Bawang

Para sa ibang gamit, tingnan ang Bawang (paglilinaw).
Bawang
Allium sativum Woodwill 1793.jpg
Pag-uuring pambiyolohiya e
Kingdom:Plantae
Clade:Angiosperms
Clade:Monocots
Order:Asparagales
Family:Amaryllidaceae
Genus:Allium
Species:A. sativum
Pangalang binomial
Allium sativum
L.

Ang bawang (Ingles: garlic) o Allium sativum (L.) ay isang uri ng halamang gulay na ginagamit sa pagluluto.[1] Isa itong uri ng sibuyas[kailangang tiyakin] na nasa pamilyang Alliaceae. Kalapit na kamag-anak nito ang mga sibuyas. Ginagamit na ito sa kabuoan ng kasaysayang nakatala, partikular na sa pagluluto at panggagamot. Mayroon itong maanghang na amoy o lasang nakapagpapabanayad at nakapagpapatamis sa mga lutuin.[2]. Nahahati ang mga kumpol nito sa mga malalamang mga butil (bahaging karaniwang ginagamit). Ginagamit ang mga butil bilang buto, pagkain (hilaw o luto), at para sa panggagamot. Nakakain din ang mga dahon, sanga o tangkay, bulaklak sa ulo at kalimitang kinakain kapag mura at malambot pa. Ang tila mga papel na balot o balat at mga ugat na nakadikit sa mga kumpol ang mga natatanging bahaging hindi nakakain. Nagmumula ang matapang na amoy ng bawang sa nilalaman nitong kompawnd na may sulpur.[3]

Bilang halamang-gamot

Pinahahalagahan na ang bawang ng may 5,000 mga taon, sapagkat isa sa mga katangian nito ang kakayahan sa pagpapababa sa antas ng kolesterol ng dugo, kaya't nakapagbabawas ng mga pagkakaroon ng atake sa puso sa mga pasyenteng kardiyako. Isa rin itong estimulante o pampasigla ng sistemang imyuno at gumaganap na antibiyotiko. Hindi gaanong epektibo bilang gamot ang mga inalisan ng amoy na bawang.[3]

Bilang panlaban sa mga impeksiyon, partikular itong epektibo sa mga karamdamang pangbaga, suliraning dihestibo (sa panunaw ng tiyan), at mga impeksiyong dulot ng halamang singaw (fungus). Mainam din ito sa paglaban sa aterosklerosis at pagkakaroon ng trombosis. Nakapagpapaluwang ito ng butas ng mga ugat na daluyan ng dugo na nakapagpapababa ng presyon ng dugo. Nakakatulong din ito sa pagpapanatili ng antas ng asukal sa dugo, kaya't nakatutulong sa mga taong may diyabetes. Bilang pamahid, nagagamit ang mga butil sa mga impeksiyon sa balat at akne. Mas mainam ito kung ginagamit ang sariwang bawang. Sa kasalukuyan, ilan sa mga paghahanda at anyong gamit sa panggamot ang mga bawang na dinurog at pinulbos, nasa loob ng kapsula o "perlas", o pinisa (giniling o piniga).[3]

Other Languages
Afrikaans: Knoffel
aragonés: Allium sativum
العربية: ثوم
asturianu: Allium sativum
Aymar aru: Ajusa
azərbaycanca: Sarımsaq
تۆرکجه: ساریمساق
башҡортса: Һарымһаҡ
Boarisch: Knofe
žemaitėška: Česnags
Bikol Central: Bawang
беларуская: Часнок
беларуская (тарашкевіца)‎: Часнок
български: Чесън
Bislama: Galik
বাংলা: রসুন
བོད་ཡིག: སྒོག་ལོག
brezhoneg: Kignen
bosanski: Bijeli luk
català: All
Mìng-dĕ̤ng-ngṳ̄: Sáung-tàu
کوردی: سیر
corsu: Aglia
Чӑвашла: Ыхра
Cymraeg: Garlleg
dansk: Hvidløg
Deutsch: Knoblauch
dolnoserbski: Pšawy kobołk
ދިވެހިބަސް: ލޮނުމެދު
Ελληνικά: Σκόρδο
English: Garlic
Esperanto: Ajlo
español: Allium sativum
eesti: Küüslauk
euskara: Baratxuri
فارسی: سیر
français: Ail cultivé
furlan: Ai
Gaeilge: Gairleog
galego: Allo
Avañe'ẽ: Áho
गोंयची कोंकणी / Gõychi Konknni: Losun
ગુજરાતી: લસણ
Gaelg: Garleid
Hausa: Tafarnuwa
עברית: שום
हिन्दी: लहसुन
hrvatski: Češnjak
hornjoserbsce: Prawy kobołk
Kreyòl ayisyen: Lay
magyar: Fokhagyma
Հայերեն: Սխտոր
Bahasa Indonesia: Bawang putih
ГӀалгӀай: Саьмарсаькх
Ido: Alio
íslenska: Hvítlaukur
italiano: Allium sativum
日本語: ニンニク
Basa Jawa: Bawang
ქართული: ნიორი
қазақша: Сарымсақ
ភាសាខ្មែរ: ខ្ទឹមស
한국어: 마늘
Кыргызча: Сарымсак
Lëtzebuergesch: Knuewelek
лакку: Лаччи
Limburgs: Witlouk
Ligure: Aggio
latviešu: Ķiploks
मैथिली: लह्सुन
македонски: Лук
монгол: Саримс
मराठी: लसूण
Bahasa Melayu: Bawang putih
မြန်မာဘာသာ: ကြက်သွန်ဖြူ
नेपाली: लसुन
Nederlands: Knoflook
norsk nynorsk: Kvitlauk
norsk: Hvitløk
occitan: Alh cultivat
ଓଡ଼ିଆ: ରସୁଣ
Ирон: Нуры
ਪੰਜਾਬੀ: ਲਸਣ
Kapampangan: Bawang
پنجابی: لسن
پښتو: هوږه
português: Alho
Runa Simi: Ahus
română: Usturoi
русский: Чеснок
संस्कृतम्: लशुनम्
sardu: Azu
sicilianu: Agghia
Scots: Garlic
سنڌي: ٿوم
srpskohrvatski / српскохрватски: Češnjak
Simple English: Garlic
slovenčina: Cesnak kuchynský
slovenščina: Česen
Soomaaliga: Toon
shqip: Hudhra
српски / srpski: Бели лук
Basa Sunda: Bawang bodas
svenska: Vitlök
Kiswahili: Kitunguu saumu
తెలుగు: వెల్లుల్లి
тоҷикӣ: Сирпиёз
Türkmençe: Sarymsak
Türkçe: Sarımsak
тыва дыл: Чеснок
українська: Часник
اردو: لہسن
oʻzbekcha/ўзбекча: Sarimsoq
vepsän kel’: Künz'lauk
Tiếng Việt: Tỏi
walon: A (plante)
Winaray: Lasuna
ייִדיש: קנאבל
Vahcuengh: Suenq
中文:
文言:
Bân-lâm-gú: Soàn-thâu
粵語: 蒜頭