Bukung-bukong

Ang bukung-bukong.
Ang mga buto sa paa.

Batay sa anatomiya ng tao, ang ugpungan ng bukung-bukong o bukungbukong ay nabuo kung saan nagsasalubong ang paa at ang hita. Isang tila-seradurang dugtungang sinobyal ang bukung-bukong o ugpungang talocrural na nagdirikit sa mga malayong (distal) dulo ng lulod at fibula sa mababang bahagi ng paa at sa malapit (proksimal) na dulo ng butong talus sa paa. Mas pumapasan ng mas maraming bigat ang kilos (artikulasyon) sa pagitan ng tibia at ng talus kaysa sa pagitan ng mas maliit na fibula at ng talus. Sa anatomiya ng hayop, tinatawag na pata ang bukung-bukong.[1]

Mga galaw

Tungkulin ng dugtungang bukung-bukong ang pataas na kilos ng mga daliri ng paa (dorsipleksyon o pag tingkayad: katulad ng pagtayo sa pamamagitan ng sakong lamang) at maging ang pababang kilos ng mga daliri ng paa (pleksyong plantar ng paa), at pinapayagan ang malawakang galaw ng lahat ng mga ugpungan sa paa. Hindi nagagawa ng bukung-bukong ang paikot na galaw (rotasyon).

Sa pleksyong plantar, humahaba ang mga pang-harap ng mga ligamento (litid) ng ugpungan habang umiikli naman ang mga panlikod na mga ligamento. Totoo naman ang kabaligtaran sa kilos na dorsipleksyon.

Kaagapay na kumikilos ng tatlong rehiyon ng talus ang panggilid na malyolus (lateral malleolus) ng fibula at ng pang-gitnang malyolus (medial malleolus) ng tibia kasama ng mababang kalatagan ng malayong tibia (distal tibia).

Mas maluwang ang pang-harap na talus (anterior talus) kaysa panlikod na talus (posterior talus). Kung nakatingkayad ang paa, umuusad ang mas maluwang na parte ng pang-itaas na talus (superior talus) patungo sa mga kumikilos na mga kalatagan ng tibia at fibula, na lumilikha ng mas matatag na ugpungan kaysa kung kailan nakapatag o nakabaluktot paloob ang paa.

Other Languages
አማርኛ: ቁርጭምጭሚት
aragonés: Clavillar
العربية: كاحل
ܐܪܡܝܐ: ܩܘܪܨܠܐ
Aymar aru: Kayumuqu
žemaitėška: Kolkštėns
Bahasa Banjar: Pagalangan batis
brezhoneg: Ufern
català: Turmell
čeština: Hlezenní kloub
Cymraeg: Migwrn
dansk: Ankel
Deutsch: Sprunggelenk
ދިވެހިބަސް: ތަނބިކަށި
English: Ankle
Esperanto: Piedartiko
español: Tobillo
euskara: Orkatila
فارسی: قوزک پا
suomi: Nilkka
Võro: Jalajakk
Frysk: Ankel
Gaeilge: Rúitín
Gàidhlig: Adhbrann
galego: Nocello
Avañe'ẽ: Pyñuã
客家語/Hak-kâ-ngî: Kiok-khwá
עברית: קרסול
हिन्दी: टखना
hrvatski: Gležanj
Bahasa Indonesia: Pergelangan kaki
Ido: Maleolo
italiano: Caviglia
日本語: 足関節
Basa Jawa: Ugel-ugel sikil
Lëtzebuergesch: Enkel (Anatomie)
лакку: Кьюршлу
lumbaart: Caviggia
latviešu: Potīte
Bahasa Melayu: Buku lali
नेपाली: कुर्कुच्चा
Nederlands: Enkel
norsk: Ankelledd
ਪੰਜਾਬੀ: ਗਿੱਟਾ
پنجابی: گٹا
português: Tornozelo
Runa Simi: Chaki muqu
română: Gleznă
संस्कृतम्: गुल्फः
sicilianu: Cavigghia
Scots: Anklet
Simple English: Ankle
svenska: Vrist
Türkçe: Ayak bileği
ئۇيغۇرچە / Uyghurche: ئوشۇق
Tiếng Việt: Cổ chân
isiXhosa: Iqatha
中文: 腳踝
Bân-lâm-gú: Kha-ba̍k
粵語: 腳腕