Digmaang Sibil ng Espanya

Ang Digmaang Sibil ng Espanya ay isang pangunahing hidwaan na sumalanta sa Espanya mula 17 Hunyo 1936 hanggang 1 Abril 1939. Nagsimula ito pagkaraan ng isang kudetang tinangkang isagawa ng isang pangkat ng mga heneral ng Hukbong-Katihan ng Espanya laban sa pamahalaan ng Ikalawang Republika ng Espanya, na noon ay nasa ilalim ng pamumuno ni Manuel Azaña. Ang makabayang kudeta ay may pagtangkilik ng konseratibong Kastilang Konpederasyon ng mga Karapatang Awtonomo (Ingles: Spanish Confederation of the Autonomous Right, Kastila: Confederación Española de Derechas Autónomas, o C.E.D.A), mga monarkistang kilala bilang mga pangkat Carlista, at ng Pasistang Falange (Falange Española de las J.O.N.S.).[1] Kasunod ng kudetang militar, lumaganap ang mga rebolusyon ng mga manggagawa sa buong bansa bilang pagsuporta sa pamahalaang Republikano, subalit ang lahat ay marahas na nagupo ng hukbong-katihan. Nagwakas ang digmaan sa pagtatagumpay ng mga puwersang nasyonalista, ang pagkapatalsik ng pamahalaang Republikano, at ang pagtatatag ng estadong awtoritaryano na pinamunuan ni Heneral Francisco Franco. Pagkatapos ng digmaang sibil, ang lahat ng mga partidong makakanan ay isinanib sa partido ng estado ng rehimen ni Franco.[1]

  • mga sanggunian

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 Payne, Stanley Fascism in Spain, 1923-1977, Imprenta ng Pamantasan ng Wisconsin, pp. 200-203, 1999. Maling banggit (Invalid <ref> tag; name "payne" defined multiple times with different content); $2


KasaysayanEspanyaDigmaan Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan, Espanya at Digmaan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa nito.

Other Languages
беларуская (тарашкевіца)‎: Грамадзянская вайна ў Гішпаніі
brezhoneg: Brezel Spagn
français: Guerre d'Espagne
Fiji Hindi: Spanish Civil War
Bahasa Indonesia: Perang Saudara Spanyol
한국어: 스페인 내전
Lëtzebuergesch: Spuenesche Biergerkrich
Plattdüütsch: Spaansche Börgerkrieg
नेपाल भाषा: स्पेनी गृहयुद्ध
srpskohrvatski / српскохрватски: Španski građanski rat
Simple English: Spanish Civil War
Bân-lâm-gú: Se-pan-gâ Lōe-chiàn