Mehiko
English: Mexico

Mehikanong Estados Unidos[1]
Estados Unidos Mexicanos[2][3]  (sa Kastila)
Pambansang Awit: Himno Nacional Mexicano
(Pambansang Awit ng Mehiko)

Pambansang tatak:
Tatak ng mga Nagkakaisang Estadong Mehikano Seal of the Government of Mexico.svg
Pununglunsod
(at pinakamalaking lungsod)
Lungsod ng Mehiko
19°03′N 99°22′W / 19°03′N 99°22′W / 19.050; -99.367
Opisyal na wika Espanyol[2]
Kinikilalang pampook na wika 62 Mga Katutubong wika[4]
Pangalang-
turing
Mehikano
Pamahalaan Pederal
 -  Pangulo Andrés Manuel López Obrador
Batasan Kongreso
 -  Mataas na kapulungan Senado
 -  Mababang kapulungan Kamara ng mga Deputado
Kalayaan mula sa Espanya 
 -  Inihayag 16 Setyembre 1810 
 -  Kinilala 27 Setyembre 1821 
Lawak
 -  Kabuuan 1,972,550 km2 (15th)
761,606 sq mi 
 -  Katubigan (%) 2.5
Santauhan
 -  Pagtataya ng Hulyo 2009 111,211,789[5] (Ika-11)
 -  Lahatambilang ng 2005 103,263,388 
 -  Kakapalan 55/km2 (142nd)
142/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2009
 -  Kabuuan $1.563 trilyon[6] (11th)
 -  Bawat ulo $14,534[7] (Ika-55)
KGK (pasapyaw) Pagtataya ng 2009
 -  Kabuuan $1.143 trilyon[8] (Ika-13)
 -  Bawat ulo $10,212[9] (Ika-46)
Gini (2008) 46.1[10] (high
TKT (2007) Increase 0.854[11] (high) (53rd)
Pananalapi Piso (MXN)
Pook ng oras Oras sa Mehiko (TPO-8 to -6)
 -  Tag-araw (DST) magkakaiba (TPO-7 to -5)
Nagmamaneho sa kanan
Internet TLD .mx
Kodigong pantawag +52

Ang Mehiko, opisyal na Mehikanong Estados Unidos[1] (Kastila: Estados Unidos Mexicanos; Nahuatl: Mexihco Tlacetililli Tlahtohcayotl) o higit na kilala bilang Mehiko, ay isang bansa sa Hilagang Amerika na hinahanggan sa hilaga ng Estados Unidos at sa timog-silangan ng Guwatemala, Belize at Dagat ng Karibe; at sa silangan ng Look ng Mehiko.[12][13] Sumasakop ang Mehiko ng mahigit sa 2 milyon kilometro parisukat (mahigit 760,000 sq mi),[14] kaya ito ang naging ikalimang pinakamalaking bansa sa Amerika ayon sa kabuuang sukat nito, at ika-14 sa buong mundo. May tinatayang 111 milyon ang populasyon nito,[15], kaya ito ang ika-11 pinakamataong bansang sa buong mundo, at pinakamalaking bansa na nagsasalita ng wikang Kastila o Espanyol. Ang Mehiko ay isang bansang pederal na binubuo ng tatlumpu't isang estado at isang Distritong Pederal, ang Lungsod ng Mehiko, na nagsisilbi rin bilang kabiserang-lungsod.

Nagsimula ang pagdating ng mga unang tao sa Mehiko mahigit 30,000 taon na ang nakararaan. Makalipas ang ilang libong taon ng pag-unlad ng mga kalinangan, umusbong sa mga lupain ng bansa ang mga kulturang Mesoamerikano, Aridoamerikano at Oasisamerikano. Matapos ang halos 300 taon ng pananaig ng mga Kastila, sinimulan ng mga Mehikano ang maghimagsik upang makamit ang kasarinlang pampulitika noong 1810. Makalipas naman ng halos isang dantaon, naharap ang bansa sa serye ng mga digmaang panloob at pagsalakay ng mga banyaga na kumitil sa buhay ng mga Mehikano. Noong ika-20 dantaon naman (partikular noong unang gitnang bahagi), nagsimulang maranasan ng bansa ang pag-unlad pang-ekonomiya sa pagkakaroon ng pulitikang pinananaigan ng nag-iisang partidong pulitikal.

Ang Mehiko ang isa sa may pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo: ito ay ika-10 pinakamalaking tagalikha ng langis sa buong mundo, ang pinakamalaking tagamina ng pilak sa buong mundo, at itinuturing na makapangyarihan sa rehiyon at isa sa mga nakaaangat na bansa. Dagdag dito, ang Mehiko ang unang kasapi mula sa Latin Amerika ng Organisasyon para sa Pagtutulungang Pang-ekonomiya at Pag-unlad (Organisation for Economic Co-operation and Development o OECD) mula pa noong 1994, at itinuturing na bansang kumikita ng higit sa katamtaman ayon sa Bangkong Pandaigdigan (World Bank). Itinuturing din ang Mehiko bilang isang bagong industriyalisadong bansa (newly industrialized country) at isang umaangat na lakas (emerging power). Taglay nito ang ika-labinlimang pinakamalaking nominal na GDP at ikasampung pinakamalaking GDP batay sa kapantayan ng lakas ng pagbili (purchasing power parity). Ang ekonomiya ng Mehiko ay matatag na nakaugnay sa mga bansang kabilang sa Kasunduan sa Malayang Kalakalan sa Hilagang Amerika (North American Free Trade Agreement o NAFTA), partikular na ang Estados Unidos. Nakatalá ang Mehiko bilang ikaanim sa mundo at una sa buong Amerika pagdating sa bilang ng mga Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO (UNESCO World Heritage Site) na 32, at noong 2010 ay ang ikasampung pinakabinibisitang bansa sa daigdig na may 22.5 milyong turista bawat taon. Ayon sa Goldman Sachs, sa taóng 2050 inaasahang ang Mehiko ay magiging ikalimang may pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo. Tinaya naman noong Enero 2013 ng PricewaterhouseCoopers (PwC) na pagdating ng 2050, maaaring maging ikapitong may pinakamalaking ekonomiya ang bansa. Kasapi ang Mehiko sa mga kilalang institusyon gaya ng UN, WTO, G20 at Uniting for Consensus.

Other Languages
Acèh: Mèksiko
адыгабзэ: Мексикэ
Afrikaans: Meksiko
Alemannisch: Mexiko
አማርኛ: ሜክሲኮ
aragonés: Mexico
Ænglisc: Mexico
العربية: المكسيك
ܐܪܡܝܐ: ܡܟܣܝܩܘ
asturianu: Méxicu
Aymar aru: Mïxiku
azərbaycanca: Meksika
تۆرکجه: مکزیک
башҡортса: Мексика
Boarisch: Mexiko
žemaitėška: Meksėka
Bikol Central: Mehiko
беларуская: Мексіка
беларуская (тарашкевіца)‎: Мэксыка
български: Мексико
भोजपुरी: मैक्सिको
Bislama: Mexico
bamanankan: Mɛkisiki
বাংলা: মেক্সিকো
བོད་ཡིག: མེག་སི་ཀོ།
বিষ্ণুপ্রিয়া মণিপুরী: মেক্সিকো
brezhoneg: Mec'hiko
bosanski: Meksiko
буряад: Мексикэ
català: Mèxic
Chavacano de Zamboanga: México
Mìng-dĕ̤ng-ngṳ̄: Mĕ̤k-să̤-gŏ̤
нохчийн: Мексика
Cebuano: Mehiko
Chamoru: Meksiku
ᏣᎳᎩ: ᎠᏂᏍᏆᏂ
Tsetsêhestâhese: Mé'šeeséve'ho'évenó
کوردی: مەکسیک
corsu: Messicu
qırımtatarca: Meksika
čeština: Mexiko
kaszëbsczi: Meksyk
Чӑвашла: Мексика
Cymraeg: Mecsico
dansk: Mexico
Deutsch: Mexiko
Zazaki: Meksika
dolnoserbski: Mexiko
डोटेली: मेक्सिको
ދިވެހިބަސް: މެކްސިކޯ
eʋegbe: Mexico
Ελληνικά: Μεξικό
emiliàn e rumagnòl: Mèsic
English: Mexico
Esperanto: Meksiko
español: México
eesti: Mehhiko
euskara: Mexiko
estremeñu: Méjicu
فارسی: مکزیک
suomi: Meksiko
Võro: Mehhigo
føroyskt: Meksiko
français: Mexique
arpetan: Mexique
Nordfriisk: Meksiko
furlan: Messic
Frysk: Meksiko
Gaeilge: Meicsiceo
Gagauz: Meksika
贛語: 墨西哥
Gàidhlig: Meagsago
galego: México
گیلکی: مکزیک
Avañe'ẽ: Méhiko
गोंयची कोंकणी / Gõychi Konknni: मेक्सिको
𐌲𐌿𐍄𐌹𐍃𐌺: 𐌼𐌰𐌹𐌷𐌹𐌺𐍉
ગુજરાતી: મેક્સિકો
Gaelg: Meksico
客家語/Hak-kâ-ngî: Me̍t-sî-kô
Hawaiʻi: Mekiko
עברית: מקסיקו
हिन्दी: मेक्सिको
Fiji Hindi: Mexico
hrvatski: Meksiko
hornjoserbsce: Mexiko
Kreyòl ayisyen: Meksik
magyar: Mexikó
հայերեն: Մեքսիկա
interlingua: Mexico
Bahasa Indonesia: Meksiko
Interlingue: Mexico
Iñupiak: Mexiqo
Ilokano: Mehiko
ГӀалгӀай: Мексика
Ido: Mexikia
íslenska: Mexíkó
italiano: Messico
ᐃᓄᒃᑎᑐᑦ/inuktitut: ᒦᒃᓰᖂ
日本語: メキシコ
Patois: Mexiko
la .lojban.: mexygu'e
Jawa: Mèksiko
ქართული: მექსიკა
Qaraqalpaqsha: Meksika
Адыгэбзэ: Мексикэ
қазақша: Мексика
kalaallisut: Mexico
ភាសាខ្មែរ: ម៉ិកស៊ិក
ಕನ್ನಡ: ಮೆಕ್ಸಿಕೋ
한국어: 멕시코
къарачай-малкъар: Мексика
kurdî: Meksîk
коми: Мексика
kernowek: Meksiko
Кыргызча: Мексика
Latina: Mexicum
Ladino: Meksiko
Lëtzebuergesch: Mexiko
лезги: Мексика
Lingua Franca Nova: Mexico
Limburgs: Mexico
Ligure: Méscico
lumbaart: Messich
lingála: Mexiko
لۊری شومالی: مکزیک
lietuvių: Meksika
latgaļu: Meksika
latviešu: Meksika
мокшень: Мексик
Malagasy: Meksika
олык марий: Мексика
Māori: Mehiko
Minangkabau: Meksiko
македонски: Мексико
മലയാളം: മെക്സിക്കോ
монгол: Мексик
मराठी: मेक्सिको
кырык мары: Мексика
Bahasa Melayu: Mexico
Malti: Messiku
Mirandés: México
မြန်မာဘာသာ: မက္ကဆီကိုနိုင်ငံ
эрзянь: Мексика
مازِرونی: مکزیک
Dorerin Naoero: Meketiko
Nāhuatl: Mexihco
Napulitano: Messeco
Plattdüütsch: Mexiko
Nedersaksies: Mexico (laand)
नेपाली: मेक्सिको
नेपाल भाषा: मेक्सिको
Nederlands: Mexico (land)
norsk nynorsk: Mexico
norsk: Mexico
Novial: Mexiko
Nouormand: Mexique
Sesotho sa Leboa: Mexico
Diné bizaad: Naakaii Bikéyah
Chi-Chewa: Mexico
occitan: Mexic
Livvinkarjala: Meksikku
Oromoo: Meeksikoo
ଓଡ଼ିଆ: ମେକ୍ସିକୋ
Ирон: Мексикæ
ਪੰਜਾਬੀ: ਮੈਕਸੀਕੋ
Pangasinan: Mexico
Kapampangan: Mexico
Papiamentu: Mexico
Picard: Messike
Deitsch: Mexiko
Pälzisch: Mexiko
Norfuk / Pitkern: Meksikoe
polski: Meksyk
Piemontèis: Méssich
پنجابی: میکسیکو
português: México
Runa Simi: Mihiku
rumantsch: Mexico
romani čhib: Mexiko
română: Mexic
tarandíne: Messeche
русский: Мексика
русиньскый: Мексіко
Kinyarwanda: Megizike
संस्कृतम्: मेक्सिको
саха тыла: Мексика
ᱥᱟᱱᱛᱟᱲᱤ: ᱢᱮᱠᱥᱤᱠᱳ
sardu: Messicu
sicilianu: Mèssicu
Scots: Mexico
سنڌي: ميڪسيڪو
davvisámegiella: Meksiko
srpskohrvatski / српскохрватски: Meksiko
Simple English: Mexico
slovenčina: Mexiko
slovenščina: Mehika
Gagana Samoa: Mekisikō
chiShona: Mexico
Soomaaliga: Meksiko
shqip: Meksika
српски / srpski: Мексико
Sranantongo: Meksikokondre
SiSwati: IMekisikho
Seeltersk: Mexiko
Sunda: Méksiko
svenska: Mexiko
Kiswahili: Mexiko
ślůnski: Meksyk
తెలుగు: మెక్సికో
tetun: Méxiku
тоҷикӣ: Мексика
ትግርኛ: መክሲኮ
Türkmençe: Meksika
Tok Pisin: Meksiko
Türkçe: Meksika
татарча/tatarça: Мексика
Twi: Mesiko
тыва дыл: Мексика
ئۇيغۇرچە / Uyghurche: مېكسىكا
українська: Мексика
اردو: میکسیکو
oʻzbekcha/ўзбекча: Meksika
vèneto: Mèsico
vepsän kel’: Meksik
Tiếng Việt: México
West-Vlams: Mexico
Volapük: Mäxikän
walon: Mecsike
Winaray: Mehiko
Wolof: Meksig
吴语: 墨西哥
isiXhosa: Mexico
მარგალური: მექსიკა
ייִדיש: מעקסיקע
Yorùbá: Mẹ́ksíkò
Vahcuengh: Maegsaego
Zeêuws: Mexico
中文: 墨西哥
文言: 墨西哥
Bân-lâm-gú: Be̍k-se-ko
粵語: 墨西哥
isiZulu: IMekisiko