Papa Juan Pablo II | mga tangkang pagpaslang at mga plano

Mga tangkang pagpaslang At Mga plano

Talaksan:En.PapalAssassinationAttemptMarker.jpg
The site in the Vatican City's Saint of the shooting of Pope Saint John Paul II is marked by a small marble tablet bearing John Paul's personal papal arms and the date in Roman numerals.

Habang papasok siya sa Plaza San Pedro para magsalita sa mga tagapakinig noong 13 Mayo, 1981,[81] binaril at lubhang nasugatan si Papa Juan Pablo II ni Mehmet Al Ağca, isang Turko na kasapi ng militanteng groupong pasismo na tinatawag na Grey Wolves.[82] Gumamit ang tagapagbaril ng isang semi-awtomatikong pistolang Browning. Tinamaan ang papa sa tiyan at tumagos sa kaniyang mga bituka ng ilang beses.[70] Sinugod si Juan Pablo II sa loob ng mga gusali ng Vatican at sa Ospital ng Gemelli. Habang sinusugod siya sa ospital ay nawalan siya ng malay. Bagaman hindi tinamaan ang kaniyang arterya, halos tatlong-kapat ng kaniyang dugo ang nawala. Inoperahan siya ng limang oras para magamot ang kaniyang mga sugat.[83] Sa kaniyang dagliang pagbabalik ng malay habang siya'y inooperahan, pinakiusapan niya sa mga duktor na huwag tanggalin ang kaniyang Kayumangging Skapular.[84] Binanggit ng papa na tumulong sa kaniya ang Ina ng Fatima upang mabuhay sa pagsubok na ito.[54][85][86]

Nahuli si Ağca at pinigilan siya ng isang madre at ng ibang mga tao hanggang sa dumating ang mga pulis. Sinentensiyahan siya ng habangbuhay na pagkakakulong. Dalawang araw matapos ang Kapaskuhan noong 1983, bumisita si Juan Pablo II kay Ağca sa kulungan. Pribadong nakipag-usap si Juan Pablo II at si Agca ng dalawampung minuto.[54][85] Binanggit ng Papa, "Kung anuman ang napag-usapan namin ay mananatiling lihim sa pagitan niya at ako. Nakipag-usap ako sa kaniya bilang isang kapatid, na siyang pinatawad ko at may lubos kong pagtitiwala."

Noong 2 Marso 2006, binanggit ng Komisyong Mitrokhin ng Parlamento ng Italya, na binuo ni Silvio Berlusconi at pinamunuan ng senador ng Forza Italia na si Paolo Guzzanti, na ang Unyong Sobyet ang may kinalaman sa pagtatangka sa buhay ni Juan Pablo II,[82][87] bilang ganti sa suporta ng papa sa Solidarity, na isang kilusan ng mga manggagawa na Katoliko at maka-demokratiko. Matagal na din itong sinasang-ayunan ng Central Intelligence Agency ng Estados Unidos sa mga panahong iyon.

Ang pangalawang pagtatangka sa buhay ng Papa ay naganap noong 12 Mayo, 1982, isang araw lamang matapos ang anibersaryo ng tangkang pagpatay sa kaniya, sa Fatima, Portugal, kung saan tinangka ng isang lalaki na saksakin si Juan Pablo II gamit ang bayoneta.[88][89][90] Napigilan siya ng mga guwardya, ngunit kinalaunan sinalaysay ni Stanisław Dziwisz na nasugatan si Juan Pablo II sa nasabing pagtatangka ngunit nagawa niyang itago ang hindi-gaanong kalubhang sugat.[88][89][90] Ang nagtangka sa kaniyang buhay ay isang Paring Kastila na si Juan Maria Fernandez y Krohn,[88] na isang maka-tradisyunal na Katolikong pari, at inordena bilang pari ni Arsobispo Marcel Lefebvre ng Kalipunan ni San Pio X at tumututol sa mga reporma ng Ikalawang Konseho Ng Vatican, at gumigiit na ang papa ay isang kasabwat ng Komunistang Moscow at Marxismong Silangang Europa.[91] Umalis din sa pagkapari si Fernandez at ikinulong din.[89][90][91] Kinalaunan, ginamot ang dating pari dahil sa sakit sa pag-iisip at pinalayas mula sa Portugal para maging solisitor sa Belhika.[91]

Naging target din si Papa Juan Pablo II ng sabwatang Bojinka, na pinondohan ng Al-Qaeda, sa kaniyang pagbisita sa Pilipinas noong 1995. Ang unang plano ay ang pagpatay sa kaniya sa Pilipinas sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Kabataan. Ayon sa plano, sa 15 Enero 1995, isang suicide bomber ang magdadamit bilang hari habang dumadaan ang motorcade ni Juan Pablo II patungo sa Seminaryo ng San Carlos sa Lungsod ng Makati. Lalapit ang assassin sa papa at pasasabugin ang bomba. Ang balak dito, ang gagawing pagpaslang ay upang malihis ang atensyon mula sa susunod na gawain ng operasyon. Subalit natuklasan ang planong ito, noong nagkaroon ng sunog kemikal sa pinagtataguan ng mga terorista. Dahil dito naalerto ang mga pulis, at nadakip ang lahat ng mga kasabwat dito isang linggo bago ang pagbisita ng papa. Umamin ang mga kasabwat sa planong ito.[92]

Noong 2009, nilathala ni John Koehler, isang mamamahayag at dating opisyal ng intelihensya ng hukbo, ang Spies of the Vatican: The Soviet Union's Cold War Against The Catholic Church (Mga Espiya ng Vatican: Ang Malamig na Digmaan ng Unyong Sobyet Laban Sa Simabahng Katoliko). Sa Sa kaniyang pagsasaliksik sa mga papeles ng mga lihim na pulisya ng Polonya at Silangang Alemanya, pinahayag ni Koehler na ang mga tangkang pagpaslang ay "may suporta ng KGB" at nagbigay siya ng mga detalye.[93] Sa panunungkulan ni Juan Pablo II, maraming mga klerigo na nasa loob ng Vatican at may nominasyon ay tumangging magpa-orden, at kinalaunan ay mahiwagang umalis ng simbahan. Maraming mga naghaka-haka na sila talaga ay mga ahente ng KGB.

Other Languages
Alemannisch: Johannes Paul II.
aragonés: Chuan-Pavlo II
Aymar aru: Juan Pawlu II
azərbaycanca: II İohann Pavel
žemaitėška: Juons Paulios II
Bikol Central: Papa Juan Pablo II
беларуская (тарашкевіца)‎: Ян Павал II
български: Йоан Павел II
brezhoneg: Yann-Baol II
català: Joan Pau II
Mìng-dĕ̤ng-ngṳ̄: Gáu-huòng Ioannes Paulus 2-sié
Cebuano: Juan Pablo II
čeština: Jan Pavel II.
kaszëbsczi: Jan Paweł II
dolnoserbski: Jan Pawoł II.
español: Juan Pablo II
فارسی: ژان پل دوم
français: Jean-Paul II
Avañe'ẽ: Huã Páulo II
गोंयची कोंकणी / Gõychi Konknni: Pope John Paul II
客家語/Hak-kâ-ngî: Kau-fòng Ioannes Paulus 2-sṳ
hrvatski: Ivan Pavao II.
hornjoserbsce: Jan Pawoł II.
Bahasa Indonesia: Paus Yohanes Paulus II
Interlingue: Ioannes Paulus II
ქართული: იოანე პავლე II
Kabɩyɛ: Jean-Paul 2
Ripoarisch: Johannes Paul II.
Lëtzebuergesch: Jean-Paul II. (Poopst)
lumbaart: Giovann Paol II
lietuvių: Jonas Paulius II
Malagasy: Joany Paoly II
македонски: Јован Павле II
Bahasa Melayu: Paus Ioannes Paulus II
مازِرونی: پاپ ژان پل دوم
Plattdüütsch: Johannes Paul II.
norsk nynorsk: Pave Johannes Paul II
Nouormand: Jean-Paoul II
occitan: Joan Pau II
Kapampangan: Papa Juan Pablo II
Piemontèis: Gioann Pàul II
Runa Simi: Huwan Pawlu II
armãneashti: Papa Ioannis Pavlu II
русский: Иоанн Павел II
саха тыла: Иоанн Павел II
srpskohrvatski / српскохрватски: Ivan Pavao II.
Simple English: Pope John Paul II
slovenčina: Ján Pavol II.
slovenščina: Papež Janez Pavel II.
српски / srpski: Папа Јован Павле II
ślůnski: Jůn Paul II
татарча/tatarça: Иоанн Павел II
українська: Іван Павло II
oʻzbekcha/ўзбекча: Ioann Pavel II