Estados Unidos

Nakaturo ang "Amerika" at "USA" dito. Para sa hayop, tingnan ang usa.
Estados Unidos ng Amerika
United States of America
Pambansang Kasabihan: 
E pluribus unum (Latin) (1789–kasalukuyan)
(Mula sa marami, isa)
In God we trust (1956–kasalukuyan)
(Sa Diyos kami ay nagtitiwala)
Pambansang Awit: The Star-Spangled Banner
KabiseraWashington, DC
38°53′N 77°02′W / 38°53′N 77°02′W / 38.883; -77.033
Pinakamalaking lungsodLungsod ng New York
Opisyal na wikaWala sa antas-pederal;
de facto Ingles
PamahalaanPederal republikang konstitusyonal
 - PanguloDonald Trump
 - Pangalawang PanguloMike Pence
 - Tagapagsalita ng KapulunganPaul Ryan
 - Punong HukomJohn Roberts
 - Unang Ginang ng Estados UnidosMelania Trump
Kalayaanmula sa Gran Britanya 
 - Idineklara4 Hulyo 1776 
 - Ikinilala3 Setyembre 1783 
Lawak
 - Kabuuan9,826,630 km2 (Ika-3)
3,793,079 sq mi 
 - Katubigan (%)4.87%
Populasyon
 - Pagtataya ng Hulyo 2005296,500,000 [1] (Ika-3)
 - Senso ng 2000281,421,906 
 - Kakapalan31/km2 (Ika-176)
80.3/sq mi
KGK (KLP)Pagtataya ng 2005
 - KabuuanUS$12,332,296 milyon (Una)
 - Per capitaUS$41,557 (Ika-3)
SalipiDolyar (USD)
Pook ng oras(UTC-5 hanggang -10)
 - Tag-araw (DST)paiba-iba (UTC)
Internet TLD.gov .edu .mil .us
Kodigong pantawag1

Isang republikang pederal ang Estados Unidos ng Amerika (EUA) (Ingles: United States of America o USA) na may limampung (50) estado at isang distritong pederal. Matatagpuan sa kalagitnaan ng Hilagang Amerika ang karamihan sa mga estado nito kung saan mayroong sariling pamahalaan ang bawat isa na naaayon sa sistemang pederalismo. Mayroong tatlong lupang hangganan ang Estados Unidos kung saan sa Mehiko matatagpuan ang isa habang sa Canada naman ang natitira. Pinaliligiran din ito ng iba't ibang anyo ng tubig tulad ng Karagatang Pasipiko, Dagat Bering, Karagatang Artiko, at Karagatang Atlantiko. Hindi karatig ng dalawang estado (Alaska at Haway) ang natitirang apatnapu’t walo. Pareho din nilang hindi karatig ang isa't isa. Mayroong koleksiyon ng mga distrito, teritoryo at iba pang pagmamay-aring panlabas ang Estados Unidos sa iba't ibang bahagi ng mundo. Karaniwang tinatawag na "Amerikano" ang mga mamamayan nito.

Sa sukat na 3.79 milyong milya parisukat (9.83 milyon km2) at may populasyon na 315 milyon, ang Estados Unidos ay ang ikatlo at ika-apat na pinakamalaking bansa ayon sa kabuuang sukat ng lupa, at ang ikatlong pinakamalaki sa parehong sukat ng lupa at populasyon. Isa ang Estados Unidos sa pinakamaraming etnisidad at isa sa mga bansang maraming kultura, na bunga ng maraming imigrasyon ng mga tao mula sa iba't ibang bansa.[1]

Mababakas sa deklarasyon ng labintatlong kolonya ng Britanya sa Hilagang Amerika noong 1776 ang pinagmulan ng Estados Unidos, kung saan idineklara nila na wala nang sumasaklaw sa kanila at malalayang na silang mga estado, na pinatibay ng Kasunduan sa Paris noong 1783. Mula kalagitnaan ng ika-20 dantaon, naunahan na nito ang alinmang bansa sa impluwensiya sa ekonomiya, politika, militar, at kultura.

Natatag ang Amerika sa ilalim ng tradisyon ng pamahalaang may pagsang-ayon ng pinapamahalaan sa modelong demokrasyang representatibo. Nakopya rin ng maraming pang bansa, lalo na ng mga nasa Gitnang Amerika at Timog Amerika, ang modelo ng pamahalaang Amerika kung saan gumagamit sila ng sistemang pampanguluhan-kongresyonal.

Kasaysayan

Pangunahing lathalain: Kasaysayan ng Estados Unidos

Ang mga katutubo ng pangunanglupa ng Estados Unidos, kasama ang mga katutubong taga-Alaska, ay pinaniniwalaang lumipat galing sa Asya, simula noong 12,000 hanggang 40,000 nakaraang taon. Ilan, tulad ng bago-Columbyanong kulturang Misisipyo, ay bumuo ng nangungunang agrikultura, magarbong arkitektura, at mga hanay-estadong lipunan. Pagkatapos magsimulang manirahan ang mga Europeo sa mga Amerika, madaming milyon na katutubong Amerikano ay nangamatay mula sa mga epidemikong dala ng mga dayuhan tulad ng smallpox.

Noong 1492, ang taga-Genoang manlalakbay na si Christopher Columbus, sa ilalim ng isang kontrata ng koronang Espanyol, ay nakarating sa ilan-ilang pulong Caribbean, unang nakagawa ng pakikipag-ugnay sa mga katutubo. Noong 2 Abril 1513, ang kongkistadoreng Espanyol na si Juan Ponce de Leon ay dumaong sa kanyang binansagang "La Florida"—ang unang naulat na pagdating ng Europeo sa kung ano ang magiging pangunanglupa ng Estados Unidos. Ang mga paninirahang Espanyol sa rehiyon ay nasundan ng mga paninirahan sa ngayo'y timog-kanlurang Estados Unidos na naghikayat sa libu-libo patungong Mehiko. Ang mga mangangalakal na mabalahibong Pranses ay nagtatag ng mga tigilan ng New France sa paligid ng Great Lakes; kinalaunan, inangkin ng Pransiya ang malaking bahagi ng kaloobang Hilagang Amerika; patimog hanggang sa Golpo ng Mehiko. Ang unang matagumpay na panirahang Ingles ay ang Kolonyang Virginia sa Jamestown noong 1607 at ang Pilgrimong Kolonyang Plymouth noong 1620. Ang pagtatala noong 1628 ng Kolonya ng Look ng Massachusetts ay nagbungta ng isang malaking paglilipat; noong 1634, ang New England ay tinirhan na ng 10,000 Puritan. Sa pagitan ng huling bahagi ng mga 1610 at Himagsikang Amerikano, mga 50,000 na hinatulan ang dinaong patungo sa mga kolonyang Amerikano ng Britanya. Simula 1614, ang mga Olandes ay nanatili sa baybayin ng babang Ilog Hudson, kasama ang New Amsterdam sa pulo ng Manhattan.

Other Languages
Alemannisch: USA
አማርኛ: አሜሪካ
aragonés: Estatos Unitos
مصرى: امريكا
Aymar aru: Istadus Unidus
žemaitėška: JAV
Bikol Central: Estados Unidos
беларуская (тарашкевіца)‎: Злучаныя Штаты Амэрыкі
भोजपुरी: अमेरिका
Bahasa Banjar: Amirika Serikat
বিষ্ণুপ্রিয়া মণিপুরী: তিলপারাষ্ট্র
Chavacano de Zamboanga: Estados Unidos de America
Mìng-dĕ̤ng-ngṳ̄: Mī-guók
Tsetsêhestâhese: United States
Nēhiyawēwin / ᓀᐦᐃᔭᐍᐏᐣ: ᑭᐦᒋ ᒨᐦᑯᒫᓇᐢᑭᕀ
словѣньскъ / ⰔⰎⰑⰂⰡⰐⰠⰔⰍⰟ: Амєрїканьскꙑ Ѥдьнѥнꙑ Дрьжавꙑ
dansk: USA
Thuɔŋjäŋ: Pawuut Matiic
ދިވެހިބަސް: އެމެރިކާ
eʋegbe: United States
emiliàn e rumagnòl: Stat Unî
English: United States
Esperanto: Usono
español: Estados Unidos
estremeñu: Estaus Uníus
Na Vosa Vakaviti: United States
føroyskt: USA
français: États-Unis
arpetan: Ètats-Unis
贛語: 美國
गोंयची कोंकणी / Gõychi Konknni: अमेरिकेचीं संयुक्त राज्यां
Bahasa Hulontalo: Amerika Serikat
𐌲𐌿𐍄𐌹𐍃𐌺: 𐌰𐌼𐌰𐌹𐍂𐌹𐌺𐌰
客家語/Hak-kâ-ngî: Mî-koet
Fiji Hindi: United States
Kreyòl ayisyen: Etazini
Bahasa Indonesia: Amerika Serikat
Ido: Usa
íslenska: Bandaríkin
ᐃᓄᒃᑎᑐᑦ/inuktitut: ᐊᒥᐊᓕᑲ
la .lojban.: mergu'e
Kabɩyɛ: Etaazuunii
Gĩkũyũ: United States
kalaallisut: Naalagaaffeqatigiit
ភាសាខ្មែរ: សហរដ្ឋអាមេរិក
한국어: 미국
kernowek: Statys Unys
Lingua Franca Nova: Statos Unida de America
Luganda: Amerika
Basa Banyumasan: Amerika Serikat
Malagasy: Etazonia
Baso Minangkabau: Amerika Sarikat
Bahasa Melayu: Amerika Syarikat
Dorerin Naoero: Eben Merika
Plattdüütsch: USA
Nederlands: Verenigde Staten
norsk nynorsk: USA
norsk: USA
Sesotho sa Leboa: United States of America
Chi-Chewa: United States
Livvinkarjala: Amerikan Yhtysvallat
Pangasinan: Estados Unidos
Kapampangan: Estados Unidos
Deitsch: Amerikaa
Norfuk / Pitkern: Yunitid Staits
پنجابی: امریکہ
português: Estados Unidos
rumantsch: Stadis Unids
sicilianu: Stati Uniti
srpskohrvatski / српскохрватски: Sjedinjene Američke Države
Simple English: United States
slovenčina: Spojené štáty
Sranantongo: Kondre Makandrameki
Basa Sunda: Amérika Sarikat
svenska: USA
Kiswahili: Marekani
ไทย: สหรัฐ
Setswana: USA
Tok Pisin: Ol Yunaitet Stet
Xitsonga: Amerikha
chiTumbuka: United States
Twi: USA
reo tahiti: Fenua Marite
oʻzbekcha/ўзбекча: Amerika Qoʻshma Shtatlari
Tiếng Việt: Hoa Kỳ
Volapük: Lamerikän
吴语: 美国
Vahcuengh: Meijgoz
中文: 美国
文言: 美國
Bân-lâm-gú: Bí-kok
粵語: 美國
isiZulu: IMelika