Pagpapatalastas

Ang pagpapatalastas o pag-aanunsiyo (Ingles: advertising) ay isang uri o anyo ng komunikasyon o pakikipagtalastasan para sa pagmemerkado o pagmamarket (marketing) at ginagamit upang mahikayat o mahimok ang mga madla (mga manonood, mga mambabasa, o mga tagapakinig; na kung minsan ay isang tiyak na pangkat) na magpatuloy o gumawa ng ilang bagong kilos. Sa pinaka karaniwan, ang inadhikang resulta ay ang maimpluwensiyahan ang ugali ng tagakonsumo o mamimili alinsunod sa isang alok na pangkalakalan (commercial) o kalakal, bagaman karaniwan din ang pagpapatalastas na pampolitika at pang-ideyolohiya. Sa wikang Latin, ang pariralang ad vertere, na pinaghanguan ng salitang Ingles na advertising, ay may kahulugang "ibaling ang isipan papunta sa [isang bagay]". Maaaring maging layunin din ng pagpapatalastas ang paasahin ang mga empleyado at mga "kasalo" (mga shareholder) na matatag o matagumpay ang isang kompanya. Ang mga mensaheng pampatalastas ay karaniwang binabayaran ng mga isponsor at nakikita sa pamamagitan ng samu't saring midyang tradisyunal (miyang nakaugalian); kabilang na ang midyang pangmasa na katulad ng pahayagan, magasin, patalastas sa telebisyon, patalastas sa radyo, patalastas na nasa labas ng gusali o panlasangan, o tuwirang pagpapadala sa pamamagitan ng koreo; o kaya sa pamamagitan ng bagong midya na katulad ng mga blog, mga websayt, o mga mensaheng teksto.

Advertising bilang Pag-aanunsiyo

Ito ay ang pagpapakilala, pagbebenta o tuwirang pag-aalok pa nga ng mga produkto, paglilingkod (services), tao, lathalain, pelikula atbp. Ito man ay sa pamamagitan ng telebisyon, radyo, magasin, flier o pampleto, dyaryo, streamer at iba pang modernong mga pamamaraan.

Ang Industriya ng Advertising sa Pilipinas

Ang buong industriya ng advertising sa Pilipinas ay binubuo ng mga asosasyon tulad ng

  • ADVERTISING SUPPLIERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES (ASAP)
  • ASSOCIATION OF ACCREDITED ADVERTISING AGENCIES-PHILS.
  • 4As, CINEMA ADVERTISING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES (CAAP)
  • INDEPENDENT BLOCKTIMERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES (IBA)
  • Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP)
  • MARKETING & OPINION RESEARCH SOCIETY OF THE PHILIPPINES (MORES)
  • Outdoor Advertising Association of the Philippines (OAAP)
  • PHILIPPINE ASSOCIATION OF NATIONAL ADVERTISERS (PANA)
  • Print Media Organization (PRIMO).
Other Languages
aragonés: Publicidat
العربية: إعلان
অসমীয়া: বিজ্ঞাপন
azərbaycanca: Reklam
башҡортса: Тәҡдимнамә
Boarisch: Weabung
беларуская: Рэклама
беларуская (тарашкевіца)‎: Рэкляма
български: Реклама
বাংলা: বিজ্ঞাপন
brezhoneg: Bruderezh
català: Publicitat
Chavacano de Zamboanga: Publicidad
Cebuano: Pagpublisydad
کوردی: بانگەشە
čeština: Reklama
Чӑвашла: Янрав
Cymraeg: Hysbysebu
dansk: Reklame
Deutsch: Werbung
Ελληνικά: Διαφήμιση
English: Advertising
Esperanto: Reklamo
español: Publicidad
eesti: Reklaam
euskara: Publizitate
فارسی: تبلیغات
suomi: Mainonta
Võro: Reklaam
français: Publicité
furlan: Publicitât
Frysk: Reklame
Gaeilge: Fógraíocht
galego: Publicidade
ગુજરાતી: જાહેરાત
עברית: פרסומת
हिन्दी: विज्ञापन
hrvatski: Oglašavanje
Kreyòl ayisyen: Reklam
magyar: Reklám
հայերեն: Գովազդ
Bahasa Indonesia: Iklan
Iñupiak: Maniuġun
íslenska: Auglýsing
italiano: Pubblicità
日本語: 広告
Patois: Advataizin
Basa Jawa: Iklan
ქართული: რეკლამა
Kabɩyɛ: Tɔm susuu
қазақша: Жарнама
ಕನ್ನಡ: ಜಾಹೀರಾತು
한국어: 광고
kurdî: Reklam
Кыргызча: Жарнама
lietuvių: Reklama
latviešu: Reklāma
македонски: Реклама
മലയാളം: പരസ്യം
मराठी: जाहिरात
Bahasa Melayu: Iklan
नेपाली: विज्ञापन
नेपाल भाषा: विज्ञापन
Nederlands: Reclame
norsk nynorsk: Reklame
norsk: Reklame
occitan: Publicitat
polski: Reklama
português: Publicidade
română: Publicitate
русский: Реклама
sicilianu: Pubbricitati
srpskohrvatski / српскохрватски: Reklama
Simple English: Advertising
slovenčina: Reklama
slovenščina: Oglaševanje
chiShona: Kushambadza
српски / srpski: Реклама
Seeltersk: Wierwenge
Basa Sunda: Pariwara
svenska: Reklam
తెలుగు: ప్రకటన
тоҷикӣ: Таблиғот
Türkçe: Reklam
татарча/tatarça: Реклама
ئۇيغۇرچە / Uyghurche: ئېلان
українська: Реклама
Tiếng Việt: Quảng cáo
walon: Reclame
吴语: 广告
ייִדיש: רעקלאמע
中文: 廣告
Bân-lâm-gú: Kóng-kò
粵語: 廣告