Espanya

Para sa ibang gamit, tingnan ang Espanya (paglilinaw).

<tr class="mergedrow"> <tr class="mergedbottomrow">

Kaharian ng Espanya
Reino de España
Watawat
Pambansang Kasabihan: " Plus Ultra"  ( Latin)
(Tagalog: "Lampas pa sa lalong malayo")
Pambansang Awit: " Marcha Real"  ( Kastila)
(Tagalog: "Martsang Makahari")

Kinaroroonan ng  Espanya  (malamlam na luntian)

– sa lupalop ng Europa  (luntian & malamlam na abo)
– sa Unyong Europeo  (luntian)  —  [ Gabay]

Kabisera
(at pinakamalaking lungsod)
Madrid
40°26′N 3°42′W / 40°26′N 3°42′W / 40.433; -3.700
Opisyal na wikang pasulat Kastila [lower-alpha 1]
Kinikilalang rehiyonal na wika Mga wikang rehiyonal
Pangkat etniko (2011)
Pangalang-
turing
Kastila o Espanyol ( Spaniard sa Ingles)
Pamahalaan
 -  Hari Felipe VI
 -  Punong Ministro Mariano Rajoy
Lehislatura Cortes Generales (Pagkalahatang Hukuman)
 -  Mataas na kapulungan Senado
 -  Mababang kapulungan Kapulungan ng mga Kinatawan
Pormasyon
 -  Dinastiko 1479 
 -  De facto 1516 
 -  De jure 1715 
 -  Estadong-bansa 1812 
 -  Demokrasyang konstitusyonal 1931 
 -  Kasalukuyang demokrasya 1978 
 -  Kasapi ng EEC (ngayon ay
Unyong Europeo)
1 Enero 1986 
Lawak
 -  Kabuuan 504,645 [2] km2 ( ika-52)
195,364 sq mi 
 -  Katubigan (%) 1.04
Populasyon
 -  Pagtataya ng 2013 46,704,314 [3] ( ika-28)
 -  Senso ng 2011 46,815,916 [4] 
 -  Kakapalan 92/km2 ( ika-106)
240/sq mi
KGK ( KLP) Pagtataya ng 2014
 -  Kabuuan $1.425 trilyon [5] ( ika-14)
 -  Per capita $30,637 [5] ( ika-33)
KGK (nominal) Pagtataya ng 2014
 -  Kabuuan $1.415 trilyon [5] ( ika-13)
 -  Per capita $30,432 [5] ( ika-28)
Gini (2013) 33.7 ( mataas)
TKT (2013) 0.869 ( ika-27)
Salipi Euro ( €) ( EUR)
Pook ng oras CET ( UTC+1)
 -  Tag-araw ( DST) CEST ( UTC+2 [lower-alpha 2])
Anyo ng Petsa dd.mm.yyyy (Espanyol; CE)
Nagmamaneho sa kanan
Kodigong PKP 3166 ES
Internet TLD .es [lower-alpha 3]
Kodigong pantawag +34

Ang Kaharian ng Espanya [6] ( Kastila: Reino de España) ay isang soberanyang estado o bansang matatagpuan sa Tangway ng Iberya sa timog-kanlurang Europa. Ang pangunahing lupain ay hinahangganan sa timog at silangan ng Dagat Mediteraneo maliban na lamang sa maliit na mga hangganang lupa ng Gibraltar; sa hilaga at hilangang-silangan, ng Pransiya, ng maliit na prinsipado ng Andorra, at ng Look ng Biscay; at sa kanluran at hilagang-kanluran naman, ng Portugal at ng Karagatang Atlantiko. Kasama ng Pransiya at Maruekos, isa lamang sila sa tatlong bansa na may baybaying Atlantiko at Mediteraneo. Ang 1,214 km (754 mi) na hangganan ng Espanya sa Portugal ay ang pinakamahabang tuluy-tuloy na hangganan sa buong Unyong Europeo.

Kasama rin sa nasasakupan ng Espanya ang mga pulo ng Baleares sa Mediteraneo, ang Canarias sa Karagatang Atlantiko sa labas ng baybayin ng Aprika, ang tatlong teritoryo sa Hilagang Aprika, Ceuta, Melilla at Peñón de Vélez de la Gomera na hinahangganan ang Maruekos, at mga pulo at peñones (mga bato) ng Alborán, Chafarinas, Alhucemas, at Perejil. Sa lawak na 505,992 km2 (195,365 sq mi), ang Espanya ang ikalawang pinakamalaking bansa sa Kanlurang Europa at sa Unyong Europeo, at panlimang pinakamalaking bansa sa Europa.

Ang mga modernong tao ay unang dumating sa Tangway ng Iberia mga 35,000 taon na ang nakalilipas. Sumailalim ito sa pamumuno ng Roma noong 200 BK, at lumaon ang rehiyon ay binansagang Hispania. Noong Gitnang Panahon, sinakop ito ng mga tribong Alemaniko at lumaon ng mga Moro sa katimugan. Nabuo bilang isang bansa ang Espanya noong ika-15 dantaon, pagkatapos ng pagpapakasal ng mga Katolikong Monarka ( Reyes Católicos) at ang pagwawakas ng dantaong pagsakop muli, o Reconquista, sa Tangway mula sa mga Moro noong 1492. Sa unang bahagi ng makabagong panahon, naging maimpluwensiyang imperyo sa daigdig ang Espanya at isa sa mga unang pandaigdigang imperyong kolonyal sa kasaysayan, na nag-iwan ng malawak na pamanang kultural at lingguwistika kabilang ang mahigit 500 milyong nagsasalita ng wikang Kastila, dahilan upang ito'y maging ikalawang pangunahing sinasalitang wika sa daigdig.

Ang modernong Espanya ay isang demokrasyang itinatag sa paraang pamahalaang parlamentaryo sa ilalim ng saligang batas ng monarkiya. Isang maunlad na bansa ang Espanya na ika-13 pinakamalaking ekonomiya sa daigdig. Ang bansa ay kasapi ng Nagkakaisang Bansa, NATO, OECD, at WTO. Sa kasalukuyan, ang krisis sa ekonomiya ay naging malaking suliranin ng ekonomiya ng Espanya.

Etimolohiya

Ang pinagmulan ng pangalang Hispania, kung saan hango ang kasalukuyang pangalang España sa wikang Kastila, ay hindi tiyak at maaaring hindi alam dahil sa kakulangan ng mga sapat na katibayan. Sa loob ng maraming dantaon maraming mga haka-haka ang nabuo:

Ang iskolar sa panahon ng Renaissance na si Antonio de Nebrija ay nagmungkahi na ang salitang Hispania ay nagbago mula sa salitang Iberia na Hispalis, na nangangahulugang "lungsod ng kanluraning daigdig."

Ikinakatuwiran naman ni Jesús Luis Cunchillos na ang pinag-ugatan ng salitang span ay ang salitang Penisyo (Phoenician) na spy, na nanganahulugang "maghinang ng mga metal." Samakatuwid, ang i-spn-ya ay nangangahulugang "ang lupaing pinaghihinangan ng mga metal." Maaari rin hango ito sa salitang Puniko na I-Shpania (אי שפניא), na nangangahulugang "pulo ng mga kuneho", "lupain ng mga kuneho", isang pagtukoy sa pook ng Espanya sa dulo ng Mediteraneo; [7] ang mga baryang Romanong natagpuan sa rehiyon mula sa paghahari ni Hadrian ay kakikitaan ng babaeng dibuho na may kuneho sa kanyang paa, at tinawag ito ni Strabona "lupain ng mga kuneho."

Ang Hispania ay maaaring hango sa paduláng paggamit (poetic use) ng salitang Hesperia, na ipinakikita sa pagtingin ng mga sinaunang Griyego sa Italya bilang "Lupang kanluran" o "lupang nilulubugan ng araw" (Ang Hesperia, o Ἑσπερία sa Griyego) pati sa Espanya, na bahagi ng dulong kanluran, bilang Hesperia ultima. [8]

May mga nagsasabi din na ang "Hispania" ay hango sa salitang Basko na Ezpanna na may kahulugang "dulo" o "hangganan", na tumutukoy sa pook ng tangway ng Iberia sa timog kanluran ng kontinenteng Europeo. [8]

Dalawang Kastilang Hudyong iskolar noong ika-15 dantaon, sina Don Isaac Abrabanel at Solomon ibn Verga, ay nagbigay ng paliwanag na ngayon ay kinikilala nang isang kuwentong-bayan. Parehong isinulat ng mga iskolar sa dalawang magkaibang lathalain na ang mga unang Hudyo na nakarating sa Espanya ay dinala ng barko ni Phiros na isang sugo ng hari ng Babilonia nang pinangunahan niya ang pagkubkob sa Herusalem. Ang táong ito ay isang Greko nung ipinanganak, ngunit nabigyan ng isang kaharian sa Espanya. Naging magkamag-anak sila ni Espan sa kasal, ang pamangkin ni haring Heracles, na siya ring namuno sa kaharian sa Espanya. Kinalauna'y nagbitiw sa trono si Heracles pabor sa kanyang tinubuang-bayan na Gresya, at iniwan ang kanyang kaharian kay Espan, kung saan kinuha ng bansang España (Espanya) ang pangalan nito. Batay sa kanilang mga testimonya, ang pangalang ito ay ginagamit na ng Espanya mga bandang 350 BCE. [9]

Other Languages
Аҧсшәа: Еспаниа
Acèh: Seupanyo
адыгабзэ: Испание
Afrikaans: Spanje
Akan: Spain
Alemannisch: Spanien
አማርኛ: እስፓንያ
aragonés: Espanya
Ænglisc: Spēonland
العربية: إسبانيا
ܐܪܡܝܐ: ܐܣܦܢܝܐ
مصرى: اسبانيا
asturianu: España
авар: Испания
Aymar aru: Ispaña
azərbaycanca: İspaniya
تۆرکجه: ایسپانیا
башҡортса: Испания
Boarisch: Spanien
žemaitėška: Ispanėjė
Bikol Central: Espanya
беларуская: Іспанія
беларуская (тарашкевіца)‎: Гішпанія
български: Испания
भोजपुरी: स्पेन
Bislama: Spain
বাংলা: স্পেন
བོད་ཡིག: ཞི་པན་ཡ།
বিষ্ণুপ্রিয়া মণিপুরী: স্পেন
brezhoneg: Spagn
bosanski: Španija
буряад: Испани
català: Espanya
Chavacano de Zamboanga: España
Mìng-dĕ̤ng-ngṳ̄: Să̤-băng-ngà
нохчийн: Испани
Cebuano: Espanya
Chamoru: España
Tsetsêhestâhese: Spain
کوردی: ئیسپانیا
corsu: Spagna
qırımtatarca: İspaniya
čeština: Španělsko
kaszëbsczi: Szpańskô
словѣньскъ / ⰔⰎⰑⰂⰡⰐⰠⰔⰍⰟ: Їспанїꙗ
Чӑвашла: Испани
Cymraeg: Sbaen
dansk: Spanien
Deutsch: Spanien
Zazaki: İspanya
dolnoserbski: Špańska
डोटेली: स्पेन
ދިވެހިބަސް: އިސްޕެއިން
ཇོང་ཁ: སིཔཱེན་
eʋegbe: Spain
Ελληνικά: Ισπανία
emiliàn e rumagnòl: Spaggna
English: Spain
Esperanto: Hispanio
español: España
eesti: Hispaania
euskara: Espainia
estremeñu: España
فارسی: اسپانیا
Fulfulde: Hispaanya
suomi: Espanja
Võro: Hispaania
føroyskt: Spania
français: Espagne
arpetan: Èspagne
Nordfriisk: Spaanien
furlan: Spagne
Frysk: Spanje
Gaeilge: An Spáinn
Gagauz: İspaniya
贛語: 西班牙
Gàidhlig: An Spàinn
galego: España
گیلکی: ائسپانيا
Avañe'ẽ: Epáña
गोंयची कोंकणी / Gõychi Konknni: स्पेन
𐌲𐌿𐍄𐌹𐍃𐌺: 𐌷𐌴𐌹𐍃𐍀𐌰𐌽𐌾𐌰
ગુજરાતી: સ્પેન
Hausa: Hispania
客家語/Hak-kâ-ngî: Sî-pân-ngà
Hawaiʻi: Sepania
עברית: ספרד
हिन्दी: स्पेन
Fiji Hindi: Spain
hrvatski: Španjolska
hornjoserbsce: Španiska
Kreyòl ayisyen: Espay
Հայերեն: Իսպանիա
interlingua: Espania
Bahasa Indonesia: Spanyol
Interlingue: Hispania
Igbo: Spain
Iñupiak: Spaña
Ilokano: Espania
íslenska: Spánn
italiano: Spagna
ᐃᓄᒃᑎᑐᑦ/inuktitut: ᓯᐸᐃᓐ
日本語: スペイン
Patois: Spien
la .lojban.: sangu'e
Basa Jawa: Sepanyol
ქართული: ესპანეთი
Qaraqalpaqsha: İspaniya
Taqbaylit: Spenyul
Адыгэбзэ: Эспаниэ
Kabɩyɛ: Ɛsɩpaañɩ
Kongo: Espania
қазақша: Испания
kalaallisut: Spania
ភាសាខ្មែរ: អេស្ប៉ាញ
ಕನ್ನಡ: ಸ್ಪೇನ್
한국어: 스페인
Перем Коми: Эспання
къарачай-малкъар: Испания
Kurdî: Spanya
коми: Испания
kernowek: Spayn
Кыргызча: Испания
Latina: Hispania
Ladino: Espanya
Lëtzebuergesch: Spuenien
лезги: Испания
Limburgs: Spanje
Ligure: Spagna
lumbaart: Spagna
lingála: Espania
لۊری شومالی: إسپانيا
lietuvių: Ispanija
latgaļu: Spaneja
latviešu: Spānija
मैथिली: स्पेन
мокшень: Испания
Malagasy: Espaina
олык марий: Испаний
Māori: Pāniora
Baso Minangkabau: Spanyol
македонски: Шпанија
മലയാളം: സ്പെയിൻ
монгол: Испани
मराठी: स्पेन
Bahasa Melayu: Sepanyol
Malti: Spanja
Mirandés: Spanha
မြန်မာဘာသာ: စပိန်နိုင်ငံ
مازِرونی: ایسپانیا
Dorerin Naoero: Pain
Nāhuatl: Caxtillan
Napulitano: Spagna
Plattdüütsch: Spanien
Nedersaksies: Spanje
नेपाली: स्पेन
नेपाल भाषा: स्पेन
Nederlands: Spanje
norsk nynorsk: Spania
norsk: Spania
Novial: Spania
Nouormand: Espangne
Sesotho sa Leboa: Spain
occitan: Espanha
Livvinkarjala: Ispuanii
Oromoo: Ispeen
ଓଡ଼ିଆ: ସ୍ପେନ
Ирон: Испани
ਪੰਜਾਬੀ: ਸਪੇਨ
Pangasinan: Espanya
Kapampangan: Espanya
Papiamentu: Spaña
Picard: Espanne
Deitsch: Schpaani
पालि: स्पेन
Norfuk / Pitkern: Spain
polski: Hiszpania
Piemontèis: Spagna
پنجابی: سپین
Ποντιακά: Ισπανία
پښتو: اسپانیا
português: Espanha
Runa Simi: Ispaña
rumantsch: Spagna
Romani: Spaniya
Kirundi: Esipanye
română: Spania
armãneashti: Ispania
tarandíne: Spagne
русский: Испания
русиньскый: Іспанія
Kinyarwanda: Esipanye
संस्कृतम्: स्पेन्
саха тыла: Испания
sardu: Ispagna
sicilianu: Spagna
Scots: Spain
سنڌي: اسپين
davvisámegiella: Spánia
Sängö: Espânye
srpskohrvatski / српскохрватски: Španija
සිංහල: ස්පාඤ්ඤය
Simple English: Spain
slovenčina: Španielsko
slovenščina: Španija
Gagana Samoa: Sepa­nia
chiShona: Spain
Soomaaliga: Isbania
shqip: Spanja
српски / srpski: Шпанија
Sranantongo: Spanyorokondre
SiSwati: Sipeyini
Sesotho: Spain
Seeltersk: Spanien
Basa Sunda: Spanyol
svenska: Spanien
Kiswahili: Hispania
ślůnski: Szpańijo
తెలుగు: స్పెయిన్
tetun: España
тоҷикӣ: Испания
Türkmençe: Ispaniýa
lea faka-Tonga: Sepeni
Tok Pisin: Spen
Türkçe: İspanya
Xitsonga: Spaniya
татарча/tatarça: Испания
chiTumbuka: Spain
Twi: Spain
reo tahiti: Paniora
удмурт: Испания
ئۇيغۇرچە / Uyghurche: ئىسپانىيە
українська: Іспанія
اردو: ہسپانیہ
oʻzbekcha/ўзбекча: Ispaniya
Tshivenda: Spain
vèneto: Spagna
vepsän kel’: Ispanii
Tiếng Việt: Tây Ban Nha
West-Vlams: Spanje
Volapük: Spanyän
walon: Espagne
Winaray: Espanya
Wolof: Ispaañ
吴语: 西班牙
isiXhosa: ISpain
მარგალური: ესპანეთი
ייִדיש: שפאניע
Yorùbá: Spéìn
Vahcuengh: Sihbanhyaz
Zeêuws: Spanje
中文: 西班牙
文言: 西班牙
Bân-lâm-gú: Se-pan-gâ
粵語: 西班牙
isiZulu: ISpeyini