Hipnosis

Isang paglalarawan ng pagsasagawa ng hipnotismo.
Photographic Studies in Hypnosis, Abnormal Psychology (1938)

Ang hipnosis (Ingles: hypnosis) ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng artipisyal na " pagtulog" o katayuan na parang natutulog kung saan nagiging sunud-sunuran ang isang taong nasa ilalim ng hipnotismo (mula sa Ingles na hypnotism) sa sinasabi ng hipnotista, ang taong nagsasagawa ng hipnotismo o paghihipnosis o paghihipnotismo. [1] Naimbento ang salitang hypnosis sa loob ng dekada ng 1800. Nagmula ito sa isang Griyegong salitang may kahulugang "papunta sa pagtulog". Sa kasalukuyan, karamihan sa mga siyentipiko ang sumasang-ayon na magkaiba ang pagtulog at ang hipnosis, bagaman ginagamit pa rin nila ang mga pananatiling "pinatutulog" o "papatulugin" ang kanilang mga pasyente at "paggising" o "gisingin" ang mga ito kapag nanghihipnotismo. Itinuturing na bigo ang isang eksperimento sa hipnotismo kapag tunay na nakatulog ang paksang tao at nagsimula nang maghilik. Bilang dagdag, sumasang-ayon din ang mga siyentipiko na mas kalmado o nakapahinga kaysa karaniwan ang isang taong nahipnotismo, kaya't mas nagnanais itong tumanggap at gumalaw batay sa mungkahi o suhestiyon ng ibang tao. [2]

Hindi natutulog ang isang taong nahipnotismo sapagkat alam niya ang nagaganap o nangyayari sa kanyang paligid, bagaman nagsasalita siya ngunit hindi gaanong nakakakilos katulad ng sa normal niyang kalagayan kung nasa labas ng epekto ng hipnotismo. Sa ilang mga eksperimento, gumagalaw na parang gising ang isang pasyenteng nasa ilalim ng impluwensiya ng hipnosis. [2]

  • mga sanggunian

Mga sanggunian

  1. Gaboy, Luciano L. "Hypnosis, hipnosis, hypnotism, hipnotismo, paghihipnotismo". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com. 
  2. 2.0 2.1 "Is Hypnosis a Kind of Sleep?". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977. , Hypnosis, pahina 316.


Sikolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Sikolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa nito.

Other Languages
Afrikaans: Hipnose
Ænglisc: Oferswefn
العربية: تنويم إيحائي
azərbaycanca: Hipnoz
беларуская: Гіпноз
беларуская (тарашкевіца)‎: Гіпноз
български: Хипноза
বাংলা: সম্মোহন
bosanski: Hipnoza
català: Hipnosi
čeština: Hypnóza
Cymraeg: Hypnosis
dansk: Hypnose
Deutsch: Hypnose
English: Hypnosis
Esperanto: Hipnoto
español: Hipnosis
eesti: Hüpnoos
euskara: Hipnosi
فارسی: هیپنوتیزم
suomi: Hypnoosi
français: Hypnose
Frysk: Hypnoaze
Gaeilge: Hiopnóis
galego: Hipnose
עברית: היפנוזה
हिन्दी: सम्मोहन
hrvatski: Hipnoza
magyar: Hipnózis
Հայերեն: Հիպնոս
Bahasa Indonesia: Hipnosis
italiano: Ipnosi
日本語: 催眠
ქართული: ჰიპნოზი
қазақша: Гипноз
한국어: 최면
Кыргызча: Гипноз
Latina: Hypnosis
lietuvių: Hipnozė
latviešu: Hipnoze
македонски: Хипноза
မြန်မာဘာသာ: စိတ်ညှို့ပညာ
Nederlands: Hypnose
norsk: Hypnose
occitan: Ipnòsi
polski: Hipnoza
português: Hipnose
română: Hipnoză
русский: Гипноз
srpskohrvatski / српскохрватски: Hipnoza
සිංහල: මෝහනය
Simple English: Hypnosis
slovenčina: Hypnóza
slovenščina: Hipnoza
shqip: Hipnoza
српски / srpski: Хипноза
svenska: Hypnos
తెలుగు: హిప్నాటిజం
Türkçe: Hipnoz
українська: Гіпноз
oʻzbekcha/ўзбекча: Gipnoz
Tiếng Việt: Thôi miên
ייִדיש: היפנאזיע
中文: 催眠