Kapayapaan ng Westphalia

Kasunduan ng Westphalia
Mga Kasunduan ng Osnabrück at Münster
Pagpapatibay ng Kasunduan ng Münster.
UriKasunduang Pangkapayapaan
Drafted1646-1648
Nilagdaan15 Mayo 1648 (Osnabrück); 24 Oktubre 1648 (Münster)
LokasyonOsnabrück at Münster, Westphalia, kasalukuyang Alemanya
Partido109
Mga wikaWikang Latin (Original at Opisyal na Dokumento)

Ang Kapayapaan ng Westfalia (Inggles: Peace of Westphalia) ay nagpapahiwatig ng mga kasunduang pangkapayapaan na nilagdaan sa bayan ng Osnabrück (15 Mayo 1648) at Münster (24 Oktubre 1648) na nagtapos sa Digmaan ng Tatlumpung Taon (1618-1648) sa Banal na Imperyong Romano at ang Digmaan ng Walumpung Taon sa pagitan ng Espanya at ng Republika ng Olanda.

Ang Kapayapaan ng Westphalia ay kinasangkutan ng mga kapangyarihang pinuno kabilang ang Emperador ng Banal na Imperyong Romano na si Ferdinand III ng angkang Habsburg, mga pinuno ng Kaharian ng Espanya, Pransiya, Suwesya, Republikang Olandes, mga Prinsepe ng Banal na Imperyong Romano, at mga punongbayan ng mga malalayang siyudad ng Imperyo at nag bigay daan sa dalawang kinalabasan:

  • Ang paglalagda ng Kapayapaan ng Mṻnster sa pagitan ng Republika ng Olandes at Kaharian ng Espanya dako 30 Enero 1648, na ipinagtibay noong dakong 15 Mayo 1648.
  • Ang paglalagda ng dalawa pang karadagang kasunduan dako 24 Oktubre 1648 na naglalaman ng:
  • Kasunduan ng Mṻnster (Instrumentum Pacis Monasteriensis),para sa pagitan ng Emperador ng Banal na Imperyo at Pransiya, at ng kanilang mga kapanalig.
  • At paglalagda ng Kasunduan ng Osnabruck, para sa pagitan ng Emperador, ng Banal na Imperyo, at Kaharian ng Suwesya at kanilang mga kapanalig.
Other Languages
aragonés: Paz de Westfalia
العربية: صلح وستفاليا
asturianu: Paz de Westfalia
azərbaycanca: Vestfaliya sülhü
беларуская: Вестфальскі мір
Esperanto: Vestfalia Paco
hrvatski: Westfalski mir
Bahasa Indonesia: Perdamaian Westfalen
Lëtzebuergesch: Westfälesche Fridden
македонски: Вестфалски мир
Bahasa Melayu: Perdamaian Westfalen
norsk nynorsk: Freden i Westfalen
português: Paz de Vestfália
русиньскый: Вестфалскый мир
srpskohrvatski / српскохрватски: Westfalski mir
Simple English: Peace of Westphalia
slovenčina: Vestfálsky mier
slovenščina: Vestfalski mir
српски / srpski: Вестфалски мир
татарча/tatarça: Westfaliä solıxı
українська: Вестфальський мир
Tiếng Việt: Hòa ước Westfalen