Kanser

Kanser
Klasipikasyon at mga panlabas na sanggunian
A coronal CT scan showing a malignant mesothelioma
Legend: → tumor ←, ★ central pleural effusion, 1 & 3 lungs, 2 spine, 4 ribs, 5 aorta, 6 spleen, 7 & 8 kidneys, 9 liver.
ICD-1000.
ICD-9140239
DiseasesDB28843
MedlinePlus001289
MeSHD009369

Ang Kanser (Ingles: Cancer) na kilala sa palagamutan bilang malignanteng neoplasma ay isang malawak na pangkat ng iba't ibang mga sakit na lahat ay sumasangkot sa hindi na-regulang paglago ng sihay. Sa kanser, ang mga sihay ay naghahati at lumalago ng walang kontrol. Ang kanser ay maaari ring kumalat na tinatawag na metastasis sa mas malayong mga bahagi ng katawan sa pamamagitan ng sistemang limpatiko o daloy ng dugo. Hindi lahat ng mga pamamaga ay kanseroso. Ang mga pamamaga na benign ay hindi lumalago nang walang kontrol, hindi sumasalakay sa ibang mga kapitbahay na himaymay at hindi kumakalat sa buong katawan. Mayroon mga 200 iba ibang alam na mga kanser na dumadapo sa mga tao.[1] Bukod sa tao, ang kanser ay isa ring pangunahing sakit ng mga alagang hayop(pets) kabilang ang mga aso at pusa. Sa isang pag-aaral, 45% ng mga asong umabot sa 10 taong gulang o mas matanda rito ay namatay sa kanser.[2]

Ang pagtukoy ng sanhi ng kanser ay kumplikado. Maraming mga bagay ay alam na nagpapadagdag ng panganib ng kanser kabilang ang paggamit o panglanghap ng tabako, ilang mga hawa, kawalan ng gawaing pisikal, katabaan at mga nagsasanhi ng polusyon sa kapaligiran.[3] Ang mga ito ay direktang puminsala sa mga kamana o sumama sa mga umiiral na pagkakamaling namamana sa loob ng mga sihay upang magsanhi ng sakit.[4] Ang tinatayang 5 hanggang 10 porsiyento ng mga kanser ay buong namamana(henetiko).

Ang kanser ay madedetekta sa bilang ng mga paraan kabilang ang presensiya ng ilang mga tanda at sintomas, pag-iiskreen ng kanser, o pag-iimaheng medikal. Kapag ang isang posibleng kanser ay nadetekta, ito ay dinidiagnose sa pamamagitan ng histolohiya ng isang sampol ng tisyu. Ang kanser ay karaniwang ginagamot ng kemoterapiya, terapiyang radiasyon at siruhiya. Ang mga tsansa ng pagpapatuloy na mabuhay ng taong may kanser ay malaking iba iba sa uri at lokasyon ng kanser at sa sakop ng sakit sa simula ng paggamot. Bagaman ang kanser ay maaaring umapekto sa mga tao sa lahat ng mga edad, at ang ilang mga uri ng kanser ay mas karaniwan sa mga bata, ang panganib ng pag-unlad ng kanser ay pangkalahatang tumatataas sa edad. Noong 2007, ang kanser ay nagnsahi ng 13% ng kamatayan ng lahat ng mga tao sa buong mundo (7.9 milyon). Ang mga rate ay tumataas habang mas maraming mga tao ay nabubuhay sa matandang edad at habang ang ang mga pagbabago sa mga pamumuhay ay nangyayari sa umuunlad na daigdig.[5]

Other Languages
Afrikaans: Kanker
Alemannisch: Krebs (Medizin)
አማርኛ: ካንሰር
aragonés: Cáncer
العربية: سرطان
ܐܪܡܝܐ: ܬܠܗܝܐ
مصرى: سرطان
অসমীয়া: কৰ্কট ৰোগ
asturianu: Cáncanu
azərbaycanca: Xərçəng xəstəliyi
تۆرکجه: سرطان
башҡортса: Яман шеш
žemaitėška: Viežīs (lėga)
беларуская (тарашкевіца)‎: Рак (захворваньне)
български: Рак (болест)
भोजपुरी: कैंसर
བོད་ཡིག: འབྲས་སྐྲན།
brezhoneg: Krign-bev
bosanski: Rak (bolest)
català: Càncer
Mìng-dĕ̤ng-ngṳ̄: Ngàng
کوردی: شێرپەنجە
čeština: Rakovina
Cymraeg: Canser
dansk: Kræft
Zazaki: Qanser
डोटेली: कर्कट रोग
ދިވެހިބަސް: ކެންސަރު
Ελληνικά: Καρκίνος
English: Cancer
Esperanto: Kancero
español: Cáncer
euskara: Minbizi
estremeñu: Cancru
فارسی: سرطان
suomi: Syöpä
Võro: Vähktõbi
français: Cancer
Nordfriisk: Kreeft
Frysk: Kanker
Gaeilge: Ailse
贛語:
Gàidhlig: Aillse
galego: Cancro
Avañe'ẽ: Akytã'ai
Gaelg: Kahngyr
Hausa: Sankara
客家語/Hak-kâ-ngî: Ngàm
हिन्दी: कर्कट रोग
Fiji Hindi: Cancer
hrvatski: Rak (bolest)
Kreyòl ayisyen: Kansè
interlingua: Cancere
Bahasa Indonesia: Kanker
Ilokano: Kanser
Ido: Kancero
íslenska: Krabbamein
italiano: Neoplasia
日本語: 悪性腫瘍
Patois: Kiansa
Basa Jawa: Kanker
ქართული: სიმსივნე
қазақша: Қатерлі ісік
한국어:
kurdî: Şêrpence
Luganda: Kokolo
Limburgs: Kaanker
lietuvių: Vėžys (liga)
македонски: Рак (болест)
മലയാളം: അർബുദം
монгол: Хорт хавдар
मराठी: कर्करोग
Bahasa Melayu: Barah
မြန်မာဘာသာ: ကင်ဆာရောဂါ
Nedersaksies: Kaanker
नेपाली: क्यान्सर
नेपाल भाषा: क्यान्सर
Nederlands: Kanker
norsk nynorsk: Kreft
norsk: Kreft
occitan: Càncer
ଓଡ଼ିଆ: କର୍କଟ ରୋଗ
ਪੰਜਾਬੀ: ਰਾਜਫੋੜਾ
Kapampangan: Cancer
پنجابی: سرطان
پښتو: سرطان
português: Câncer
Runa Simi: Apanqara unquy
română: Cancer
русиньскый: Раковіна
संस्कृतम्: कर्कटरोगः
Scots: Cancer
سنڌي: ڪينسر
davvisámegiella: Boras
srpskohrvatski / српскохрватски: Kancer
සිංහල: පිළිකා
Simple English: Cancer
slovenčina: Zhubný nádor
slovenščina: Rak (bolezen)
Soomaaliga: Kansar
shqip: Kanceri
српски / srpski: Рак (болест)
Basa Sunda: Kangker
svenska: Cancer
Kiswahili: Saratani
తెలుగు: కాన్సర్
Tok Pisin: Kensa
Türkçe: Kanser
Xitsonga: Fukuzana
татарча/tatarça: Яман шеш
українська: Злоякісна пухлина
oʻzbekcha/ўзбекча: Saraton (kasallik)
vèneto: Càncaro
Tiếng Việt: Ung thư
Winaray: Kanser
吴语:
მარგალური: კიბო
ייִדיש: קענסער
Vahcuengh: Bingh'aizcwng
中文: 癌症
文言:
Bân-lâm-gú: Gâm
粵語: