOC) ang kinilala rin ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko.

Itinaguyod ng pamahalaang Tsino ang Palaro upang maging mamukod-tangi at namuhunan nang lubos sa mga bagong pasilidad at mga sistemang pantransportasyon.[4][5] May kabuoang 37 pook na pagdarausan ang gagamitin para pasinayahan ang mga ebento kabilang ang 12 bagong-tayong mga pook. Sa kaagahan ng 2007, sinabi ng dating pangulo ng IOC na si Juan Antonio Samaranch na naniniwala siyang magiging "pinakahigit sa kasaysayan ng Olimpiyada ang palaro sa Beijing."[6] Ang paghirang ng Tsina bilang punung-abalang bansa ay nagkabunga ng mga puna ng mga ilang politiko at NGO na nag-aalintana sa tala ng karapatang pantao ng Tsina.[7][8] Samantala, nagbabala ng Tsina at iba pa laban sa pamumulitika ng Olimpiko.[9][10]

Ang Palaro ay nakapaglikha ng 43 bagong pandaigdigang tala at 132 bagong pangkat ng mga Olimpikong tala.[11] Isang tala ng 87 bansa na nanalo ng mga medalya sa panahon ng Palaro. Ang mga Tsinong manlalaro ay nakapagkamit ng 51 medalyang ginto, ang pangalawang pinakamalaking hakot ng pambansang kuponan sa isang makabagong, di-binoboykoteong Palarong Tag-init.[12] Si Michael Phelps ay nakabasag ng mga tala ukol sa pinakamaraming gintong medalya sa isang Olimpiko at ukol sa gintong medalyang pangkarera para sa isang Olimpiyano. Nakahawak si Usain Bolt ng nakaugaliang titulong "Pinakamabilis na Tao sa Daigdig" sa pamamagitan ng mga bagong pandaigdigang tala sa mga banat ng 100m at 200m.

Other Languages
Аҧсшәа: Пекин 2008
беларуская (тарашкевіца)‎: Летнія Алімпійскія гульні 2008 году
føroyskt: Summar-OL 2008
Bahasa Indonesia: Olimpiade Musim Panas 2008
Basa Jawa: Olimpiade 2008
Кыргызча: Пекин 2008
Nāhuatl: Pequin 2008
norsk nynorsk: Sommar-OL 2008
srpskohrvatski / српскохрватски: Olimpijada 2008
Simple English: 2008 Summer Olympics
oʻzbekcha/ўзбекча: Yozgi Olimpiada oʻyinlari 2008