Felipe II ng Macedonia

Si Felipe II ng Macedonia o Filipo II ng Macedonia (Griyego: Φίλιππος Β' ο Μακεδώνφίλος = kaibigan + ίππος = kabayo — pagsasatitik: Philippos tala: mula sa makabagong bigkas[1]) ay isang hari ng Imperyo ng Macedonia. Tinatawag na basileus ang mga sinaunang hari ng Macedonia. Naghari siya mula 359 BK hanggang 336 BK. Noong 336 BK, pinatay siya sa pamamagitan ng asasenasyon.[2] Siya ang ama ng emperador na si Alejandro ang Dakila, na ipinanganak noong 356 BK. Siya ang naging sanhi ng pagkakaisa ng lahat ng Gresya. Isinanib niya ang isang estadong-lungsod sa kaniyang imperyo sa pamamagitan ng kaniyang militar o kakausapin niya o susuhulan ang mga pinuno nito upang sumali sa kaniyang imperyo. Sa ilalim ng kaniyang paghahari noong 338 BK sa Digmaan ng Chaerona laban sa Athens nang unang maipakita ni Alejandro ang kaniyang pagiging maalam sa estratehiyang pangmilitar. Siya rin ama ni Felipe III ng Macedonia at pinaniniwalaang pati ni Ptolemy I Soter, ang tagapagtatag ng Dinastiyang Ptolemayiko sa Ptolemayikong Ehipto.

  • mga sanggunian

Mga sanggunian

  1. Online etymology Dictionary: Philip
  2. A History of Greece to 322 B.C. ni N. G. L. Hammond .ISBN 0198730950,pahina 56, 1986.



Kasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa nito.

Other Languages
azərbaycanca: Makedoniyalı II Filip
Bahasa Indonesia: Filipus II dari Makedonia
íslenska: Filippos II
norsk nynorsk: Filip II av Makedonia
srpskohrvatski / српскохрватски: Filip II Makedonski
Simple English: Philip II of Macedon
slovenščina: Filip II. Makedonski
shqip: Filipi II
српски / srpski: Филип II Македонски
oʻzbekcha/ўзбекча: Filipp II