Budismo

Nakatayong Buddha. Ito ang isa sa pinakamaagang mga alam na representasyon ni Buddha, ika-1 hanggang ika-2 siglo CE. Greco-Buddhist art, Gandhara. (Tokyo National Museum)

Ang Budismo o Budhismo (Sanskrit: Buddha Dharma, nangangahulugang: "Ang Daan ng Naliwanagan") ay isang relihiyon o pilosopiya na nakatuon sa mga aral ni Buddha Śākyamuni (Siddhārtha Gautama), na marahil namuhay noong ika-5 siglo BCE.

Nakatuon ang Budismo sa mga aral ni Siddhartha Gautama o ang "Buda", na isang dakilang mangangaral na nabuhay noong 563 BCE hanggang 483 BCE sa hilagang bahagi ng Indiya. Ang Buddha ay nangangahulugang "ang isang naliwanagan" sa Sanskrit at Pāli. Ang Buddha ay namuhay at nagturo sa silanganing bahagi ng subkontinenteng Indiyano sa pagitan ng ika-6 hanggang ika-4 siglo BCE.[1] Siya ay kinikilala ng mga Budista na isang naliwanagan na nagbahagi ng kanyang mga kabatiran upang tumulong sa mga may kamalayang nilalang na wakasan ang pagdurusa (dukkha) sa pamamagitan ng pagtatanggal na kamangmangan (avidyā) sa pamamamagitan ng pag-unawa at pagkita sa nakasalalay na pinagmulan (pratītyasamutpāda) at pag-aalis ng pagnanasa (taṇhā), at kaya ay makakamit ang pinakamataas na kaligayahan na nirvāņa.[2]

Ang dalawang mga pangunahing sangay ng Budismo ay pangkalahatang kinikilala: ang Theravada ("Ang Paaralan ng mga Nakatatanda") at Mahayana ("Ang Dakilang Sasakyan"). Ang Theravada ay may malawakang mga tagasunod sa Sri Lanka, Timog Silangang Asya. Ang Mayahana ay matatagpuan sa buong Silangang Asya (Tsina, Korea, Hapon, Vietnam, Singapore, Taiwan etc.) at kinabibilangan ng mga tradisyon ng Dalisay na Lupain, Zen, Budismong Nichiren, Budismong Tibetan, Shingon, at Tiantai (Tendai). Sa ilang mga klasipikasyon, angVajrayana na pangunahing sinasanay sa Tibet at Mongolia at mga kalapit na bahagi ng Tsina at Rusya ay kinikilala na ikatlong sangay samantalang ang iba ay umuuri dito bilang bahagi ng Mahayanan. Bagaman ang Budismo ay nananatiling pinakasikat sa loob ng Asya, ang parehong mga sangay nito ay matatagpuan na ngayon sa buong mundo. Ang mga Budismo sa buong mundo ay tinatayang sa pagitan ng 350–500 milyon [3][4][5] o sa pagitan ng 1.2 - 1.7 bilyon.[6][7][8] Ito ay kinikilala rin bilang isa sa pinakamabilis na lumalagong relihiyon sa buong mundo.[9][10][11][12]

Ang mga eskwela ng Budismo ay iba iba sa eksaktong kalikasan ng landas tungo sa kalayaan, ang kahalagahan at kanonisidad ng iba't ibang mga katuruan at kasulatan at lalo na ang kanilang mga respektibong kasanayan.[13] Ang mga pundasyon ng tradisyong Budista at kasanayan ang Tatlong Hiyas (Triple Gem/Tirattana). Ang Tatlong Hiyas ay ang Buda (Ang naliwanagan), ang Dharma (Mga katuruan ng Buda), at ang Sangha (Komunidad ng mga Budista). Ang pagkanlong sa Tatlong Hiyas ay tradisyonal na isang paghahayag at pagtatalaga ng sarili sa pagiging nasa landas na Budista at sa pangakalahatang ay nagtatangi ng isang Budista mula sa isang hindi-Budista.[14] Ang ibang mga kasanayan ay maaaring kabilangan ng mga sumusunod na mga patakarang etikal; pagsuporta sa pamayahanang monastiko; pagtakwil sa nakagawiang pamumuhay at pagigign isang monastiko; pag-unlad ng pagiging mapagmasid at pagsasanay ng pagninilay-nilay; pagpapalago ng mas mataas na karungungan at pagkawari; pag-aaral ng mga kasulatang Budista; mga pagtutuong kasanayan, mga seremonya at sa tradisyong Mahayana ay paghimok ng mga buddha at bodhisattva.

Nabibilang ito sa mga pangunahing relihiyon sa mundo.

Other Languages
Afrikaans: Boeddhisme
Alemannisch: Buddhismus
አማርኛ: ቡዲስም
aragonés: Budismo
Ænglisc: Buddendōm
العربية: بوذية
مصرى: بوذيه
অসমীয়া: বৌদ্ধ ধৰ্ম
asturianu: Budismu
azərbaycanca: Buddizm
تۆرکجه: بودیزم
башҡортса: Буддизм
Boarisch: Buddhismus
žemaitėška: Budėzmos
Bikol Central: Budismo
беларуская: Будызм
беларуская (тарашкевіца)‎: Будызм
български: Будизъм
भोजपुरी: बौद्ध धर्म
Bislama: Budisim
Bahasa Banjar: Buddha
བོད་ཡིག: ནང་བསྟན།
বিষ্ণুপ্রিয়া মণিপুরী: বৌদ্ধ লিচেত
brezhoneg: Boudaegezh
bosanski: Budizam
català: Budisme
Mìng-dĕ̤ng-ngṳ̄: Hŭk-gáu
нохчийн: Буддизм
Cebuano: Budismo
کوردی: بودیزم
corsu: Buddisimu
čeština: Buddhismus
Cymraeg: Bwdhaeth
dansk: Buddhisme
Deutsch: Buddhismus
Zazaki: Budizm
डोटेली: बुद्ध धर्म
Ελληνικά: Βουδισμός
English: Buddhism
Esperanto: Budhismo
español: Budismo
eesti: Budism
euskara: Budismo
estremeñu: Budismu
Võro: Budism
føroyskt: Buddisma
français: Bouddhisme
arpetan: Boudismo
furlan: Budisim
Frysk: Boedisme
Gaeilge: An Búdachas
贛語: 佛教
Gàidhlig: Bùdachas
galego: Budismo
Avañe'ẽ: Vudismo
ગુજરાતી: બૌદ્ધ ધર્મ
客家語/Hak-kâ-ngî: Fu̍t-kau
Hawaiʻi: Hoʻomana Buda
עברית: בודהיזם
हिन्दी: बौद्ध धर्म
Fiji Hindi: Buddhism
hrvatski: Budizam
Kreyòl ayisyen: Boudis
magyar: Buddhizmus
interlingua: Buddhismo
Bahasa Indonesia: Agama Buddha
Interlingue: Budhisme
Ilokano: Budismo
ГӀалгӀай: Буддизм
Ido: Budismo
íslenska: Búddismi
italiano: Buddhismo
日本語: 仏教
Patois: Budizim
la .lojban.: bu'ojda
ქართული: ბუდიზმი
Qaraqalpaqsha: Buddizm
Kabɩyɛ: Buudiyism
қазақша: Буддизм
ភាសាខ្មែរ: ព្រះពុទ្ធសាសនា
한국어: 불교
कॉशुर / کٲشُر: بُدھ مَت
kurdî: Budîzm
kernowek: Bouddhisteth
Кыргызча: Бурканчылык
Latina: Buddhismus
Ladino: Budizmo
Lëtzebuergesch: Buddhismus
лезги: Буддизм
Lingua Franca Nova: Budisme
Limburgs: Boeddhisme
Ligure: Buddiximo
lumbaart: Buddism
lietuvių: Budizmas
latviešu: Budisms
मैथिली: बौद्ध धर्म
Basa Banyumasan: Agama Buddha
Malagasy: Bodisma
Baso Minangkabau: Agamo Buddha
македонски: Будизам
മലയാളം: ബുദ്ധമതം
Bahasa Melayu: Agama Buddha
Malti: Buddiżmu
Mirandés: Budismo
မြန်မာဘာသာ: ဗုဒ္ဓဘာသာ
مازِرونی: بودیسم
Plattdüütsch: Buddhismus
Nedersaksies: Boeddhisme
नेपाली: बुद्ध धर्म
नेपाल भाषा: बुद्ध धर्म
Nederlands: Boeddhisme
norsk nynorsk: Buddhismen
norsk: Buddhisme
Novial: Budisme
Sesotho sa Leboa: Sebuda
occitan: Bodisme
Ирон: Буддизм
ਪੰਜਾਬੀ: ਬੁੱਧ ਧਰਮ
Papiamentu: Budismo
Norfuk / Pitkern: Budism
polski: Buddyzm
Piemontèis: Bodism
پنجابی: بدھ مت
پښتو: بوديزم
português: Budismo
Runa Simi: Wurayuyay
rumantsch: Budissem
română: Budism
русский: Буддизм
русиньскый: Будгізм
संस्कृतम्: बौद्धधर्मः
саха тыла: Буддизм
sardu: Buddhismu
sicilianu: Buddismu
Scots: Buddhism
سنڌي: ٻڌمت
davvisámegiella: Buddhisma
srpskohrvatski / српскохрватски: Budizam
සිංහල: බුද්ධාගම
Simple English: Buddhism
slovenčina: Budhizmus
slovenščina: Budizem
shqip: Budizmi
српски / srpski: Будизам
Basa Sunda: Agama Buddha
svenska: Buddhism
Kiswahili: Ubuddha
தமிழ்: பௌத்தம்
తెలుగు: బౌద్ధ మతము
тоҷикӣ: Дини Буддои
Türkmençe: Buddaçylyk
Tok Pisin: Budisim
Türkçe: Budizm
Xitsonga: Vubhuda
татарча/tatarça: Буддачылык
ئۇيغۇرچە / Uyghurche: بۇددا دىنى
українська: Буддизм
اردو: بدھ مت
oʻzbekcha/ўзбекча: Buddizm
vèneto: Budhismo
vepsän kel’: Buddizm
Tiếng Việt: Phật giáo
Winaray: Budismo
吴语: 佛教
хальмг: Буддизм
მარგალური: ბუდიზმი
ייִדיש: בודהיזם
Vahcuengh: Fozgyau
中文: 佛教
文言: 佛教
Bân-lâm-gú: Hu̍t-kàu
粵語: 佛教
isiZulu: UbuBudha