Espesye

Para sa ibang gamit, tingnan ang Espesye (paglilinaw).
Ang pagkakasunud-sunod (hirarkiya) ng pagpapangkat na maka-agham. Naglalaman ang sari ng isa o maraming mga uri. Hindi ipinakikita rito ang mga kahanayang nasa gitna (mga kasari).

Sa larangan ng biolohiya, ang espesye (mula sa Kastilang especie; Ingles: species[1]), na tinatawag ding uri[1] kung minsan, ay isa sa mga pinakapayak na pangkat sa kahanayang para sa mga nilikhang may-buhay at isang antas ng pagkakapangkat-pangkat. Kadalasang ipinakakahulugan na isa itong lipon ng mga organismo na may kakayahang makipagtalik sa isang kalahi at nakapagsisilang ng supling na maaari ring magka-anak. Bagaman sapat na ang kahulugang ito para sa karamihan ng mga kaso, mayroong mas tumpak at naiibang pamamaraan na madalas ding gamitin, katulad ng paghahambing kung magkatulad ang mga pagsusuri ng DNA o morpolohiya. Maaari pa ring mahati ang mga uri sa mga subespesye ayon sa pagkakaroon ng mga tiyakan, mapantukoy, at namanang katutubong katangian.

Kung minsan, ang mga pangalan na pangkaraniwang ginagamit para sa mga halaman at hayop ay umaayon sa mga uri nito: halimbawa na ang “liyon”, “kambing”, at “puno ng mangga, na mga katawagang tumutukoy sa mga uri. Sa ibang mga kaso, ang mga pangalan ay hindi tumutukoy sa mga uri: katulad ng “usa” na tumutukoy sa pamilyang may 34 na mga uri, katulad ng usa ni Eld, pulang usa, at wapiti (isang elk). Dating itinuturing na nakapaloob sa iisang uri ang dalawang huli, na nagpapakita lamang na maaaring mabago ang hangganan ng pag-uuri sa pamamagitan ng mga karagdagang kaalamang pang-agham.

Inilalagay ang bawat uri sa loob ng isang sari (genus). Isa itong pagpapalagay (hipotesis) na ang isang uri ay higit na mas malapit sa iba pang mga uri sa loob ng kaniyang sariling sari kung ihahambing sa uri ng ibang sari. Binigyan ng dalawahang pangalan ang lahat ng mga uri na nalalangkapan ng pangalang pampamilya at tiyakang pangalan. Halimbawa na ang “Tilapiine cichlid” (na karaniwang tinatawag na “tilapya”).

Kahalagahan

Mahalaga ang pagkakaroon ng magagamit na kahulugan ng salitang “uri” at maging mga mapanghahawakang mga paraan ng pagkilala sa partikular na uri, upang masabi at masubukan ang mga kuru-kuro (teorya) at para rin masukat ang pagkakaiba-iba ng mga nilikhang may-buhay.

Nakaugalian na nararapat lamang na pag-aralan ang mga magkakatulad na katangian ng maraming mga halimbawa ng minumungkahing uri bago ituring na ang mga ito ay kabilang nga sa nag-iisang uri lamang. Sa pangkalahatang pananaw, mahirap bigyan ng kahanayang pampangkat ang mga uring nawala na sa mundo at nakikilala lamang dahil sa kanilang mga bakas. Maaaring gamitin ang dalawahang pangalan para sa mga uring nailarawan na ng mga pamamaraang maka-agham.

Subalit, ayon kay Charles Darwin:

Itinuturing ko ang salitang uri bilang isang paghuhusgang itinakda - para sa kapakanang pangkaginhawahan ng humuhusga - upang mapagsama-sama ang mga nilikhang lubhang magkakamukha… wala itong sapat na pagkakaiba mula sa salitang sari, na itinakda para sa mga wangis na walang tiyak na pagkakakilanlan at mas pabagubago. Ang salitang sari, bilang muling paghahambing sa kaibahan ng nag-iisang nilikha, ay ginagamit din ayon sa makahusgang pananaw, at para lamang sa kapakanang nakagiginhawa.[2]

Dahil sa mga kahirapan sa pagbibigay ng kahulugan at maging sa pagsusuma ng kabuuang bilang ng iba’t ibang mga uri, tinataya na may 2 hanggang 100 milyong iba’t ibang mga uri sa buong mundo.[3]

Other Languages
Afrikaans: Spesie
Alemannisch: Art (Biologie)
aragonés: Especie
العربية: نوع (تصنيف)
asturianu: Especie
azərbaycanca: Növ
башҡортса: Төр (биология)
Boarisch: Oart (Biologie)
беларуская: Біялагічны від
беларуская (тарашкевіца)‎: Від (біялёгія)
български: Вид (биология)
भोजपुरी: प्रजाति
বাংলা: প্রজাতি
brezhoneg: Spesad
català: Espècie
کوردی: جۆرە
čeština: Druh
Чӑвашла: Тĕс (биологи)
Cymraeg: Rhywogaeth
dansk: Art
English: Species
Esperanto: Specio
español: Especie
euskara: Espezie
suomi: Laji
français: Espèce
Nordfriisk: Slach
Frysk: Soarte
Gaeilge: Speiceas
galego: Especie
Avañe'ẽ: Juehegua
Fiji Hindi: Species
hrvatski: Vrsta
hornjoserbsce: Družina (biologija)
Kreyòl ayisyen: Espès
magyar: Faj
interlingua: Specie
Bahasa Indonesia: Spesies
Ilokano: Sebbangan
ГӀалгӀай: Биологен кеп
italiano: Specie
日本語: 種 (分類学)
Patois: Spiishi
Basa Jawa: Spésies
ქართული: სახეობა
қазақша: Түр
ಕನ್ನಡ: ಜಾತಿ
한국어: 종 (생물학)
къарачай-малкъар: Биология тюрлю
kurdî: Tuxm
Кыргызча: Түр
Lëtzebuergesch: Aart
lumbaart: Spéce
lietuvių: Rūšis
latviešu: Suga
македонски: Вид (биологија)
മലയാളം: സ്പീഷീസ്
Bahasa Melayu: Spesies
Malti: Speċi
မြန်မာဘာသာ: မျိုးစိတ်
Napulitano: Specia
Plattdüütsch: Oort (Biologie)
नेपाल भाषा: प्रजाति
Nederlands: Soort
norsk nynorsk: Art
norsk: Art
ਪੰਜਾਬੀ: ਪ੍ਰਜਾਤੀ
Kapampangan: Species
Piemontèis: Spece
پنجابی: سپیشیز
português: Espécie
Runa Simi: Rikch'aq
русиньскый: Вид (біолоґія)
Scots: Species
srpskohrvatski / српскохрватски: Vrsta
Simple English: Species
slovenčina: Druh (taxonómia)
slovenščina: Vrsta (biologija)
shqip: Specia
српски / srpski: Врста (биологија)
Basa Sunda: Spésiés
svenska: Art
Kiswahili: Spishi
తెలుగు: జాతి
Türkmençe: Biologik görnüş
Türkçe: Tür
татарча/tatarça: Төр (биология)
українська: Вид
اردو: نوع
oʻzbekcha/ўзбекча: Tur (biologiya)
vèneto: Spece
Tiếng Việt: Loài
West-Vlams: Sôorte
Winaray: Espesyis
მარგალური: გვარობა
ייִדיש: זגאל
中文: 物种
粵語: 物種