Kalakhang Maynila

Metropolitan Manila Area
Kamaynilaan
"Kalakhang Maynila"
Kalakhang Pook
Metropolitan Manila Montage.png
Palayaw: Maynila
Mapang politikal ng Kalakhang Maynila
Mapang politikal ng Kalakhang Maynila
Ang Pilipinas na nagpapakita ng lokasyon ng Kalakhang Maynila
Ang Pilipinas na nagpapakita ng lokasyon ng Kalakhang Maynila
Metropolitan Manila Area
Lokasyon ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas
Mga koordinato: 14°35′N 121°0′E / 14°35′N 121°0′E / 14.583; 121.000
BansaPilipinas
RehiyonPambansang Punong Rehiyon
PuloLuzon
Pamahalaan
 • MMDA ChairmanRet. Gen. Danilo Lim
Lawak[1]
 • Kabuuan638.55 km2 (246.55 sq mi)
Populasyon (2015)[2]
 • Kabuuan12,877,253
 • Kapal18,093/km2 (46,860/sq mi)
Sona ng orasPOP (UTC+8)
Websaytwww.mmda.gov.ph

Ang Kalakhang Maynila (Ingles: Metro Manila), tinatawag din bilang Pambansang Punong Rehiyon (Ingles: National Capital Region), ay isang kalakhang rehiyon na binubuo ng Maynila kasama ang mga karatig lungsod ng Caloocan, Las Pinas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Paranaque, Pasay, Pasig, Lungsod ng Quezon, San Juan, Taguig, at Valenzuela kasama ang bayan ng Pateros.

Ang rehiyon ay sentro ng politika, pangangalakal, lipunan, kultura, at pang-edukasyon ng Pilipinas. Ayon sa iprinoklamang Utos ng Pampanguluhan Blg. 940, ang kabuuan ng Kalakhang Maynila ay ang sentro ng pamahalaan habang ang Lungsod ng Maynila ang kabisera. Ang pinakamalaking lungsod sa Kamaynilaan ay ang Lungsod Quezon, samantalang ang pinakamalaking distritong pangkalakalan ay ang Lungsod Makati.

Ang Kalakhang Maynila ang pinakamaraming naninirahan sa tinutukoy na 12 kalakhan ng Pilipinas at pang-11 sa pinakamaraming naninirahan sa buong mundo. Batay sa senso noong 2010, ito ay may populasyon na 11,855,975, katumbas ng 13% populasyon ng bansa.

Ang kabuuang produktong pampook ng Kalakhang Maynila ayon noong Hulyo 2011 ay tinatayang $159 bilyon o 33% ng kabuuang produktong pambansa. Sa loob ng taong 2011, ayon sa PricewaterhouseCoopers, ito ay pang-28 sa mga pinakamalalaking ekonomiya sa pinagsamasamang lungsod sa buong mundo at pang-4 sa Timog-Silangang Asya.

Batay sa census noong 2007, ay populasyon ay 11,553,427[3]. Kung isasama sa pagbibilang ng populasyon ang mga katabing lalawigan (Bulacan, Kabite, Laguna at Rizal) ng Malawakang Maynila, ang populasyon ay humigit kumulang 20 milyon[4][5].

Other Languages
asturianu: Gran Manila
brezhoneg: Metro Manila
català: Metro Manila
Chavacano de Zamboanga: Metro Manila
Cebuano: Metro Manila
čeština: Metro Manila
Deutsch: Metro Manila
English: Metro Manila
Esperanto: Manila Metropolo
euskara: Manila Handia
français: Grand Manille
hrvatski: Metro Manila
interlingua: Metro Manila
Bahasa Indonesia: Metro Manila
Ilokano: Metro Manila
Latina: Metro Manila
македонски: Метро Манила
Bahasa Melayu: Metro Manila
Pangasinan: Metro Manila
Kapampangan: Keragulang Menila
português: Grande Manila
Simple English: Metro Manila
српски / srpski: Метро Манила
svenska: Metro Manila
Türkçe: Metro Manila
vèneto: Gran Manila
Tiếng Việt: Vùng đô thị Manila