Papa Juan Pablo II | papel sa pagbagsak ng komunismo

Papel sa pagbagsak ng Komunismo

Kinikilala si Juan Pablo II bilang isa sa mga may malaking bahagi sa pagbagsak ng Komunismo sa Gitna at Silangang Europa,[50][70][54][71][72][73] sa pamamagitan ng pagiging espiritwal na inspirasyon sa likod ng pagbagsak nito at siyang nagbigay-sigla sa isang "mapayapang rebolusyon" sa Polonya. Kinilala ni Lech Wałęsa, tagatatag ng kilusang 'Solidarity', si Juan Pablo II dahil sa pagbibigay niya ng lakas loob sa mga Polako na humingi ng pagbabago. Ayon kay Wałęsa, "Bago siya naging papa, nahahati ang mundo sa pagitan ng mga block. Walang nakakaalam kung paano maaalis ang komunismo. Sa Warsaw, noong 1979, payak niyang sinabi: 'Huwag kayong matakot', at nanalangin din: 'Nawa'y ang iyong Espiritu ay dumating at baguhin ang imahe ng kalupaan... ang kalupaang ito'." [73] May mga bintang pa nga na lihim na pinondohan ng Bangko ng Vatican ang Solidarity.[74][75]

Sa pakikipag-usap ni Pangulong Ronald Reagan sa Papa, lumitaw ang "patuloy na pagkukumamot para hikayatin ang suporta ng Vatican para sa mga polisiya ng Amerika. Marahil na kataka-taka, lumitaw sa mga papeles na, miski sa mga huling bahagi ng 1984, hindi naniniwala ang papa na maaari pang mabago ang pamahalaang Komunismo sa Polonya."[76]

Kagaya ng pagpapaliwanag ng isang Briton na historyador na si Timothy Garton Ash, na pinahayag ang kaniyang sarili bilang "agnostikong liberal", makaraang pumanaw si Juan Pablo II:

Walang makakapatunay na siya ang pangunahing dahilan ng katapusan ng komunismo. Ngunit, ang lahat ng mga malalaking tauhan sa lahat ng panig - hindi lang si Lech Wałęsa, puno ng Polakong Solidarity, kundi rin ang mortal na kalaban ng Solidarity, si Heneral Wojciech Jaruzelski; hindi lang ang dating pangulo ng Amerika na si George Bush Senior kundi rin ang dating pangulong Sobyet na si Mikhail Gorbachev - ay sumasang-ayon na siya nga. Mangangatwiran ako sa makasaysayang kaso sa tatlong hakbang: kung wala ang Polakong Papa, walang rebolusyong Solidarity sa Polonya sa 1980; kung walang Solidarity, walang malaking pagbabago sa polisiyang Sobyet tungo sa silangang Europa sa ilalim ni Gorbachev; kung walang pagbabagong ito, walang rebolusyong pelus sa 1989.

(No one can prove conclusively that he was a primary cause of the end of communism. However, the major figures on all sides – not just Lech Wałęsa, the Polish Solidarity leader, but also Solidarity's arch-opponent, General Wojciech Jaruzelski; not just the former American president George Bush Senior but also the former Soviet president Mikhail Gorbachev – now agree that he was. I would argue the historical case in three steps: without the Polish Pope, no Solidarity revolution in Poland in 1980; without Solidarity, no dramatic change in Soviet policy towards eastern Europe under Gorbachev; without that change, no velvet revolutions in 1989.)[77]

Noong Disyembre 1989, nakipagkita si Juan Pablo II sa lider ng Sobyet na si Mikhail Gorbachev sa Vatican at nakipagpalitan ng respeto at paghanga sa isa't isa. Minsang sinabi ni Gorbachev na, "Ang pagbasak ng Bakal na Telon ay maaaring imposible kung wala si Juan Pablo II".[70][71] Sa pagpanaw ni Juan Pablo II, sinabi ni Mikhail Gorbachev: "Ang malasakit ni Papa Juan Pablo II sa kaniyang mga tagasunod ay isang pambihirang halimbawa para sa ating lahat.[72][73]

Noong 4 Hunyo 2004, ipinakita ng Pangulo ng Estados Unidos sa panahong iyon, si George W. Bush, ang Presidential Medal of Freedom (Pampangulong Medalya ng Kalayaan), pinakamataas na karangalang pangsibil sa Amerika, kay Papa Juan Pablo II sa isang seremnoya sa Apostolikong Palasyo. Binasa ng pangulo ang sipi na nakalakip sa medalya, na kumikilala sa "anak ng Polonyang ito" kung saan "nagprinsipyo at nagtaguyod para sa kapayapaan at kalayaan na nagbigay inspirasyon sa milyon at nakibahagi sa pagbagsak ng komunismo at kalupitan."[78] Matapos tanggapin ang karangalan, sinabi ni Juan Pablo II, "Nawa'y ang pagnanais ng kalayaan, kapayapaan at isang mundong mas makatao na sinisimbolo sa medalyang ito ang magbigay inspirasyon sa mga kalalakihan at kababaihan ng may magandang kalooban sa lahat ng oras at dako."[79]

Tangka ng mga komunista na sirain si Juan Pablo II

Minsan nang tinangka ng rehimeng Komunismo ng Polonya na sirain si Juan Pablo II at paguhuin ang kaniyang popularidad sa pamamagitan ng pagpapahayag na mayroong anak sa labas ang papa. Mayroong aksiyon ang Służba Bezpieczeństwa, isang ahensyang pang-seguridad sa Komunistang Polonya, na nagngangalang "Triangolo", na pinamumunuan ni Heneral Grzegorz Piotrowski, isa sa mga pumaslang kay Jerzy Popiełuszko. Gustong samantalahin ni Piotrowski si Irena Kinaszewska, na kalihim ng magasin ng Katoliko sa Polonya, ang Tygodnik Powszechny, kung saan minsan nang nagtrabaho ang magiging papa, at kinikilalang tagahanga ni Juan Pablo II. Matapos lagyan ng droga ang inumin ni Kinaszewska, tinangka siyang paaminin ng mga opisyal ng Służba Bezpieczeństwa na nagkaroon sila ng relasyong sekswal ni Juan Pablo II. Noong hindi ito nagtagumpay, gumawa ang Służba Bezpieczeństwa ng mga gawa-gawang alaala ni Kinaszewska na nagsasabing nagkaroon sila ng relasyong sekswal sa isa't isa at inilagay sila sa isang apartment ng paring si Andrzej Bardecki, at ang mga alaalang ito ay kukumpiskahin sana ng mga militia sa paghahalughog. Ngunit nabigo ang planong ito, noong napatunayang peke si Piotrowski at nalaman ni Bardecki ang ginawang mga pamemeke, at kaniya itong winasak.[80]

Other Languages
Alemannisch: Johannes Paul II.
aragonés: Chuan-Pavlo II
Aymar aru: Juan Pawlu II
azərbaycanca: II İohann Pavel
žemaitėška: Juons Paulios II
Bikol Central: Papa Juan Pablo II
беларуская (тарашкевіца)‎: Ян Павал II
български: Йоан Павел II
brezhoneg: Yann-Baol II
català: Joan Pau II
Mìng-dĕ̤ng-ngṳ̄: Gáu-huòng Ioannes Paulus 2-sié
Cebuano: Juan Pablo II
čeština: Jan Pavel II.
kaszëbsczi: Jan Paweł II
dolnoserbski: Jan Pawoł II.
español: Juan Pablo II
فارسی: ژان پل دوم
français: Jean-Paul II
Avañe'ẽ: Huã Páulo II
गोंयची कोंकणी / Gõychi Konknni: Pope John Paul II
客家語/Hak-kâ-ngî: Kau-fòng Ioannes Paulus 2-sṳ
hrvatski: Ivan Pavao II.
hornjoserbsce: Jan Pawoł II.
Bahasa Indonesia: Paus Yohanes Paulus II
Interlingue: Ioannes Paulus II
ქართული: იოანე პავლე II
Kabɩyɛ: Jean-Paul 2
Ripoarisch: Johannes Paul II.
Lëtzebuergesch: Jean-Paul II. (Poopst)
lumbaart: Giovann Paol II
lietuvių: Jonas Paulius II
Malagasy: Joany Paoly II
македонски: Јован Павле II
Bahasa Melayu: Paus Ioannes Paulus II
مازِرونی: پاپ ژان پل دوم
Plattdüütsch: Johannes Paul II.
norsk nynorsk: Pave Johannes Paul II
Nouormand: Jean-Paoul II
occitan: Joan Pau II
Kapampangan: Papa Juan Pablo II
Piemontèis: Gioann Pàul II
Runa Simi: Huwan Pawlu II
armãneashti: Papa Ioannis Pavlu II
русский: Иоанн Павел II
саха тыла: Иоанн Павел II
srpskohrvatski / српскохрватски: Ivan Pavao II.
Simple English: Pope John Paul II
slovenčina: Ján Pavol II.
slovenščina: Papež Janez Pavel II.
српски / srpski: Папа Јован Павле II
ślůnski: Jůn Paul II
татарча/tatarça: Иоанн Павел II
українська: Іван Павло II
oʻzbekcha/ўзбекча: Ioann Pavel II