Kastilang Riyoplatense

Ang Kastilang Riyoplatense ay isang dyalekto ng wikang Kastila na pangunahing sinasalita sa Río de la Plata sa Arhentina at Urugway at sa mga karatig nito.

Mga panghalip at pandiwa

Tulad ng ibang mga uri ng Kastila sa Latinoamerika, hindi ginagamit ang panghalip na vosotros ni ang mga anyong pampandiwang nauugnay dito; sa halip, ginagamit ang ustedes. Halos lagi ring napapalitan ang gamit ng at ng mga anyong pampandiwang nauugnay dito ng gamit ng vos.