Denisova hominin

Ang Denisova hominins (IPA: /dɪ̈ˈniːsəvə/), o mga Denisovan, ay isang panahong Paleolitikong mga kasapi ng henus na Homo na maaaring kabilang sa isang nakaraang hindi alam na espesye ng tao. Noong Marso 2010, inanunsiyo ng mga siyentipiko ang pagkakatuklas ng isang daliring pragmentong buto ng isang batang babaeng nabuhay ng mga 41,000 taong nakalilipas na natuklasan sa isang malayong kweba sa Mga Bundok Altai sa Siberia na tinahanan din ng mga Neanderthal at anatomikong modernong mga tao.[1][2][3] Ang analisis ng DNA na mitokondriyal(mtDNA) ng darili ay nagpapakitang ito ay henetikong malayo mula sa mga mtDNA ng mga neanderthal at anatomikong modernong mga tao(modern humans).[4] Ang kalaunang pag-aaral ng genome na nukleyar mula sa specimen na ito ay nagmumungkahing ang pangkat na ito ay nagsasalo ng isang karaniwang pinagmulan sa mga neanderthal, ang mga ito ay sumaklaw mula Siberia hanggang Timog Silangang Asya at ang mga ito ay namuhay at nakipagtalik sa mga ninuno ng kasalukuyang mga modernong tao na ang hanggang 6% ng DNA ng mga Melanesian at mga Aborihineng Australyano ay hinango mula sa mga Denisovan.[5][6] Ang parehong analisis ng buto ng daliri ng paang natuklasan noong 2011 ay kasalukuyang isinasagawa.[7]

Other Languages
العربية: دينيسوفان
български: Денисов човек
čeština: Denisované
Cymraeg: Denisovan
English: Denisovan
Bahasa Indonesia: Hominin Denisova
日本語: デニソワ人
한국어: 데니소바인
Ripoarisch: Denisova-Mensch
lietuvių: Denisovo žmogus
Nederlands: Denisovamens
srpskohrvatski / српскохрватски: Denisovski čovjek
Simple English: Denisovan
Soomaaliga: Denisovan
српски / srpski: Денисовани
Tiếng Việt: Người Denisova