Kalinangan

Ang kultura o kalinangan sa pangkalahatan ay tumutukoy sa aktibidad ng sangkatauhan. Sa isang payak na kahulugan, ito ang "kaparaanan ng mga tao sa buhay", ibig sabihin ang paraan kung paano gawin ang mga bagay-bagay. Iba't iba ang kahulugan ng kultura na sumasalamin sa iba't ibang mga teoriya sa kaunawaan, o sukatan sa pagpapahalaga, sa aktibidad ng sangkatauhan. Sa iba, ito ang kuro o opinyon ng buong lipunan, na maaaring makita sa kanilang mga salita, aklat at mga sinulat, relihiyon, musika, pananamit, pagluluto, at iba pa. Makikita ang 164 kahulugan ng "kultura" sa isang talaan sa Culture: A Critical Review of Concepts and Definitions [1] (Kultura: Isang Mapanuring Pagrepaso ng mga Konsepto at Kahulugan) nina Alfred Kroeber at Clyde Kluckhohn na nilimbag noong 1952.

Pinagmulan

Ang salitang kultura ay hinango mula sa wikang Latin: na cultura na may literal na kahulugang "kultibasyon" o "paglilinang". [2] Ang kalinangan ay isang katagang may maraming iba't ibang magkakaugnay na mga kahulugan. Subalit, ang salitang ito ay pinaka pangkaraniwang ginagamit sa tatlong payak na mga diwa:

  • Ang pagkakaroon ng matanging panlasa sa mga pinong sining at araling pantao, at tinatawag ding mataas na kalinangan
  • Isang binuong huwaran ng kaalaman, paniniwala, at ugali ng tao na nakabatay sa kakayahan para sa masagisag na pag-iisip at pagkatutuo ng pakikipagkapwa
  • Isang pangkat ng pinagsasaluhang mga ugali, pagpapahalaga, mga layunin, at mga gawain na nagbibigay ng katangian sa isang institusyon o panimulaan, organisasyon, o pangkat.

Nang unang lumitaw ang konsepto o diwa noong ika-18 at ika-19 daantaon sa Europa, may pahiwatig ito bilang isang proseso ng paglilinang ng halaman o pagpapainam, katulad ng agrikultura o hortikultura. Noong ika-19 daantaon, ito ay naging tumutukoy muna sa pag-inam o pagpino o pagdalisay ng isang indibidwal, natatangi na sa pamamagitan ng edukasyon, at pagkaraan ay tumukoy na sa pagsasakatuparan ng nasyonalismo, katulad ng mga adhikain o mga mithiing pambansa. Noong kalagitnaan ng ika-19 daantaon, ilang mga siyentipiko ang gumamit sa katagang "kultura" upang tukuyin ang isang pandaigdigang kakayahan ng tao. Para kay Georg Simmel, isang Aleman na hindi positibista, ang kalinangan ay tumutukoy sa "ang paglilinang ng mga indibidwal sa pamamagitan ng ahensiya ng panlabas na mga anyo na dumaan sa obhetipikasyon sa loob ng kurso ng kasaysayan". [3]

Noong ika-20 daantaon, umahon ang "kalinangan" bilang isang diwa na nakapagitna o naging pangunahin sa larangan ng antropolohiya, na nagsasangkot ng lahat ng mga kababalaghan o penomenong pantao na hindi puro mga kinalabasan ng henetika ng tao. Katulad ito ng katagang "kultura" sa antropolohiyang Amerikano na may dalawang kahulugan: (1) ang umunlad na kakahayan ng tao upang uri-uriin at katawanin ang mga karanasan sa pamamagitan ng mga sagisag, at gumalaw na may imahinasyon at malikhain; at (2) ang namumukod-tanging mga kaparaanan ng tao na namumuhay sa iba't ibang mga bahagi ng mundo na nag-uri at kumatawan sa kanilang mga karanasan, at kumilos na ayon sa pagiging malikhain nila. Pagkalipas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang katawagan ay naging napakahalaga, bagaman mayroong dalawang magkaibang mga kahulugan, sa ibang mga disiplinang katulad ng araling pangkalinangan, sikolohiyang organisasyonal, ang sosyolohiya ng kalinangan at araling pampamamahala.

Other Languages
Afrikaans: Kultuur
Alemannisch: Kultur
አማርኛ: ባሕል
aragonés: Cultura
العربية: ثقافة
ܐܪܡܝܐ: ܡܪܕܘܬܐ
مصرى: ثقافه
অসমীয়া: সংস্কৃতি
asturianu: Cultura
Aymar aru: Yati
azərbaycanca: Mədəniyyət
башҡортса: Мәҙәниәт
Boarisch: Kuitua
žemaitėška: Koltūra
беларуская: Культура
беларуская (тарашкевіца)‎: Культура
български: Култура
भोजपुरी: संस्कृति
বাংলা: সংস্কৃতি
བོད་ཡིག: རིག་གནས།
বিষ্ণুপ্রিয়া মণিপুরী: সংস্কৃতি
brezhoneg: Sevenadur
bosanski: Kultura
буряад: Соёл
català: Cultura
Mìng-dĕ̤ng-ngṳ̄: Ùng-huá
Cebuano: Kultura
Chamoru: Kuttura
کوردی: چاند
čeština: Kultura
kaszëbsczi: Kùltura
Чӑвашла: Культура
Cymraeg: Diwylliant
dansk: Kultur
Deutsch: Kultur
Zazaki: Portal:Zagon
ދިވެހިބަސް: ސަގާފަތު
Ελληνικά: Κουλτούρα
English: Culture
Esperanto: Kulturo
español: Cultura
eesti: Kultuur
euskara: Kultura
estremeñu: Coltura
فارسی: فرهنگ
suomi: Kulttuuri
Võro: Kultuur
français: Culture
Nordfriisk: Kultuur
furlan: Culture
Frysk: Kultuer
Gaeilge: Cultúr
galego: Cultura
Avañe'ẽ: Arandupy
Gaelg: Cultoor
客家語/Hak-kâ-ngî: Vùn-fa
עברית: תרבות
हिन्दी: संस्कृति
Fiji Hindi: Sanskriti
hrvatski: Kultura
Kreyòl ayisyen: Kilti
magyar: Kultúra
Հայերեն: Մշակույթ
interlingua: Cultura
Bahasa Indonesia: Budaya
Interlingue: Cultura
Ilokano: Kultura
Ido: Kulturo
íslenska: Menning
italiano: Cultura
日本語: 文化
Patois: Kolcha
la .lojban.: kulnu
Basa Jawa: Budaya
ქართული: კულტურა
қазақша: Мәдениет
kalaallisut: Kulturi
ភាសាខ្មែរ: វប្បធម៌
ಕನ್ನಡ: ಸಂಸ್ಕೃತಿ
한국어: 문화
къарачай-малкъар: Культура
कॉशुर / کٲشُر: تَہزیٖب
Kurdî: Çand
Кыргызча: Маданият
Latina: Cultura
Ladino: Kultura
Lëtzebuergesch: Kultur
Limburgs: Cultuur
lietuvių: Kultūra
latviešu: Kultūra
Basa Banyumasan: Budaya
Malagasy: Kolontsaina
олык марий: Тӱвыра
македонски: Култура
മലയാളം: സംസ്കാരം
монгол: Соёл
मराठी: संस्कृती
Bahasa Melayu: Budaya
Malti: Kultura
Mirandés: Cultura
မြန်မာဘာသာ: ယဉ်ကျေးမှု
مازِرونی: فرهنگ
Napulitano: Cultura
Plattdüütsch: Kultur
Nedersaksies: Kultuur
नेपाली: संस्कृति
नेपाल भाषा: तजिलजि
Oshiwambo: Hastangi
Nederlands: Cultuur
norsk nynorsk: Kultur
norsk: Kultur
Novial: Kulture
occitan: Cultura
Livvinkarjala: Kul'tuuru
ਪੰਜਾਬੀ: ਸੱਭਿਆਚਾਰ
Papiamentu: Kultura
Pälzisch: Kuldur
polski: Kultura
پنجابی: کلچر
پښتو: هڅوب
português: Cultura
Runa Simi: Kawsay saphi
română: Cultură
русский: Культура
русиньскый: Култура
саха тыла: Култуура
sicilianu: Cultura
Scots: Cultur
سنڌي: ثقافت
srpskohrvatski / српскохрватски: Kultura
Simple English: Culture
slovenščina: Kultura
chiShona: Tsika
Soomaaliga: Dhaqan
shqip: Kultura
српски / srpski: Култура
SiSwati: Inhlonipho
Seeltersk: Kultuur
Basa Sunda: Budaya
svenska: Kultur
Kiswahili: Utamaduni
தமிழ்: பண்பாடு
తెలుగు: సంస్కృతి
тоҷикӣ: Фарҳанг
Türkçe: Kültür
Xitsonga: Ndzhavuko
татарча/tatarça: Мәдәният
українська: Культура
اردو: ثقافت
oʻzbekcha/ўзбекча: Madaniyat
vèneto: Cultura
vepsän kel’: Kul'tur
Tiếng Việt: Văn hóa
Winaray: Kultura
吴语: 文化
მარგალური: კულტურა
ייִדיש: קולטור
Yorùbá: Àṣà
Zeêuws: Cultuur
中文: 文化
Bân-lâm-gú: Bûn-hoà
粵語: 文化