Basilika ni San Juan de Letran

Ang Basilika ni San Juan de Letran ay ang pwesto ng Obispo ng Roma o ang Santo Papa.

Ang Basilika ni San Juan de Letran (Italyano: Basilica di San Giovanni in Laterano, Latin: Basilica Sanctae Mariae Maioris), na mas kilala bilang ang Basilikang Letran, ay ang simbahang katedral ng Diyosesis ng Roma at ang opisyal na pansimbahang sentro ng Obispo ng Roma, o ang Papa.

Ito ang pinakamatanda at nangunguna sa apat na Pangunahing Basilika ng Roma. Ito rin ang umaangkin sa titulo ng Ekumenikong Inang Simbahan sa Simbahang Romano Katoliko. Isang tatak sa patyada, Christo Salvatori, ang nagpapakita ng dedikasyon ng simbahan kay "Kristong Tagapagligtas", tulad ng sa mga katedral ng lahat ng mga patriyarka, kung saan lahat ng mga ito ay dedikado kay Hesukristo mismo. Bilang katedral ng Obispo ng Roma, pinangungunahan nito ang lahat ng ibang mga simbahan sa Simbahang Romano Katoliko, kung kaya't ito ay may titulo na archbasilica.

Ito ay nasa labas ng Lungsod ng Vaticano, ngunit nasa loob pa rin ng lungsod ng Roma. Gayunpaman, ito ay may estadong ekstrateritoryal, bilang isa sa mga pagmamay-ari ng Santa Sede. Ito rin ang kaso sa ibang mga gusali, sunod sa resolusyon ng Tratado ng Letran.

Etimolohiya

Ang pangalan ng archbasilica sa wikang Latino ay, Archibasilica Sanctissimi Salvatoris et Sanctorum Iohannes Baptista et Evangelista in Laterano, na ang ibig sabihin sa Ingles ay, Archbasilica of the Most Holy Saviour and Ss. John the Baptist and the Evangelist at the Lateran. Ang ibig sabihin nito sa Italyano ay, Arcibasilica del Santissimo Salvatore e Santi Giovanni Battista ed Evangelista in Laterano.

Other Languages
Lëtzebuergesch: San Giovanni in Laterano
srpskohrvatski / српскохрватски: Bazilika sv. Ivana Lateranskog