Bahura ng mga bulaklak na bato

Ang isang bahura ng mga bulaklak na bato o bahura ng mga koral ay isang malaking kayarian na nasa ilalim ng tubig na yari sa patay at buhay na mga koral. Sa karamihan ng malulusog na mga bahura, namamayani ang mga koral na mababato. Nabubuo sila magmula sa mga kolonya ng mga polip na mula sa phylum na Cnidaria na gumagawa ng mga isang eksoskeleton na mayroong karbonado ng kalsiyo. Ang mga bahura ay nabubuo sa mga pook ng karagatan na pangtropiko (30 degring nasa hilaga at timog ng ekwador). Gumaganap ang mga bahura bilang tahanan ng maraming mga isda at iba pang mga hayop na pangtropiko. Ang mga sistema ng mga bahura ng mga koral ay isang pangunahing pang-akit na pangturismo dahil sa kanilang kagandahan at kulay ng mga bulaklak na bati at sa maraming kaugnay na mga hayop. Ang mga ito ay pinagmamasdan ng mga tao habang nag-iisnorkel at sumisisid.

Pagbubuo

Karamihan sa mga bahura ng pangkasalukuyang panahon ay nabuo pagkaraan ng huling panahon ng yelo nang ang natutunaw na mga yelo ay nagdulot nang pagtaas ng antas ng dagat at binaha ang mga salansan na pangkontinente. Nangangahulugan ito na ang mga bahura ng mga koral ay 10,000 mga taon na ang gulang. Habang natatatag ang mga pamayanan ng mga bahura ng koral sa ibabaw ng mga salansanan, bumubuo ang mga ito ng mga bahura na lumalaking papaitaas, na sumasabay sa pagtaas ng antas ng dagat. Ang mga bahura na hindi nakakasabay ay nagiging “mga bahurang nalunod”, na natakpan ng napakaraming tubig kung kaya’t walang sapat na liwanag para sa patuloy na pag-iral.[1]

Matatagpuan din ang mga bahura ng koral sa kalaliman ng dagat na malayo mula sa mga salansanang pangkontinente, sa paligit ng mga kapuluang pangkaragatan at bilang mga karang. Ang halos karamihan ng pangkaragatan na mga kapuluan ng mga bulaklak na bato na ganito ay may pinagmulang bulkan. Ang ilang mga hindi pagsasali sa ganitong pinagmulan ay mayroong mga pinagsimulaang tektoniko kung saan ang mga kilos ng plato ay nagpaangat sa sahig ng ilalim ng karagatan papunta sa kaibabawan.[2]

Other Languages
Afrikaans: Koraalrif
العربية: شعاب مرجانية
asturianu: Petón de coral
azərbaycanca: Mərcan rifi
башҡортса: Мәрйен рифтары
беларуская: Каралавыя рыфы
български: Коралов риф
bosanski: Koralni greben
čeština: Korálový útes
kaszëbsczi: Rafa
dansk: Koralrev
Deutsch: Korallenriff
English: Coral reef
Esperanto: Korala rifo
eesti: Korallrahu
føroyskt: Korallriv
français: Récif corallien
hrvatski: Koraljni greben
Kreyòl ayisyen: Resif koray
Bahasa Indonesia: Terumbu karang
íslenska: Kóralrif
日本語: サンゴ礁
Basa Jawa: Terumbu karang
ქართული: მარჯნის რიფი
한국어: 산호초
lietuvių: Koralinis rifas
latviešu: Koraļļu rifs
македонски: Корален гребен
Bahasa Melayu: Terumbu karang
Nederlands: Koraalrif
norsk nynorsk: Korallrev
norsk: Korallrev
occitan: Arrecife
ਪੰਜਾਬੀ: ਮੂੰਗਾ ਚਟਾਨ
Papiamentu: Ref di koral
português: Recife de coral
română: Recif de corali
srpskohrvatski / српскохрватски: Koraljni greben
සිංහල: කොරල් පර
Simple English: Coral reef
slovenčina: Koralový útes
slovenščina: Koralni greben
српски / srpski: Корални гребен
svenska: Korallrev
Türkçe: Mercan resifi
українська: Кораловий риф
oʻzbekcha/ўзбекча: Marjon riflari
Tiếng Việt: Rạn san hô
吴语: 珊瑚礁
中文: 珊瑚礁
Bân-lâm-gú: San-ô͘-chiau
粵語: 珊瑚礁