Demokratikong Republika ng Congo

Demokratikong Republika ng Congo
République Démocratique du Congo
Pambansang Kasabihan: Justice – Paix – Travail  (Pranses)
"Justice – Peace – Work"
Pambansang Awit: Debout Congolais
Pununglunsod
(at pinakamalaking lungsod)
Kinshasaa
4°24′S 15°24′E / 4°24′S 15°24′E / -4.400; 15.400
Opisyal na wika Pranses
Pamahalaan Semi-Presidential Republic
 -  Pangulo Jean-Pierre Bemba
 -  Punong Ministro Bruno Tshibala
Kalayaan
 -  mula Belhika Hunyo 30, 1960 
Lawak
 -  Kabuuan 2,344,858 km2 (ika-12)
905,351 sq mi 
 -  Katubigan (%) 3.3
Santauhan
 -  Pagtataya ng 2007 63,655,000 [1] (ika-20)
 -  Lahatambilang ng 1984 29,916,800 
 -  Kakapalan 25/km2 (ika-179)
65/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2005
 -  Kabuuan $46.491 bilyon1 (ika-78)
 -  Bawat ulo $774 (ika-174)
KGK (pasapyaw) Pagtataya ng 2005
 -  Kabuuan $7.094 bilyon (ika-116)
 -  Bawat ulo $119 (ika-181)
TKT (2004) Increase 0.391 (low) (167th)
Pananalapi Franc congolais (CDF)
Pook ng oras WAT, CAT (TPO+1 to +2)
 -  Tag-araw (DST) not observed (TPO+1 to +2)
Internet TLD .cd
Kodigong pantawag 243
a Nakabatay ang pagtataya sa regression; ang ibang PPP figures ay na-extrapolate mula sa pinakahuling latest International Comparison Programme benchmark estimates.

Ang Demokratikong Republika ng Congo /kong·go/ (Pranses: République Démocratique du Congo), kilala ring DR Congo, DRC, Congo, Congo-Kinshasa ay isang bansa sa gitnang Aprika at ang ikalawang pinakamalaking bansa sa kontinente at ika-11 naman sa daigdig. Pinalilibutan ito ng Central African Republic at South Sudan sa hilaga, Uganda, Rwanda, Burundi at Tanzania sa silangan, Zambia at Angola sa timog, at Republika ng Congo sa kanluran. Sa populasyon nitong 75 milyon, ang Demokratikong Republika ng Congo ay ang pinakamataong bansang Francophone, ikaapat na pinakamataong bansa sa Aprika at ika-19 sa buong daigdig.

Ang mga Digmaang Sibil ng Congo na nagsimula noong 1996 na nagwakas sa 31 taong pamamayagpag sa kapangyarihan ni Mobutu Sese Seko, ay sumira sa bansa at di-naglaon kinabilangan ng siyam na bansa sa Aprika, maraming pangkat ng UN Peacekeepers at dalawampung armadong grupo.[2][3] Nagdulot ng pagkasawi ng may 5.4 milyong katao ang nasabing mga digmaan mula 1998[4][5][6] kung saan higit sa 90% ng mga nasawi ay dahil sa malaria, diarrhea, pulmonya at malnutrisyon, na pinalalâ pa ng mga marurumi at siksikang kondisyon ng mga pinaglikasan ng mga refugee.[7] Halos kalahati sa mga naging biktima ay mga bata na wala pang limang taong gulang.[4] Ayon sa Human Development Index (HDI) noong 2013, ang bansa ay may mababang antas ng kaunlarang pantao, pumang-186 sa 187 mga bansa.[8]

Other Languages
беларуская (тарашкевіца)‎: Дэмакратычная Рэспубліка Конга
বিষ্ণুপ্রিয়া মণিপুরী: গনতান্ত্রিক কঙ্গো প্রজাতন্ত্র
Chavacano de Zamboanga: República Democrática del Congo
qırımtatarca: Kongo (Kinşasa)
Thuɔŋjäŋ: Miir Pan Koŋgo
客家語/Hak-kâ-ngî: Congo Mìn-chú Khiung-fò-koet
Kreyòl ayisyen: Kongo (Kinchasa)
Bahasa Indonesia: Republik Demokratik Kongo
ГӀалгӀай: Конго
íslenska: Austur-Kongó
Kabɩyɛ: Kɔŋgo Kinsasa
Lingua Franca Nova: Republica Democrata de Congo
Baso Minangkabau: Republik Demokratik Kongo
مازِرونی: زئیر
Dorerin Naoero: Ripubrikit Engame Kongo
Nederlands: Congo-Kinshasa
संस्कृतम्: कांगो गणराज्यम्
srpskohrvatski / српскохрватски: Demokratska Republika Kongo
slovenščina: Vzhodni Kongo
SiSwati: IKhongo
oʻzbekcha/ўзбекча: Kongo Demokratik Respublikasi
West-Vlams: Congo-Kinshasa