Karagatang Pasipiko

Karagatang Pasipiko

Ang Karagatang Pasípiko (mula sa salitang Latin na Mare Pacificum, na ang ibig sabihin ay payapang laot, na iginawad ni Fernando Magallanes eksplorador na Portugues sa korona ng Espanya) ay ang pinakamalaking karagatan sa daigdig. Kinabibilangan ito ng isang katlo ng buong kalatagan ng Lupa at may sukat na 179.7 milyon km² (69.4 milyon milya kwadrado). Ito ay umaabot ng mga 15,500 km (9,600 mi) mula sa Dagat Bering sa Karagatang Artiko hanggang sa mayelong lugar ng Dagat Ross ng Antartika sa timog. May kalaparang silangan-kanluran na mga 5 gradong H latitud, ito ay nakalatag mga 19,800 km (12,300 mi) mula Indonesia hanggang sa baybayin ng Colombia. Ang kanlurang hangganan ng karagatan sa kadalasan ay ang Kipot ng Malaka. Matatagpuan ang pinaka-mababang dako sa mundo sa Bambang ng Marianas sa ilalim ng Pasipiko. Ang Bambang ng Marianas ay nasa 10,911 metro (35,797 ft) mababa sa pantay laot (sea level).

Naglalaman ang Karagatang Pasipiko ng 25,000 mga pulo (mahigit ito sa kabuuang bilang ng buong pinagsamang mga karagatan sa mundo). (Silipin: Mga Isla ng Pasipiko.) Marami rito ay matatagpuan sa timog ng ekwador. Maraming laot ang nasa kanlurang baybayin ng Pasipiko. Pinamalalaki rito ang Dagat Selebes, Dagat Korales, Dagat Timog Tsina, Dagat Silangang Tsina, Dagat Hapon, Dagat Luzon, Dagat Sulu, Dagat Tasman at Dagat Dilaw. Ang Kipot ng Malaka ay sumasama sa Pasipiko at ang Karagatang Indiyan sa kanluran at ang Kipot ng Magallanes ang nagkakabit sa Pasipiko sa Karagatang Atlantiko sa silangan. Sa timog, ang Kipot ng Bering ang nagkakabit sa Pasipiko sa Karagatang Artiko.

Ang manunuklas na Portuges na si Ferdinand Magellan ang nagpangalan sa karagatan. Ito ay dahil sa napansin nyang kalmado ang tubig nito at naging mapayapa ang kanyang paglalayag mula Kipot ni Magallanes hanggang Pilipinas. Subalit, hindi laging mapaya ang Pasipiko. Maraming bagyo at hurakan ang tumatama sa mga isla nito. Ang mga lupain din sa paligid ng Pasipiko ay puno ng mga bulkan at kadalasang niyayanig ng lindol. Dulot naman ng lindol sa ilalim ng tubig ang tsunami na nakapagpawasak na ng maraming pulo at nakapagpabura ng maraming bayan nito.

Ang tsunami (daluyong), na dulot ng lindol sa ilalim ng tubig, ay nagdulot ng kapahamakan sa maraming mga pulo na gumunaw sa buong kabayanan.

Mga katangian ng tubig Pasipiko

Ang temperatura ng tubig sa Pasipiko ay iba-iba mula sa napakalamig sa mga polong (polar) lugar hanggang 29 °C (84 °F) malapit sa ekwador. Iba-iba rin ang kaalatan (salinity) nito. Ang tubig malapit sa ekwador ay may mababang kaalatan kumpara sa gitnang latitud dahil sa madalas na pag-ulan buong taon dito. Mula sa timpladong (temperate) latitud patungo sa mga polo, mababa rin ang kaalatan dahil sa mabagal na pagsingaw (evaporation) ng tubig alat sa napakalamig na lugar na ito. Kilala ang Dagat Pasipiko na mas mainit sa Dagat Atlantico.

Sa pangkalahatan, ang ikot ng tubig sa rabaw ng Pasipiko ay kamukha ng ikot ng relo sa Hilagang Hemispero (ang Gire ng Hilagang Pasipiko) at kamukha ng pakontrang ikot ng relo sa Timog Hemispero. Ang Hilagang Agos Ekwatoryal, na itinutulak pakanluran sa 15°N latitud ng viento alisios (trade winds) ay lumiliko ng pahilaga malapit sa Pilipinas upang maging mainit na Agos Kuroshio o Hapon. Pasilangan sa 45°N, nagsasanga ang Kuroshio kung saan ang iba ay patungo pahilaga bilang Agos Aleutian at kung saan ang karamihan ay patimog upang sumama sa Hilagang Agos Ekwatoryal. Ang Agos Aleutian ay nagsasanga pagdating nito sa Hilagang Amerika at bumubuo bilang simunong agos na pakontrang-ikot ng relo sa Laot Bering. Ang timoging galamay nito ay naging malamig at mabagal ng dumadaloy pahilaga bilang Agos California.

Ang Timog Agos Ekwatoryal, na dumadaloy ng kanluran sa ekwador ay umiikot patimog silangan ng New Guinea, at lumiko pasilangan sa halos 50°S, at sumasama sa kalakhang pakanlurang sirkulasyon ng Timoging Pasipiko na kasama ang umiikot na Sirkumpolong Agos Antartika. Kapag malapit na ito sa pasigan ng Chile, nahahati ang Timog Agos Ekwatoryal; ang isa ay dumadaloy malapit sa Cape Horn at ang isa ay pahilaga upang bumuo ng Agos Humboldt o Peru.

Other Languages
Аҧсшәа: Аокеан Ҭынч
адыгабзэ: Хышхо Шъэф
Afrikaans: Stille Oseaan
Alemannisch: Pazifischer Ozean
aragonés: Ocián Pacifico
azərbaycanca: Sakit okean
башҡортса: Тымыҡ океан
Boarisch: Pazifik
žemaitėška: Ramosis ondėnīns
Bikol Central: Kadagatan Pacifico
беларуская: Ціхі акіян
беларуская (тарашкевіца)‎: Ціхі акіян
български: Тихи океан
Bislama: Pasifik
brezhoneg: Meurvor Habask
bosanski: Tihi okean
Mìng-dĕ̤ng-ngṳ̄: Tái-bìng-iòng
нохчийн: Тийна океан
qırımtatarca: Tınç okean
čeština: Tichý oceán
Чӑвашла: Лăпкă океан
dolnoserbski: Śichy ocean
English: Pacific Ocean
Esperanto: Pacifiko
euskara: Ozeano Barea
estremeñu: Océanu Pacíficu
suomi: Tyynimeri
Na Vosa Vakaviti: Pasifik
føroyskt: Kyrrahavið
français: Océan Pacifique
Nordfriisk: Grut Oseåån
贛語: 太平洋
Gàidhlig: Cuan Sèimh
客家語/Hak-kâ-ngî: Thai-phìn-yòng
Fiji Hindi: Pacific Ocean
hrvatski: Tihi ocean
hornjoserbsce: Ćichi ocean
interlingua: Oceano Pacific
Bahasa Indonesia: Samudra Pasifik
Interlingue: Pacific Ocean
Ilokano: Taaw Pasipiko
íslenska: Kyrrahaf
italiano: Oceano Pacifico
日本語: 太平洋
Basa Jawa: Samudra Pasifik
Qaraqalpaqsha: Tınısh okeanı
Taqbaylit: Agaraw Amelwi
Адыгэбзэ: Щэху Хышхуэ
қазақша: Тынық мұхит
한국어: 태평양
Перем Коми: Лӧнь океан
къарачай-малкъар: Шош океан
Ripoarisch: Stelle Ozean
kernowek: Mor Cosel
Кыргызча: Тынч океан
Lëtzebuergesch: Pazifik
лезги: Лас океан
Limburgs: Sjtille Oceaan
lumbaart: Ucean Pacifich
lingála: Pasifíki
latviešu: Klusais okeāns
Basa Banyumasan: Samudra Pasifik
олык марий: Тыныс тептеҥыз
Baso Minangkabau: Lautan Pasifik
македонски: Тихи Океан
кырык мары: Шӹпӓн океан
Bahasa Melayu: Lautan Pasifik
မြန်မာဘာသာ: ပစိဖိတ် သမုဒ္ဒရာ
مازِرونی: آروم اوقیانوس
Napulitano: Oceano Pacifeco
Plattdüütsch: Pazifische Ozean
Nederlands: Grote Oceaan
norsk nynorsk: Stillehavet
Sesotho sa Leboa: Pacific Ocean
occitan: Ocean Pacific
Livvinkarjala: Tyynimeri
Pangasinan: Dayat Pacifico
Papiamentu: Oceano Pasifiko
Norfuk / Pitkern: Pesifik Oshen
Piemontèis: Océan Passìfich
پنجابی: بحرالکاہل
português: Oceano Pacífico
rumantsch: Ocean Pacific
română: Oceanul Pacific
tarandíne: Oceane Pacifeche
русский: Тихий океан
русиньскый: Тихый океан
саха тыла: Чуумпу океан
davvisámegiella: Jaskesáhpi
srpskohrvatski / српскохрватски: Tihi ocean
Simple English: Pacific Ocean
slovenčina: Tichý oceán
slovenščina: Tihi ocean
Gagana Samoa: Vasa Pasefika
српски / srpski: Тихи океан
Seeltersk: Pazifisken Ozean
Basa Sunda: Samudra Pasifik
svenska: Stilla havet
Kiswahili: Pasifiki
ślůnski: Pokojny Uocean
Türkmençe: Ýuwaş okean
Tok Pisin: Solwara Pasifik
Türkçe: Büyük Okyanus
татарча/tatarça: Тын океан
reo tahiti: Moana Pātitifā
тыва дыл: Оожум океан
удмурт: Чус океан
українська: Тихий океан
oʻzbekcha/ўзбекча: Tinch okeani
vepsän kel’: Tün' valdmeri
Tiếng Việt: Thái Bình Dương
West-Vlams: Stillen Oceoan
吴语: 太平洋
მარგალური: რჩქალი ოკიანე
Vahcuengh: Daibingzyangz
中文: 太平洋
文言: 太平洋
Bân-lâm-gú: Thài-pêng-iûⁿ
粵語: 太平洋