Banal na Imperyong Romano

Banal na Imperyong Romano[1]
Sacrum Romanum Imperium
Heiliges Römisches Reich
Imperyo

 

962–1806
WatawatIskudo
Awit
Wala
Mapa ng Imperyo ng pinakamalaki nitong sakop noong ika-15 siglo, kasama ang hangganan ng kasalukuyang mga bansa.
KabiseraWala
WikaLatin, Hemaniko, Romansa at Slabikong diyalekto
RelihiyonRomano Katolisismo; Protestantismo (opisyal na kinilala ng Imperyo dahil sa Kapayapaan sa Augsburg noong 1555) at Kalbinismo (opisyal na kinilala dahil sa Kapayapaan sa Westphalia nong 1648.)
PamahalaanHinahalal na monarkiya
Emperor
 - 962–973Otto I (first)
 - 1792–1806Francis II (last)
LehislaturaReichstag
Makasaysayang panahonGitnang Panahon
 - Pinutungan ng korona si Otto I
    Emperador ng Italya
Pebrero 2, 962 AD
 - Naluklok si Conrad II
    sa korona ng Burgundy
1034
 - Kapayapaan sa Augsburg1555
 - Kapayapaan ng Westphalia24 Oktubre 1648
 - Disestablished1806
Sumunod sa
Sinundan ng
Francia
Silangang Francia
Lumang Kumpederasyong Suwiso
Republikang Olandes
Kumpederasyon ng Rino
Imperyong Awstriyano
Unang Imperyong Pranses
Kaharian ng Italya
Kaharian ng Prusya
Nagkakaisang Estado ng Belhika
Pamunuan ng Liechtenstein
Bahagi ngayon ng Alemanya

 Awstriya
 Belhika
 Croatia
 Italya
 Liechtenstein
 Luxembourg
 Olanda
 Pransiya
 Polonia
 Republikang Tseko
 Slovenia
 Suwisa

Ang Banal na Imperyong Romano o Imperyo Romanong Banal (Ingles: Holy Roman Empire o HRE; Aleman: Heiliges Römisches Reich (HRR), Latin: Sacrum Romanum Imperium (SRI)) ay isang unyon ng mga teritoryo sa Gitnang Europa noong Gitnang Panahon sa ilalim ng pamumuno ng Banal na Emperador Romano. Nabuo ang Imperyo noong ika-10 siglo buhat sa sangay ng pamilyang Carolingian at dinastiyang Otto. Si Otto I ang unang Banal na Romanong Emperador noong 962 AD. Galing ang pangalan nito, Banal na Imperyong Romano mula sa paniniwala ng pamunuan nito noong Gitnang Panahon patungkol sa pagiging banal, sa desisyong ito ay ang pagpapatuloy ng pamamayagpag ng Imperyong Romano at ang pagpapatupad ng kagustuhan ng Diyos sa pamamaraang Kristiyano.

Unang ginamit ang pariralang Sacrum Imperium noong 1157, sa panahon ni Frederick Barbarossa (1122-1190) habang ang Sacrum Imperium Romanum naman ay lumitaw lamang 1184, at may kaukulang pamantayan na gagamitin lamang hanggang 1254. Nadagdag lamang ang bahaging Nationis Germanicae (Bansang Aleman) noong ika-15 siglo. Sa pagtagal ng panahon, lumawak ang nasasakupan ng Imperyo kung saan napabilang ang maraming bansa sa gitna at katimugang Europa, gaya ng Kaharian ng Alemanya, sa Kaharian ng Italya, at sa Kaharian ng Borgonya; mga teritoryong hawak ng kasalukuyang Alemanya (maliban sa Katimugang Schleswig), Austria (maliban sa Burgenland), Liechtenstein, Swisa, Belhika, ang Netherlands, Luxembourg, Republikang Czech, Slovenia (maliban sa Prekmurje), mga mahahalagang bahagi ng Pransiya (Artois, Alsace, Franche-Comté, Savoie at Lorraine), Italya (Lombardy, Piedmont, Emilia-Romagna, Tuscany, at Timog Tyrol) at Polonia (Silesia, Pomerania, at Neumark). Sa buong kasaysayan ng Imperyo ito ay hinati-hati lamang sa maliliit na mga prinsipalidad, mga dukado, mga kondehan, mga Malayang Siyudad ng Imperyo at iba pang maliliit na yunit. Bagamat tinataglay nito ang pangalang Romano, kailanman ay hindi napabilang ang siyudad ng Roma sa Imperyo. Ang lungsod ng Roma noong panahong yaon ay kontrolado ng Santo Papa.

Dahil sa pagpasok ng malakihang pagbabago at pagiging moderno ng Europa noong mga huling bahagi ng ika-16 at ika-17 siglo, halos lumiit ang kakayahan ng Imperyo na maglunsad ng mga opensiba at digmaan upang lalo pang mapalawak ang teritoryo nito. Kaya naman sa mga panahong ito, mas binigyang-pansin ng Imperyo ang pagtatanggol sa pansarili nitong batas at pagpapatupad ng kapayapaan sa nasasakupan. Upang mapanatili ito sa kapangyarihan at bilang paglalaro sa kakayahan ng pansariling interes, binigyan ng Imperyo ng proteksiyon ang mangilan-ngilang mga prinsipe at panginoon kasabay ng pagbibigay-diin sa maliliit na pagsuway sa kautusan ng Imperyo. Noong 1648, ang mga teritoryo at kaharian sa paligid ng Imperyo ay unti-unting napabilang sa tinatawag na estado ng Imperyo (imperial states), kung saan napanatili nito ang kapayapaan sa mahabang panahon.

Noong pumasok ang ika-18 siglo, lumakas ang kapangyarihan ng ibang bansa sa labas ng Imperyo, kung saan hindi na nito kaya pang protektahan ang mga estado nito buhat sa palisiya at impluwensiya ng mga ibang kaharian. Ito ang isa sa mga dahilan ng pagbagsak ng Imperyo. Dahil sa mga pananakop ng digmaang Napoleoniko at kaalinsabay na pagtatatag ng Kumpederasyon ng Rino, unti-unti nang bumaba ang kapasidad ng Imperyo na pamunuan ang iba pang mga estado. Noong 6 Agosto 1806, opisyal na bumagsak ang Imperyo nang maghain ng pagbaba sa trono ng huling emperador na si Francis II.

Other Languages
беларуская (тарашкевіца)‎: Сьвятая Рымская імпэрыя
Nordfriisk: Hilag Röömsk Rik
客家語/Hak-kâ-ngî: Sṳ̀n-sṳn Lò-mâ Ti-koet
interlingua: Sacre Imperio Roman
Bahasa Indonesia: Kekaisaran Romawi Suci
Lingua Franca Nova: Impero Roman Santa
Bahasa Melayu: Empayar Suci Rom
Nedersaksies: Heilige Roomse Riek
Piemontèis: Imperi Roman Sacrà
srpskohrvatski / српскохрватски: Sveto Rimsko Carstvo
Simple English: Holy Roman Empire
slovenščina: Sveto rimsko cesarstvo
татарча/tatarça: İzge Rim imperiäse
oʻzbekcha/ўзбекча: Muqaddas Rim imperiyasi
West-Vlams: Illig Rôoms Ryk