Hortikultura

Ang hortikultura ay ang industriya at agham ng kultibasyon o paglilinang ng halaman na kabilang ang proseso ng paghahanda ng lupa para sa pagtatanim ng mga binhi o buto ng mga halaman, ng mga lamang-ugat o halamang-ugat, o mga putol ng halaman.[1] Nagsasagawa at nananaliksik ang mga hortikulturista sa loob ng mga disiplina ng propagasyon ng mga halaman at kultibasyon, produksiyon ng mga pananim, pagpapalahi ng mga halaman, at inhinyeriyang henetiko, at pisyolohiya ng halaman. Payak na kinasasangkutan ang gawain ng mga prutas, mga beri, mga mani, mga gulay, mga bulaklak, mga puno, mga palumpong, at mga damo o patungan ng damo. Nagsasagawa rin ang mga hortikulturista ng mga pagpapainam sa dami ng mga naaaning pananim, pati na kalidad, halagang pangnutrisyon, resistensiya mula sa mga kulisap, mga karamdaman, at ligalig sa mga ito na dulot ng kapaligiran. Tumutukoy din ang hortikultura sa paghahalamanan o paghahardin sa mas maliit na sukat o nasasakupan, habang ang agrikultura ay tumutukoy sa mas malakihang sukat o nasasakupan ng paglilinang o kultibasyon ng mga pananim.[2] Nagmula ang salitang hortikultura sa salitang Latin na hortus[3] na may kahulugang "halamanan" o "hardin", at cultus,[4] na may ibig sabihing "linangin".

  • mga sanggunian
Other Languages
Afrikaans: Hortologie
العربية: بستنة
asturianu: Horticultura
azərbaycanca: Bitkiçilik
беларуская: Раслінаводства
български: Растениевъдство
bosanski: Hortikultura
català: Horticultura
čeština: Hortikultura
Cymraeg: Garddwriaeth
Deutsch: Gartenbau
English: Horticulture
Esperanto: Hortikulturo
español: Horticultura
français: Horticulture
galego: Horticultura
hrvatski: Hortikultura
Bahasa Indonesia: Hortikultura
italiano: Orticoltura
日本語: 園芸
한국어: 원예
latviešu: Augkopība
македонски: Хортикултура
Bahasa Melayu: Hortikultur
ਪੰਜਾਬੀ: ਬਾਗਬਾਨੀ
polski: Ogrodnictwo
português: Horticultura
română: Horticultură
srpskohrvatski / српскохрватски: Hortikultura
Simple English: Horticulture
slovenčina: Rastlinná výroba
shqip: Kopshtaria
српски / srpski: Хортикултура
Basa Sunda: Hortikultura
svenska: Hortikultur
తెలుగు: తోటపని
татарча/tatarça: Үсемлекчелек
українська: Рослинництво
Tiếng Việt: Trồng trọt
Winaray: Hortikultura
中文: 园艺
粵語: 園藝